Ang bagong Great One ng Once Human, mga Merfolk at barko ng pirata sa Disney Dreamlight Valley, at isang libreng piratical Metroidvania Soulslike
Ang bagong spin ng Once Human sa Visional Wheel | Maging Merfolk sa Disney Dreamlight Valley | Makuha ang Mark of the Deep nang libre
Inihahatid ng Season 5 ang The Echo, mga bagong mode ng laro sa Once Human
Kasama sa Season 5 ng Visional Wheel na “Dissonant Resonance” ang bagong Great One na determinadong wasakin ang natitira sa post-apocalyptic setting ng open-world survival game na Once Human.
Nakakaapekto ang Echo sa Manibus (hindi kasama ang Novice Scenario), Evolution’s Call, Prismverse’s Clash, The Way of Winter, Endless Dream, Isles of Abyss at Deviation: Survive, Capture, Preserve. Maaaring lumipat ang mga Meta sa "Vision" world sa pamamagitan ng Worldstone para maranasan ito.
Sa mga apektadong sitwasyon, nagiging Dissonant Husk na nakalutang sa kalangitan ang kalooban ng mga pumanaw na nilalang.
Handog din ng The Echo ang dalawang bagong mode ng laro: ang Resonant Movements at The Echo War.
Malalimang suriin ang opisyal na Dev Blog (Magbubukas ng bagong tab)para matuklasan ang higit pa tungkol sa The Echo, mga bagong mode nito, at mga reward, redemption shop at Deviation na naghihintay sa iyo.
May mga merfolk, island biome at sarili mong pirate ship na darating sa Disney Dreamlight Valley
Sumabak sa isang adventure sa kabilang baybayin ng Dreamlight Valley, maglayag gamit ang isang pirate ship at mag-anyong Merfolk para ma-explore ang kailaliman habang hinahanap mo ang isang dating kaibigan sa bagong expansion, ang The Keepsake Sea.
Lumayag sa katubigan ng The Keepsake Sea para ma-explore ang lahat ng inaalok ng karagatan, kabilang na ang mga bagong kaibigan. Magsisimula ang adventure sa Dazzle Beach, kung saan makakahanap ka ng lihim na mensaheng iniwan ng isang dating kaibigan sa isang estatwa.
Para mahanap ang stranded mong kaibigan, maaari kang mag-anyong Merfolk, na may mga bagong customization option kabilang na ang mga tenga, palikpik, braso, torso, pattern ng buntot, at iba't ibang kulay. Bilang Merfolk, maaari kang lumangoy sa tubig sa buong Valley at maging sa mga nakaraang expansion area.
Kung mas mahilig ka naman sa bangka, maaari ka ring maglayag sa dagat gamit ang sarili mong Enchanted Pirate Ship, na maaari mong i-customize at gamitin para mag-salvage ng mga item mula sa tubig. Maaari ka pang magsama ng apat na Villager bilang iyong crew.
Kasama rin sa expansion ang tatlong bagong island biome na may mga natatanging environment, bagong mga Disney at Pixar character, at ang apat na Guardian na nagbabantay sa dagat.
Kabilang sa mga character sina Milo Thatch mula sa Atlantis: The Lost Empire ng Disney, Captain Jack Sparrow mula sa Pirates of the Caribbean ng Disney, Megara mula sa Hercules ng Disney, at Captain Hook at Wendy mula sa Peter Pan ng Disney.
May sariling mga Companion din ang bawat biome: mga Toucan, Meringuin, at Axolotl. Maging ang kauna-unahang Adventure Companion ng laro, si Dory mula sa Finding Nemo ng Disney at Pixar, na tutulong sa iyong mahanap ang daan mo underwater.
Libre ngayong linggo ang Pirate Metroidvania Soulslike na Mark of the Deep
Libreng makuha ang Mark of the Deep ng Mad Mimic sa Epic Games Store hanggang Nob. 26 nang 11:00 AM. ET.
Sa isometric action-adventure game na ito, maglalaro ka bilang si Marcus “Rookie” Ramsey, isang piratang sumadsad ang barko sa isang sinumpang isla at hinahanap ang nawawala niyang crew. Kung mababawi mo sila, nangangahulugan itong malalampasan mo ang mahigit 80 kalaban at 16 na boss.
Hindi ito magiging madali dahil sa dami ng mga sea horror, walking dead, at mga nakabalabal na panatiko sa isla. Mabuti na lang, Mark Keeper si Rookie, at ang mga Mark na na-a-unlock niya ay nagbibigay sa kaniya ng mga bagong kapangyarihan sa labanan at mga bagong paraan para malibot ang isla. Sa iyong paglalakbay, makakakuha ka rin ng mga skill, armas, at trinket, kaya naman maaari mong i-tune ang iyong build sa anumang susunod na ibabato sa iyo ng isla.


