
Balita
Libre ngayong linggo ang Arranger: A Role-Puzzling Adventure sa Epic Games Store para sa mobile
D
Dave Tach
* Tandaan: Posibleng hindi available sa lahat ng rehiyon

Arranger: A Role-Puzzling Adventure
Muwebles at Kutson
Ang Arranger: A Role-Puzzling Adventure ay isang laro kung saan magkakaugnay ang combat, exploration, at movement sa isang mundong puno ng mga puzzle.Gaganap ka bilang si Jemma, na nararamdamang hindi siya nabibilang sa komportable't maliit niyang bayan. Nagdesisyon siyang i-explore ang hindi gaanong komportableng mga lugar sa paligid nito. Ang mundo ng Arranger: A Role-Puzzling Adventure ay nabuo sa isang grid ng mga column at row, na gumagalaw kasabay ng paggalaw niya. Sa katunayan, magsisimula ang bagong konseptong ito sa sandaling simulan mo ang laro, kung saan ang mismong title screen ang nagsisilbing tutorial.
Bagama't binuo ang Arranger: A Role-Puzzling Adventure base sa challenging at environment-based na mga puzzle, isa pa rin itong cozy na laro at heart. Kung nahihirapan ka sa isang puzzle at naiinis ka na, puwede mo itong i-skip at magpatuloy sa paglalakbay mo.
I-download na nang libre ang Arranger: A Role-Puzzling Adventure sa mobile, at tingnan ang Epic Games Store para ma-explore ang lumalaking catalog. At kung interesado ka sa iba pang mga feature, gabay, at balita tungkol sa lahat ng bagay na may kinalaman sa video games, tingnan din ang page ng balita ng Epic Games Store.