
Balita
Pinipili Ang Pagiging Ganap Na Celt Gamit Ang Anno 117: Pax Romana sa Gamescom
A
Alyssa Mercante
Ngunit ang Pax Romana ay hindi lang nakatakda sa Roma—sinasaklaw ng imperyong iyon ang kalupaan at dagat sa Europa—sa gayon, may pangalawang rehiyong Celtic na puwedeng pagtayuan ng imperyo mong kilala bilang Albion. Nilaro ko ang Anno 117: Pax Romana ilang buwan ang nakalipas, sa isang preview na kaganapan sa Roma. Noong panahong iyon, hindi namin mapiling maglaro sa Albion, ngunit sa isang kamakailang hands-on ng Gamescom, nagawa kong galugarin ang kakaiba, maulap na mundo ng mga Celt.
Para sa imperyong Romano, isang misteryo ang Albion at ang mga tao nito: mas gusto nila ang serbesa at keso kaysa sausage at tinapay, sumasamba sila sa mga kakaibang diyos (Epona, Mercury-Lugus, at Cernunnos, na lahat ay mag-aalok sa iyo ng iba't ibang landas sa malawak na skill tree ng Pax Romana kung pipiliin mong isentro ang mga ito sa kultura ng iyong isla), at ang kanilang populasyon ay binubuo ng mga mangingisda sa latian, panday, at konsehal—na ang huli ay nakakuha ng higit na paggalang mula sa mga taga-Albion kaysa Romanong emperador.
Nang masanay ako sa Anno 117 maraming buwan na ang nakalipas, nasasabik akong makatalon sa wakas sa ibang biome at magpasya kung paano ko gustong mamuno. Magtatayo ba ako ng higit pang Celtic Albion at igagalang ang mga tradisyon ng mga lokal, o i-terraform ang kanilang lupain, alisin ang kanilang mga latiang nagbibigay sa kanila ng mga igat na makakain at mga tambo para sa paggawa ng mga sandalyas, at manganib na higit pang lumayo ang kanilang loob?
Hindi nagtagal pagkatapos ay magtayo ng lagarian at bodega para matiyak ang regular na supply ng kahoy para sa aking bagong imperyo, isang pop-up sa loob ng laro (kung paano ibinabagsak ng Anno ang mga piraso ng kuwento) ang nag-alerto sa akin: May mangingisda sa latiang gustong makipag-usap. Dumaan siya, "nabibigatan sa basket ng mga igat," at tinitigan ako, malinaw na nalilito tungkol sa aking kasuotang Romano, ngunit sapat na upang tawagin akong gobernador. Iniharap sa akin ng Anno ang una kong pasya sa pamamahala: kukumpiskahin ko ba ang kanyang mga paninda, babatiin siya nang mabuti, o bibilhin ang kanyang suplay ng igat?

Sa pagnanais na maging isang multikultural at bukas-pusong pinuno, bibilhin ko sa kanya ang lahat ng kanyang paninda. Hindi siya makapaniwala sa kanyang suwerte, at umaasa akong umabot ang suwerteng iyon sa aking imperyo. Noong huling naglaro ako ng Anno, napakabilis kong nagastos ang pera na kinailangan kong kumuha ng back-to-back na mga pautang, at nasa delikadong utang pa rin ako nang matapos ang aking demo.
Gusto kong maging masaya ang aking mga mangingisda sa latian para mas magsikap sila at makagawa ng mas maraming produkto para aming ikalakal, na mahalagang bahagi ng pag-aalis ng umuusbong mong imperyo sa sadlak ng kahirapan.
Alam kong mahilig silang kumain ng mga halaan at igat, kaya tinitiyak kong naka-set up na ang lahat para sa paghukay sa mga tubigang nagkalat sa Albion. Ina-upgrade ko ang kanilang mga tahanan sa lalong madaling panahon (na magpapalaki sa kanilang kaligayahan at sa gayon, sa aking kita), bumuo ng palengke para sa pangangalakal, at paapuyan para maiangat ang komunidad sa mga kanta at kuwento. Nahanap ko ang pinakamalapit na latian (lagi kang sisimulan ng Anno sa baybayin, ang gateway para sa kalakalan, ngunit karamihan sa kailangan mo ay nasa loob ng bansa) at nag-set up ng tindahan para makagawa ng mga sapatos, na nangangailangan ng gusali para makapag-ani ng mga tambo at isa pa para mahabi ang mga ito.
Mukhang masaya ang mga mamamayan ng aking Albion, ngunit gaya ng alam nating lahat, hindi naitatayo sa isang araw ang mga imperyo.
Ipinapakita rin ng Ubisoft Mainz ang bersyon ng labanan ng larong ito sa hands-on, na mahalaga (at kontrobersyal) na bahagi ng Anno gameplay. Itinuturo ng Pax Romana ang labanan sa lupa, na nagbibigay ng pagkakataon sa mga player na gamitin ang mga tropa tulad ng mga namamalakol at mga chariot (na parehong nagmula sa Albion) para tumulong sa pagpapalaganap ng impluwensya ng kanilang imperyo.
Kayang tagusin ng mga namamalakol ang armor, habang ang mga chariot ay kayang maghagis ng mga sibat mula sa malayo, na nagpapahirap lalo sa mga tropa ng kalaban. Ngunit, gaya ng sinabi sa amin ng direktor ng laro na si Jan Dungel sa kaganapan, hindi lang ito tungkol sa pagbuo ng mga unit mo, ngunit pagtiyak na may malaki kang populasyon na tutulong sa pagbuo ng mga bagay para sa hukbong iyon.

At ang natatanging sistema ng morale ay nangangahulugang puwede mong labis na madaig ang mga puwersa ng kalaban na magpapa-atras sa kanila, na tiyak na magpapadali ng digmaan, hindi ba?
Ipinapakita rin sa amin ni Dungel kung paano ka magsasagawa ng pagkubkob, at kung paano nag-iinject ng kaunting pagkakaiba-iba ang Pax Romana sa mechanic. Kung ang mga pader sa paligid ng lungsod ay gawa sa mga palisade (patayong mga troso), madali mo itong masusunog gamit ang mga sulo. Ngunit kung sinusubukan mong kubkubin ang lungsod na may pader na bato, kakailanganin mo ng mga tirador para mawasak ang mga pader. "Pero mag-ingat ka," babala niya. Hindi ganoon katumpak ang mga tirador, at kung nasa splash zone ang iyong mga tropa, puwede silang mapisat.
Lalabas ngayong Nobyembre ang Anno 117: Pax Romana, pero magkakaroon ng pagkakataon ang mga player na ma-demo ito sa pamamagitan ng Epic Games Store, at Ubisoft Connect mula Setyembre 2 hanggang Setyembre 16. Sa demo, magagawa mong magpasyang simulan ang iyong paglalakbay sa alinman sa Roman Latium o Celtic Albion, na parehong nag-aalok ng kanilang mga natatanging kayamanan at hamon. Hindi madali ang pagiging gobernador!
