
Balita
Pakikipaglaban sa iyong pamilya gamit ang iyong espada at mga salita sa At Fate's End
A
Alan Wen
"Matagal na akong nahuhumaling sa mga royal family at aristocracy dahil mga pamilya silang tulad din ng sa atin, mas kumplikado lang," sabi ni creative director Nicolas Guerin. "Kaya hilig ng mga tao na subaybayan ang British royal family, dahil mas intense ang lahat ng bagay tungkol sa kanila."
Dahil na rin puno ng iskandalo at katiwalian ang mga modernong kuwento mula sa mga dinastiya, isa rin itong sentimyentong ninais niyang bigyang-buhay sa genre ng fantasy. "Anim o pitong taong gulang pa lang ako ay nagbabasa na ako ng Tolkien, at matagal ko nang nararamdamang maganda itong setting para sa isang game," sabi ni Guerin. "Gayunpaman, matagal ko nang palagay na karaniwan sa mga fantasy setting ang ideya na ang mga aristocratic na pamilyang maharlika ay mga tagapagligtas at likas na dakila ang mga maharlika at ang aristocratic values, na hindi ko pinaniniwalaan."

Kaya naman, sa At Fate's End, ginagampanan mo ang papel ni Shan Hemlock, ang batang prinsesa ng angkan ng Hemlock, na uusig at kokompronta sa kanyang mga kapamilya tungkol sa pinsalang idinulot ng kanilang god-like powers sa mundo.
Sa kabila nito ay isa itong mundong magandang pagmasdan, na may hand-painted artistry na naging tatak ng studio na ito, may mga character na iginuhit nang detalyado sa high resolution para maganda silang tingnan sa gameplay at kapag lumalapit ang camera para sa mga mas dramatic na sandali. Kasama pa nga rito ang nakakaantig na hugging animations tulad ng makikita sa cozy game nila na Spiritfarer.
"Para sa game na ito, gusto naming magkaroon ng visual na tumutukoy sa classic Disney movies mula noong '50s at '60s," dagdag ni Guerin. "Ang mga stylized background ay inspired ng mga artist tulad ni Eyvind Earle, na gumawa ng mga background para sa Sleeping Beauty. Nakatutulong itong lumikha ng nakakatuwang fantasy world na classy pero may kalungkutan din."

Swords and siblings
Bagaman layon ng laro na punahin ang mga makapangyarihang pamilyang maharlika, nabighani pa rin si Guerin sa mga kakaibang ritwal na maaaring ituring ng iba na makaluma o hindi na napapanahon. Sa kasong ito, ang angkan ng Hemlock ay may ritwal ng succession na kinasasangkutan ng mga espadang hawak ng bawat miyembro ng pamilya na nagbibigay sa kanila ng god-like powers — ang bawat espada ay pinangalanan pa nga ayon sa mga diyos mula sa Gaulish pantheon, tulad ng espadang Aesus ni Shan, ang diyos ng pagdududa at pagpili.
"Iyon ay isang ritwal ng pamilyang ito kung saan, sa bawat henerasyon, hinihirang ang isa sa mga anak nila bilang Prince o Princess of Swords, at kailangan niyang makuha ang iba pang mga god sword mula sa kamay ng mga kapatid niya para ibalik ang mga ito sa kastilyo at i-restart and cycle para maging King o Queen of Swords," paliwanag ni Guerin. "Hinirang si Shan bilang Princess of Swords, kaya tungkulin niyang ipunin ang iba pang mga espada mula sa mga kapatid niya, na puwede mong kunin sa kanila, na may mga kahihinatnan, o kusa nilang ibibigay sa iyo ang espada nila."
Ang mga mahiwagang espada na ito ay hindi lang sandata kundi literal ding bahagi ng may hawak nito, dahil isinakripisyo ng bawat miyembro ng pamilya ang bahagi ng katawan nila bilang sisidlan ng espada. Halimbawa, lumalabas si Aesus mula sa lalamunan ni Shan, na may symbolic na kahulugan, ayon kay Guerin: "Ang espada ang nagsasalita para sa kanya, na isa ring malaking layunin ng game na maramdaman mo na ang mga ginagawa mo ay sarili mong desisyon bilang player at sarili niyang desisyon bilang isang character sa mundong iyon."
Nagkataon din na itinuturing na hindi masyadong magandang espada ang Aesus, at mismong si Shan ay medyo mas maliit kaysa sa kanyang Amazonian na kapatid na si Camilla, ang una sa mga kapatid na makakaharap mo, at may espadang Taranis, diyos ng kalangitan at kulog, na nakatira sa kaliwang braso niya. Ngunit, hindi lang iyon ang dahilan kung bakit kaya niyang talunin ka nang mabilis sa una ninyong duwelo.
Ang At Fate's End ay may mabilis at precise na combat, kung saan maaari kang mag-left-click, mag-hold, pagkatapos ay itutok ang direksyon ng attack ng iyong espada para sa attack na mas malakas at mas malayo ang abot — mananatili ka ring nakatigil kapag ginagawa ang aksyong ito sa ere. Pinaghirapan ng Thunder Lotus na makamit ang tight at responsive controls kung saan masaya ang combat na may intermediate challenge, pero kalahating bahagi lang iyon ng action-adventure na ito.
Kahit sapat ang husay mo para malampasan ang unang phase ng laban kay Camila, kailangan mo ring siyang i-attack gamit ang mga salita mo. Gayunpaman, sa unang laban, mula sa mga pagpipilian sa dialogue na ibinibigay sa iyo, mapagtatanto mong kulang ka ng impormasyon para makapagsabi ng anumang makabuluhan. Kaya kapag natalo ka niya, walang saysay kung susubukan mo lang ulit kaagad nang hindi muna natutuklasan ang kanyang mga sikreto para matablan ang kanyang mga depensa.

