Balita

Mas Magagandang Deal sa Fortnite at Higit Pa: Mababawi ng mga Player ang 20% ​​sa Mga Reward ng Epic Simula Ngayon

E
Epic Games
May 9, 2025

Na-update noong Agosto 28, 2025: Pinalawig hanggang Enero 8, 2026 ang 20% ​​na MEGA boost sa Mga Reward ng Epic. 

Simula ngayon, kapag bumili ka sa Fortnite, Rocket League, at Fall Guys gamit ang system ng pagbabayad ng Epic sa buong mundo sa PC, iOS, Android, at web, mababawi mo ang 20% sa Mga Reward ng Epic. Puwede mong gastusin ang iyong mga reward sa Fortnite at sa iba pa naming laro, o sa Epic Games Store kapag ginamit mo ang system ng pagbabayad ng Epic. Mananatili ang 20% ​​na reward na ito sa mga laro ng Epic.

Gayundin, binu-boost namin ang Mga Reward ng Epic. Mula 5% magiging 20% na ito para sa lahat ng pagbili sa Epic Games Store gamit ang system ng pagbabayad ng Epic hanggang Agosto 31. Kabilang dito ang mga laro mula sa iba pang kompanyang ipinamamahagi sa pamamagitan ng Epic Games Store.

Narito ang preview ng dalawang opsyon sa pagbili na ilulunsad ng Epic sa pagbabalik ng Fortnite sa App Store sa US, na nag-aalok sa mga player ng pagpili ng system ng pagbabayad ng Epic (na mababawi ang 20% sa Mga Reward ng Epic) at pagbili sa loob ng app ng Apple:


Ingles