Programa ng Unang Paglunsad ng Epic | Itabi ang 100% ng Kita para sa Anim na Buwang Eksklusibo
Umabot sa Pandaigdigang Audience
Direktang pamamahagi sa mahigit 295 milyong Epic user sa 187 bansa at suportado ang 16 na wika.
Kumita nang Higit Pa sa Epic
Handog ng aming opt-in exclusivity program ang 100% na bahagi ng kita para sa iyong 6 na buwan, magkano man ang kinikita mo.
Programang Nagtatampok
Placements sa buong home page, mga collection page at mga editorial opportunity para sa mga kalahok na eksklusibong laro.
Mga Unreal Saving
Waived ang mga royalty ng Unreal Engine sa mga pagbabayad na ipinoproseso ng Epic Games.
Mga Reward ng Epic
Makakakuha ng mga reward ang mga aktibong player ng Epic sa bawat transaksiyon sa store at mas makakatipid pa sa pamamagitan ng paglalapat ng mga ito sa mga susunod na pagbili.
Mga Tool sa Lifecycle ng Produkto
Mga self-service na diskuwento, access sa mga seasonal sale, at isang lingguhang discount program para suportahan ang iyong commercial strategy.
FAQ sa Programa ng Unang Paglunsad ng Epic
Ang Unang Paglunsad ng Epic ay isang opt-in at eksklusibong programang nag-aalok sa mga ikatlong-partidong developer ng 100% net na kita mula sa mga kwalipikadong produkto sa kanilang unang anim na buwan ng pagiging eksklusibo sa Epic Games Store, magkano man ang kinikita mo. Kapag natapos na ang panahon ng pagiging eksklusibo, babalik ang hatian sa kitang nakuha mula sa paggastos ng user sa aming karaniwang 100%/0% na hatian sa kita hanggang sa iyong unang $1M net na kita, at 88% / 12% pagkatapos niyon.
Nalalapat ang $1M na limitasyon sa net na kita kada produkto, kada taon sa kalendaryo — kailan man matatapos ang panahon ng Unang Paglunsad ng Epic. Halimbawa, kung kikita ang isang laro ng $700K sa Unang Paglunsad ng Epic, ang sunod na $300K ng taong iyon ay magiging kwalipikado pa rin para sa 100% hatian sa kita bago ito bumalik sa 88%/12% kung naabot ang mahigit $1M.
Bukas ang programang ito sa mga developer at publisher na may mga nakarehistrong developer account sa Epic Games at mga kwalipikadong produktong ilulunsad sa o pagkatapos ng Oktubre 16, 2023.
Isang bagong labas na laro o app na hindi pa nailulunsad noon sa ibang third-party PC store o kasama sa isang subscription service na available sa isa pang third-party PC store.
Hindi eligible para sa programa ang mga laro o app na may pre-existing na exclusivity deal sa Epic Games Store.
Dahil ang blockchain, distributed ledger, NFT, at iba pang katulad na produkto ay hindi maaaring gumamit ng mga pamamaraang pinangangasiwaan ng Epic ayon sa mga tuntunin ng platform ng Epic, hindi pwedeng makilahok ang mga ito.Para gumawa ng account, pumunta sa website ng Developer Portal sa dev.epicgames.com/portal (Magbubukas ng bagong tab) at sundin ang mga tagubilin para mag-sign in, pagkatapos ay iparehistro ang iyong organisasyon at mga produkto. Para sa karagdagang impormasyon, pakitingnan ang aming gabay sa paggawa ng Developer Portal account.
Bukas ang pagpaparehistro sa pamamagitan ng aming mself-publishing tools flow sa Dev Portal. Kung mayroon kang kumpidensiyal na katanungan, mangyaring mag-log in (Magbubukas ng bagong tab) at magsimula ng pribadong diskusyon (Magbubukas ng bagong tab) na may topic na Epic Games Store at subtopic na ‘Epic First Run'. Kung isa ka nang partner, mangyaring direktang makipag-ugnayan sa iyong account manager sa Epic Games Store.
Aalisin sa produkto ang eksklusibong tag na nasa store at babalik ang hatian sa kitang nakuha mula sa paggastos ng user sa aming mga pangkaraniwang tuntuning 100%/0% nang hanggang sa iyong unang $1M sa net na kita, at 88%/12% pagkatapos noon.
