Mga Puzzle na Laro
Mag-download at maglaro ng mga Puzzle game mula sa Epic Games Store. Inaalok namin ang ilan sa pinakamahuhusay at pinakanakakasabik na Puzzle game.
FAQ sa mga Puzzle Game
Ano ang puzzle game?
Ang mga puzzle game ay mga uri ng larong nakatutok sa paglutas ng mga problema. Kadalasan, kailangan ng player na mag-isip ng lohikal na solusyon sa mga pagsubok. Maaaring malutas ang mga puzzle sa iba’t ibang paraan, mula sa simpleng mga tanong sa matematika at salita hanggang sa pagkuha ng mga perpektong larawan ayon sa isang misyon. Maaaring itong maging 2D, 3D, at kahit VR.
Nag-aalok ba ang Epic Games Store ng mga puzzle game sa Windows?
Oo. Pindutin ang “Puzzle” na tag sa Browse page para humanap ng mga puzzle game sa loob ng store. Nagawa mo nang lutasin ang iyong unang puzzle, at sa paggawa nito, makikita mo ang lahat ng Puzzle Game sa Windows na na-tag natin sa Epic Games Store.
May mga libreng puzzle game bang puwedeng i-download sa PC ko?
Oo. Maaari mong piliin ang “Libre” na tag sa Browse page para makahanap ng offline na mga survival game sa loob ng store. Ang link na ito ay magdadala sa iyo sa mga Libreng Puzzle Game na na-tag natin sa Epic Games Store.
May mga maramihang player o co-op na puzzle game ba para sa PC?
Oo. Laging kasiya-siyang talunin ang mga kaibigan sa mga puzzle game o makipagtulungan sa pag-iisip ng sadyang malikhain o nakakatawang solusyon.
Maaari mong piliin ang “Maramihang Player” o “Co-op” na tag sa Browse page para hanapin ang mga maramihang player o puzzle game sa loob ng store. Ang link na ito ay magdadala sa iyo sa mga Maramihang Player na Puzzle Game naka-tag ito sa Epic Games Store. At ang link na ito ay magdadala sa iyo sa Mga Co-op Puzzle Game.







































