
Libre ngayong linggo ang Boxes: Lost Fragments sa Epic Games Store para sa mobile

Mula Pebrero 26 – Marso 5, 2026 sa Epic Games Store mobile app, puwede mong i-download ang Boxes: Lost Fragments nang libre sa Android sa buong mundo at sa iOS sa European Union.
* Tandaan: Posibleng hindi available sa lahat ng rehiyon.


Boxes: Lost Fragments
Big Loop Studios
Ang Boxes: Lost Fragments ay isang nakakapukaw na puzzle game na puno ng malulupit na puzzle box na pinagmukhang kumplikadong makinarya.
Maglalaro ka bilang tanyag na magnanakaw na pumasok sa isang misteryosong mansyon—pero nagkaaberya ang raket. Sa loob ng malawak na mansyon, makakakita ka ng sunod-sunod na misteryosong puzzle box, na bawat isa ay isang hamon na dapat mong malampasan. Sa bawat puzzle na malulutas mo, mas mapapalapit ka sa paglutas sa misteryo ng pagkakakulong mo sa malapalasyong tirahan na ito na puno ng napakadetalyadong palamuti at malulupit na puzzle.
I-download na ngayon ang Boxes: Lost Fragments nang libre sa mobile, at tingnan ang Epic Games Store para i-explore ang lumalaking catalog. At kung interesado ka sa higit pang feature, gabay, at balita na tungkol sa lahat ng may kinalaman sa mga video game, tingnan din ang page ng balita ng Epic Games Store.