Balita

Bilhin ang Dumb Ways to Die sa Epic Games Store para sa mobile para makuha ang Dumb Ways to Die Bundle sa Fortnite!

E
Epic Games
Okt 23, 2025

Mahigit isang dekada na ang nakalipas mula nang naglabas ang Metro Trains ng Melbourne, Australia ng campaign para sa pampublikong kamalayan na tinatawag na Dumb Ways to Die, na nagpasimula ng malaki at nakakatawang prangkisang pinagbibidahan ng mga cartoon bean na dumaranas ng malulubhang pagkamatay salamat sa .... Puwes, pagiging tanga.

At ngayon, darating na ang nakakatawa at mapanganib na prangkisa sa Fortnite!
FIL DWTD PDP Editorial Banner 4264x632
Kunin ang Dumb Ways to Die sa Epic Games Store para sa mobile pagkatapos ng 6 AM PHT sa Oktubre 23, at matatanggap mo ang Dumb Ways to Die Bundle sa Fortnite. Naglalaman ang bundle ng:

  • Berdeng Bean na Palamuti sa Likod na may mga palaso. (Bakit ka magsusuot ng sungay sa panahon ng pangangaso, Botch?)
  • Ang Dumb Ways to Die Emote na nagtatampok ng jingle at shuffle na pang-iwas sa panganib.

Mabibili rin ang Dumb Ways to Die Bundle sa Shop ng Fortnite simula sa Oktubre 23, 2025, 8 AM PHT at magtatapos sa Oktubre 30, 2025, 8 AM PHT.

Lumundag ang Dumb Ways to Die mula sa pagiging serbisyong pampublikong cartoon patungo sa pagiging sobrang sikat na video game noong 2013. Ang orihinal na laro, na available na sa Epic Games Store para sa mobile, ay may mga player na nagsasagawa ng mga nakakamatay at nakakabahalang katangahang aktibidad bilang serye ng maliliit na larong hindi nagtatapos nang maayos para sa mga Bean.

Para sa buong detalye, basahin ang FAQ sa ibaba.

Ano ang Dumb Ways to Die Bundle?

Ang Dumb Ways to Die Bundle ay koleksyon ng mga cosmetic sa loob ng larong magagamit mo sa Fortnite

Paano ko makukuha ang Dumb Ways to Die Bundle?

Ang anumang pagbili ng Dumb Ways to Die sa Epic Games Store para sa mobile ay magbibigay sa iyo ng Dumb Ways to Die Bundle sa Fortnite. Siguraduhin lang na bumili ka ng Dumb Ways to Die gamit ang parehong account sa Epic na ginagamit mo sa paglalaro ng Fortnite

Mabibili rin ang Dumb Ways to Die Bundle sa Shop ng Fortnite simula sa Oktubre 23, 2025, 8 AM PHT at magtatapos sa Oktubre 30, 2025, 8 AM PHT.

Bumili ako ng Dumb Ways to Die sa Epic Games Store para sa mobile. Ano na ngayon?

Mag-log in sa Fortnite gamit ang parehong account sa Epic na ginamit mo para bumili ng Dumb Ways to Die — anumang oras makalipas ang Oktubre 23, 2025, 6 AM PHT — at magkakaroon ka ng Dumb Ways to Die Bundle na awtomatikong idaragdag sa iyong Fortnite Locker.

Kung bibili ako ng Dumb Ways to Die sa Epic Games Store para sa mobile, lalabas din ba ang Dumb Ways to Die Bundle sa aking Fortnite Locker sa ibang platform? (PlayStation, Xbox, Nintendo, PC atbp.)

Oo! Kung ginagamit mo ang iyong account sa Epic, o ikinonekta mo ang iyong account sa Epic sa iyong account sa platform,  ang Dumb Ways to Die Bundle ay nasa iyong Fortnite Locker.

Ikonekta ang iyong mga account sa platform sa mga setting ng iyong account sa Epic.
 

Ano ang mangyayari kung nabili ko na ang lahat o bahagi ng Dumb Ways to Die Bundle sa Shop ng Fortnite , saka ako bumili ng Dumb Ways to Die sa Epic Games Store para sa mobile?

Kung nabili mo na ang buong bundle, makakakuha ka ng kaloob sa Fortnite na 800 V-Bucks sa halip na Dumb Ways to Die Bundle.

Nabili na ang bahagi ng bundle? Para sa anumang bundle item na binili sa loob ng 90 araw ng iyong susunod na pag-login sa Fortnite , bibigyan ka ng katumbas na halaga ng V-Bucks (at ng iba pang bundle item) sa pagbili ng Dumb Ways to Die.

Mananatili ba sa akin ang Dumb Ways to Die Bundle kung ire-refund ko ang Dumb Ways to Die?

Kung ire-refund mo ang Dumb Ways to Die, mawawala ang iyong Dumb Ways to Die Bundle sa Fortnite kung nakuha mo ito sa pamamagitan ng pagbili ng Dumb Ways to Die.

Paano ko mada-download at malalaro ang Fortnite?

Maaari mong i-download at laruin ang Fortnite mula sa mga sumusunod na lugar:

  • PC - Epic Games Store
  • PlayStation - PlayStation Store
  • Xbox - Microsoft Store
  • Nintendo Switch 2 - Nintendo eShop
  • Nintendo Switch - Nintendo eShop
  • Android - Available sa pamamagitan ng Epic Games Store sa mobile. Na-block ng Google ang access mo sa Fortnite sa Google Play.
  • iPhone:
    • Kung nakatira ka sa United States (US), ang Fortnite ay available mula sa App Store.
    • Kung nakatira ka sa European Union (EU), ang Fortnite ay available sa pamamagitan ng Epic Games Store sa mobile. Ang mga user ng iPhone sa EU ay maaaring alternatibong maglaro ng Fortnite sa pamamagitan ng AltStore PAL.
    • Kung hindi ka nakatira sa US o EU, hindi available i-download ang Fortnite sa iPhone sa ngayon.
  • iPad:
    • Kung nakatira ka sa United States (US), ang Fortnite ay available mula sa App Store.
    • Kung nakatira ka sa European Union (EU), ang Fortnite ay available sa pamamagitan ng Epic Games Store sa mobile. Ang mga user ng iPad sa EU ay maaaring alternatibong maglaro ng Fortnite sa pamamagitan ng AltStore PAL
    • Kung hindi ka nakatira sa US o EU, hindi available i-download ang Fortnite sa iPad sa ngayon.

​​​​Maaari mo ring laruin ang Fortnite sa pamamagitan ng cloud streaming (a.k.a. cloud gaming):