Balita

Libre ang Dumb Ways to Die 2: The Games ngayong linggo sa Epic Games Store para sa mobile

D
Dave Tach
Abr 2, 2026
Mula Abril 2 – 9, 2026 sa Epic Games Store mobile app, maaari mong i-download ang Dumb Ways to Die 2: The Games nang libre sa Android sa buong mundo at iOS sa European Union.

* Tandaan: Posibleng hindi available sa lahat ng rehiyon
Mobile Image
Dumb Ways to Die 2 2

Dumb Ways to Die 2: The Games

PlaySide

Tampok ng Dumb Ways to Die 2: The Games ang Beans na sa sobrang braindead ay kakailanganin mong pigilan na mamatay nang paulit-ulit.

Isasabak ng sequel ang Beans sa mahigit 80 mapanganib na minigame, na makikita mong nakakalat sa buong mapa. Habang ine-explore mo ang Dumbville, magda-drag ka, magsa-swipe, at magta-tap sa iyong screen para mapanatiling ligtas ang mga naninirahan dito. Mayroon ding daily challenges ang Dumb Ways to Die 2: The Games, bagong Beans na pwedeng i-unlock, at isang character book na iyong kukumpletuhin. 

Bunga ng isang 2012 public service announcement ang adorable at laging napapahamak na Beans. Kinomisyon ito ng Metro Trains Melbourne at idinisenyo upang isulong ang kaligtasan sa tren. Umabot sa mahigit 348 million YouTube views ang original viral video na 'yon. 

I-download na nang libre ngayong araw ang Dumb Ways to Die 2: The Games sa mobile, at tingnan ang Epic Games Store para ma-explore ang lumalaking catalog. At kung interesado ka sa iba pang mga feature, gabay, at balita tungkol sa lahat ng bagay na may kinalaman sa mga video game, tingnan din ang page ng balita ng Epic Games Store.