Ang resulta ay isang investigative side ng game kung saan, kapag nag-right-click ka, makakapasok ka sa pansamantalang tinatawag na inner sight ni Shan. Ito ay nagbibigay-daan sa iyo na gamitin ang mouse upang tuklasin at mag-interact sa mga bagay sa kapaligiran, katulad ng isang point-and-click adventure, habang nakatigil din ang oras.
"Ang punto nito ay gamitin ang buong screen para sa maraming bagay na puwede kang mag-interact," paliwanag ni Guerin. "Mahirap para sa amin na hindi lang kopyahin ang istrukturang gamit ng ibang mga game, kung saan puwede kang tumalon-talon at makipaglaban, pero ilang elemento lang ang nakaka-interact mo. Pero dahil parehong imbestigasyon at aksyon ang game, kailangan kong magkaroon ng paraang nagbibigay-daan sa player na mag-interact sa mundo nang mas kumplikado at mas may kontrol."
Sa mismong laro, nangangahulugan itong puwedeng makipag-interact si Shan sa mga elemento sa screen kahit malayo ang mga ito sa kanya, at maaari ka ring makakita ng mga nakatagong simbolo na puwedeng magbigay ng mga reward, tulad ng paghahanap ng treasure chest. Higit sa lahat, ang paggamit nito para makipag-usap sa ibang mga character o suriin ang mga bagay ay ang paraan kung paano ka makakakuha ng impormasyon na maaaring makapagpababa sa depensa ni Camilla.
"Ang mga bagay na matutuklasan mo sa kastilyo ay magbibigay ng mga insight, ito ay mga card na may mga clue at snapshot ng realidad na kailangan mong gamitin para makakuha ng impormasyon," paliwanag ni Guerin.
Sa kaso ni Camilla, ipinapaliwanag niya kay Shan na hindi niya isusuko ang kanyang espadang Taranis dahil mayroon na siyang mahalagang papel sa pagprotekta sa Hemlock Castle bilang tagapagbantay nito, at minamahal siya ng kanyang mga tao. Pero kapag na-explore mo na ang castle grounds, makakakuha ka ng mga insight na makakapagpasinungaling sa kanyang mga pahayag at unti-unti mong matutuklasan ang katotohanan.