Mas pinadali ang pagpasok ng iyong mga laro sa Epic Games Store. Noong Marso 2023, inilunsad namin ang aming mga self-service publishing tool para mapadali ang proseso ng onboarding at paglunsad. Ang mga tool ay nagbibigay-daan sa mga developer na magrehistro, mag-set up, subukan, at ipamahagi ang kanilang mga laro nang direkta sa pamamagitan ng Epic Developer Portal.
Magbasa pa tungkol sa mga benepisyo at kinakailangan ng self-publishing sa Epic Games Store sa aming blog tungkol sa mga anunsyo ng self-publishing tool (Magbubukas ng bagong tab), at bisitahin ang aming page ng pamamahagi (Magbubukas ng bagong tab) upang mag-sign up. Para sa higit pang kasalukuyang numero ng player at trend ng Store, bisitahin ang aming pinakabagong Taon ng Pagsusuri.
Oo, pero dapat ilunsad muna ang iyong produkto sa Epic Games Store at manatili itong eksklusibo sa PC store sa loob ng unang anim na buwan para maging kwalipikado.
Oo, hangga't unang ilulunsad ang buong produkto mo sa Epic Games Store at mananatili itong eksklusibo sa PC store sa loob ng unang anim na buwan.
Oo, kung maglulunsad ka sa Maagang Access bago tumungo sa 1.0 na paglunsad, hindi isasama ang yugtong nasa Maagang Access ka sa iyong anim na buwang termino ng pagiging eksklusibo
Oo, ang mga kalahok na produkto ay pwede ring ilunsad nang sabay sa mga sariling store o launcher ng publisher gamit ang direktang pagbebebenta sa mga user, pamamahagi ng digital redemption code ng Epic Games Store, o sa pamamagitan ng paggamit ng keyless distribution system ng Epic Games Store para mapabilis ang pagbili.
Oo, pero dapat gamitin mo ang aming keyless na system ng pamamahagi (Magbubukas ng bagong tab) para maisagawa ang mga pagbiling iyon. Nakikipagtulungan kami sa ilang iba pang digital store para suportahan ang tampok na ito sa pamamagitan ng pag-link ng account. Kapag ini-link ng isang user ang mga account niya sa pagitan ng digital retailer at Epic Games, idaragdag ang mga biniling produkto sa library sa Epic Games Store ng player nang hindi na kinakailangang mag-redeem ng digital code.
Binibigyang-daan ng keyless na system ng pamamahagi (Magbubukas ng bagong tab) ang mga user na i-link ang kanilang account sa Epic Games sa iba pang ikatlong-partidong store para sa direktang access sa mga biniling produkto nang hindi kinakailangang maglagay ng 20-digit na code ng pag-redeem. Kasalukuyan kaming nauugnay sa Green Man Gaming, Fanatical, Genba Digital, Humble Bundle, at iba pa. Pakitandaang dapat direktang makipag-ugnyan ang mga developer sa mga ikatlong-partidong store para iparehistro at ilista nila ang kanilang mga produkto.
Kapag na-unenroll o inalis ang isang produkto mula sa programang Unang Paglunsad ng Epic, babalik ang lahat ng kitang nakuha mula sa paggastos ng player mula sa petsa ng paglulunsad ng produkto sa karaniwang 100%/0% hatian sa kita na hanggang sa iyong unang $1M na net na kita kada produkto, kada taon, at 88%/12% pagkatapos niyon. Kakalkulahin ang hatian sa kita na parang hindi kailanman lumahok ang produkto sa Unang Paglunsad ng Epic. Ilalapat ulit ang hatian sa kitang nakasaad sa iyong kasunduan sa pamamahagi sa lahat ng benta ng produkto. Posibleng maglapat ang Epic Games ng mga halagang dapat bayaran sa iyo para matugunan ang anumang kakulangan sa kita hanggang sa mabawi ang halagang iyon.
Sumali sa talakayan o gumawa ng mga topic para sa suporta ng komunidad tungkol sa pamamahagi.
Isang modular na set ng mga online na serbisyo para ikonekta ang iyong komunidad sa lahat ng platform.
Ang pinakabukas at pinaka-advance na real-time 3D creation tool.