
Balita
Nagdo-double jump si Rafa sa pagtahak sa Borderlands 4 sa Gamescom
C
Charlie Wacholz
Ngunit sa Borderlands 4, tila pinag-aralan ng Gearbox ang huling 16 na taon ng disenyo ng FPS at bumalik sa drawing board na may tamang saloobin, na hinahayaan kung ano ang gumana habang binubuo ang iba.
Dumalo ako sa isang oras na kaganapan ng demo sa Gamescom 2025 na hino-host ng Gearbox at 2K, kung saan nakakita ako ng maikling presentasyon tungkol sa laro mula sa isang pares ng mga beterano ng serye bago saglit na nag-hands on sa laro mismo bilang Rafa, ang Exo-Soldier ng laro.
Hino-host nina Senior Producer Anthony Nicholson at World Building Director Jason Reiss, nagbukas ang presentasyon sa diretsahang pahayag ng misyon: “Mas kaunting mga hangganan, mas maraming lupain.” Sa tingin pa lang, hayagang pagpupugay ito sa anyo ng open world na laro—na ipinagmamalaki ang tuloy-tuloy na magkakaugnay na mga lupain sa unang pagkakataon sa serye—ngunit talagang mas malalim ito. Nagtuon ang presentasyon ng lead sa tuluy-tuloy na karanasan sa laro. Sa pamamagitan ng paghahanap ng mga friction point sa mga nakaraang laro (tulad ng paghahanap ng healing item sa battlefield na puno ng loot sa panahon ng labanan), nakahanap sila ng mga paraan para ma-streamline ang bilis at daloy ng normal na gameplay. Ngayon, nakaugnay ang pagpapagaling sa hawak na item sa pag-cooldown kaysa sa lumang estilo ng paghahanap ng karayom sa bunton ng bala sa mga nakaraang entry.
Ginagawa ang lahat ng ito sa ngalan ng pagbibigay-daan sa mga player na ma-enjoy ang pinakamagagandang bahagi ng serye nang hindi pinapabagal ng ilan sa mga hindi gaanong mahusay na ideya sa disenyo na maaaring magtagal sa pagnanakaw at pagbaril. At doon pumapasok ang mas malalaking pagbabago; lubhang pinalawak ang paggalaw. Sa interes pareho ng pag-modernize ng serye at pagbubukas ng open world ng Borderlands 4 hindi ka lang tumatakbo at bumabaril dito. Ngayon, puwede kang mag-double jump, mag-air dash, mag-glide, lumangoy, at magkaroon ng grapple hook, na naghihikayat ng mas dinamikong pamamaraan sa gunplay mga engkuwentro sa labanan, at open world sa Borderlands.
Nagtagal ako sa pagtakbo sa isang bagay na katulad ng karaniwang seksyon ng gameplay mula sa mga nakaraang laro para makita kung paano umaangkop ang mga bagong tweak at tool na ito sa kit ng Borderlands . Natutuwa akong sabihing ang pagtakbo at pagbaril na may dagdag na verticality at mas dinamikong paggalaw ay parang mas natural kaysa inaasahan ko. Siguro dahil iyon sa pangkalahata’y talagang nag-e-enjoy ako sa paggalaw sa mga laro gaya ng Fortnite o DOOM Eternal, ngunit ang ilan sa mga ito, lalo na ang pag-double jump at pagtakbo na may shotgun, ay singkinis ng mantikilya.

Kinailangan kong pumili sa pagitan ng antas ng vault at seksyon ng open world. Nauwi ako sa pagpili ng opsyong mas malapit sa mga klasikong laro para makita kung paano gumana ang lahat ng bagong opsyon sa paggalaw at pag-aayos. Ngunit natikman ko pa rin ang open world mula sa presentasyon, na nangako ng ilang medyo cool na tweak sa open-world formula. Paborito ko ang pamamaraan ng Gearbox sa mga misyon sa open world. Bukas ang kuwento ng Borderlands 4, na may hindi linear na kuwento. Dahil dito, madalas na lalabas ang kuwento at mga side quest habang palapit ka sa kanilang destinasyon; hindi nakikipag-usap sa isang NPC. Talagang cool na feature itong sa tingin ko’y maraming magagawa para mapanatiling umuusad ang gameplay nang hindi masyadong bumabagal.
At kahit na medyo nag-aalala akong baka mabawasan nito ang pagkakataon ng kanilang all-star na mga manunulat na maipamalas nang husto ang kanilang galing sa pagpapatawa, ang iilang pagsusulat na nakita ko (ibig sabihi’y mga pangalan ng kalaban at monologo ng isang masamang tao) ay tumumbok sa diretso at walang palamuting tono kumpara sa mas todo at lantarang banat ng katatawanan ng 3.
Nagtapos ang linear na seksyon sa boss fight sa isang dambuhalang mala-butiking halimaw na halaman. Sa pakikipagbuno sa mga kumikinang na bumbilya at pagbaril sa mahihinang bahagi, umiwas ako at humabol sa pagitan ng malalaking pag-atake ng AOE at naglabas ng mga alipores hanggang sa tuluyang maubusan ako ng oras bago ko mailigpit ang boss.
Dinadala ako nito sa aking pinakamalaking isyu sa tipak ng Borderlands 4 na nakita ko; medyo natagalan ang pagpatay sa mga kalaban. Sigurado akong magpapatindi sa tama ng bawat bala ang mas maraming oras na pag-iikot sa naa-upgrade na skill tree ng aking karakter (bago rin para sa 4). Ngunit kahit pagkatapos pumili ng mga pinagsanib na kakayahang nagpatindi sa mga nakasisirang epekto mula sa aking mga bala, nabugbog ang mga kalaban, lalo na sa sobrang dami ng balang nauubos ko, tapos puro talon, dash, at grapple pa ako kung saan-saan.

Sana’y mas marami ang naging oras ko sa laro para masubukan ko nang husto ang mga bagong opsyon sa progresyon ng karakter at open world, ngunit sa palagay ko ay tama ang mga ginagawang hakbang ng Gearbox para madala ang Borderlands sa bagong panahon.
Bumili ng Borderlands 4 sa Epic Games Store bago sumapit ang Setyembre 13, 2026 at tanggapin ang Mad Moxxi Bundle sa Fortnite! Mag-e-expire ang alok nang 11:59 AM PHT sa Setyembre 13, 2026. Para sa buong detalye, basahin ang FAQ.
At para alamin pa kung paano unang tinukoy ng team ang looter-shooter at ngayo’y umaasang mapapaganda pa ito, tingnan ang aming cover story.