Isang family affair
Ang inner sight ay hindi lang para sa exploration. Isa sa mga kapangyarihan na mayroon si Aesus (bukod pa sa kakayahang iligtas ang iyong buhay kapag naubusan ka ng health) ay ang kakayahang mag-absorb ng kaunting power mula sa mga espada ng mga kapatid mo, na kinakatawan sa anyo ng isang arcana mula sa isang tarot deck.
"Sa totoo lang, kaya mong mag-absorb ng dalawang power nang sabay, dahil dalawa ang configuration ng mga mga tarot, tuwid at baligtad," paliwanag ni Guerin. Isa-isa lang ang puwede mo i-equip, pero idinisenyo ang mga ito kung saan ang isa ay isang tactical move, na ina-activate sa pamamagitan ng pagpasok sa inner sight, habang ang isa naman ay isang active move na ginagawa nang real-time.
Halimbawa, ang arcana ni Camilla ay ang Chariot, kung saan ang tuwid na card ay nagbibigay-daan sa iyo na i-pause ang aksyon at pagkatapos ay pumili ng posisyon kung saan ka puwedeng agad na mag-dash-teleport, habang ang kabaligtaran nito ay nagpapahintulot sa iyo na mag-double-jump. Maaari ka ring lumipat sa pagitan ng mga playstyle na ito sa labas ng combat.
"Binibigyang-daan nito ang player na magkaroon ng maraming pagpipilian, at ang layunin ay magkaroon ng mga pagpipilian sa lahat ng oras," dagdag ni Guerin. Layunin ding magkaroon ng mga paraan para balansehin ang challenge kung mas pinipili ng isang player ang action kaysa sa adventure, at vice versa. "Kung gusto mo ng mga action RPG pero hindi gaano ang mga puzzle, kung gayon, makakatulong sa iyo ang hint system. Magkakaroon ka rin ng mga arcana na maaari mong i-equip para maging mas madali o mas mahirap ang mga laban."
Marami pang skill na puwede mong i-unlock sa isang skill tree na siya ring family tree ng angkang Hemlock, para mapanatili ang tema ng game, na inspired ng mga branch ng isang royal family tree at ng dynastic order nito. Ang bersyong ipinapakita ni Guerin ay nasa maagang yugto pa lang, at ang paggana nito ay hindi naiiba sa iba pang mga skill tree na nagba-branch habang nag-a-unlock ka ng mga bagong kapaki-pakinabang na active at passive skill. Gayunpaman, ang nais nitong ipahiwatig ay naipapamana ang mga skill na iyon mula sa lahi ni Shan.
"Matutuklasan mo ang iyong lahi, ang mga sobrang teribleng bagay na ginawa ng iyong pamilya sa nakaraang 70 henerasyon, at makakakuha ka rin ng kaalaman kung aling kabalyero na may aling espada ang gumawa ng aling bagay," sabi ni Guerin. "Isa itong paraan upang baguhin ang iyong build, gumaling, at mag-upgrade. Ito ay sabay na narrative discovery at mechanical progression."

Gayunpaman, ang pinakamahalagang desisyon ay inilalapat sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga kapatid mo, tulad ng kapag nabunyag mo na ang katotohanan tungkol kay Camilla, at handa ka nang harapin siya muli.
"Gusto naming maunawaan mo kung ano ang mali sa kanilang buhay, pero ikaw ang magpapasya kung paano mo gagamitin ang impormasyong ito," ani Guerin. "Puwede kang maging mapanghusga o puwede kang makiramay. Pero napakahalaga para sa akin na may posibilidad kang tunay at matapat na pumili. Susubukan ng game na ipakita ang lahat sa iyo nang makatotohanan kaya kapag kausap mo ang mga kapatid mong babae at lalaki, ang tono ng desisyong iyon ay nakasalalay sa iyo."
Gayunpaman, may mga kahihinatnan ang ilang pagpipilian sa dialogue na lumalabas sa iba't ibang yugto ng laban, dahil ang isang tugon ay maaaring maging kapaki-pakinabang at makabawas ng isang buong diamond ng health sa kapatid mo, o maaari ka ring mabawasan ng ganito. Depende sa kung paano mo sila sinagot, puwede rin itong makaapekto sa huling resulta ng laban at kung matatalo mo sila o makukumbinsi silang ibigay ang kanilang espada sa iyo, at suportahan ka pa rin habang kinukuha mo ang iba pang mga espada mula sa iyong mga kapatid.
"Ang punto nito ay suriin ng mga player kung ano ang nagagawa ng mga tao dahil sa kapangyarihan, at subukang tingnan iyon mula sa isang napakatapat na pananaw," pagtatapos ni Guerin. "Hindi ito rehabilitasyon ng mga makapangyarihan at mayayamang tao, pero isa itong paglalahad ng kung bakit mo ginagawa ang mga bagay na ginagawa mo, dahil sa yaman at labis na kapangyarihan, at gayundin ang katotohanang sila ang iyong pamilya.` Iyon ang susi kung bakit interesante para sa akin ang laro at ang pag-explore sa temang iyon."
Ang At Fate's End ay ilalabas sa Epic Games Store sa 2026.