
Libre ang Botany Manor ngayong linggo sa Epic Games Store para sa mobile

Mula Pebrero 5 – 12, 2026 sa Epic Games Store mobile app, puwede mong i-download ang Botany Manor nang libre sa Android sa buong mundo at iOS sa European Union.
* Tandaan: Posibleng hindi available sa lahat ng rehiyon


Botany Manor
Balloon Studios
Ang Botany Manor ay isang cozy at first-person puzzle game na nagaganap sa isang manor sa Inglatera. Ang kakaibang tahanang ito sa probinsya ay puno ng mga kakaibang halamang nangangailangan ng partikular na atensyong tanging ikaw lamang ang makakapagbigay.
Gagampanan mo ang papel ng retiradong botanist na si Arabella Greene. Matapos ang mahabang karera, lumipat siya sa kanayunan ng Inglatera upang magsaliksik ng mga halaman at magsulat ng aklat na pinamagatang “Forgotten Flora.” At ang mga walang bantay—at hindi inaalagaan—na halaman ang nagsisilbing mga puzzle ng Botany Manor. Napapaligiran ng mga tanawin at tunog ng pastulan ng kanayunan noong ika-19 na siglo, kailangang matuto si Arabella na magtanim ng iba’t ibang uri ng sensitibong halaman.
Tutulong sa iyo ang mausisang isip na matuklasan ang mga sikreto kung paano lumalago ang mga halaman sa Botany Manor. Gagalugarin mo ang mga lupain, magta-tap sa mga bagay, at mangangalap ka ng impormasyon sa iyong research journal. Habang mas marami kang natutuklasan, mas marami kang natututunan, at mas marami kang maa-unlock, dahil ang mga clue tulad ng mga tala, liham, at mga kagamitang Victorian mula sa lahat ng sulok ng manor ay magdadala sa iyo sa mga solusyon. At marami pang matutuklasan bukod sa mga halaman, dahil unti-unti mong matututunan ang kuwento ni Arabella at ang mga hamon niya sa buhay.
I-download na nang libre ang Botany Manor sa mobile at tingnan ang Epic Games Store para ma-explore ang lumalaking catalog. At kung interesado ka sa higit pang feature, gabay, at balita tungkol sa lahat ng video game, tingnan din ang page ng balita ng Epic Games Store.