Balita

Nagmumulto ang Halloween sa newsfeed ng Epic Games Store. Basahin ang aming pinakamagagandang kuwento para sa nakakatakot na season.

C
Craig Pearson
Okt 22, 2025

Kumakalat ang Halloween sa newsfeed ng Epic Games Store na parang zombie virus na naghahanap ng mahahawaan. Sa sandaling tumama ang orasan sa hatinggabi ng Oktubre 1, magsisimulang mag-iba ang aming site.

Lumalapit ang mga karaniwang kuwento, pilit kang hinihila papasok. Lumalapit ang mga tampok namin, gustong-gustong lamunin ang iyong utaaaaaak. Mag-ingat sa mga gabay—may mabigat na kapalit ang pangako nilang tagumpay sa paglalaro! At ang Sale sa Halloween sa Epic Games Store? Hinihila ka nito gami ang nakakahalinang kanta, para lang dalhin ka sa ilalim gamit ang mga kinakalawang nitong kawit at bagsak na presyo...

Nangangailangan ng paghahanda ang kaligtasan. Sa kabutihang-palad, nandito kami para tumulong. Sa ibaba, makikita mo ang aming piniling koleksyon ng Halloween content mula sa pinakanakakatakot na buwan ng taon—ang grimoire ng mga artikulo tungkol sa mga larong naglalahad ng pinakamadudugo, pinakamapanganib at pinakanakakagulat na laro sa Epic Games Store. 
Mga Feature ng Halloween Hub
 

Mga nakakatakot na feature


Ngayong Oktubre, hinarap ng mga tagahanap ng balita (dugo) ng Epic Games Store ang pinakamalalaki at pinakanakakatakot na mga laro ng taon. 

Nakipag-usap kami sa development team sa likod ng SILENT HILL f, ang bagong kabanata sa mahabang kasaysayan ng seryeng tumutuklas sa nayon ng Japan sa unang pagkakataon. Ang lokal na kaalaman ng team ang nagbigay-buhay sa Ebisugaoka, ang nakalimutang bayan sa kabundukan na may sanga-sangang kalyeng ginagalawan ng mga buhay na bangungot. Pinayagan ng bagong laro ang mga developer na yakapin ang modernong melee combat, na lumilikha ng namumukod-tanging laro sa maraming paraan. 

Habang papalapit ang Vampire: The Masquerade – Bloodlines 2, sinilip namin ang World of Darkness, ang pinagsasaluhang universe na pinagmulan ng mga tabletop RPG, video game, at iba pa. Narinig namin mula sa mga kasalukuyang tagapangalaga, sina Alex Skidmore ng The Chinese Room at Jason Carl ng White Wolf ang tungkol sa pagbuo ng pinakahihintay na sequel ng paboritong klasiko noong 2004.

Walang bahid ng kahinaan ang aming panayam sa Plants vs. Zombies: Replanted. Hinuhukay namin ang pinagmulan ng klasikong PopCap tower defense na laro at natuklasan ang ilang bagong unti-unting umuusbong. Roguelike? Maramihang player? Basahin ang tungkol sa horticultural icon dito. 
Madudugong Kuwento sa Halloween Hub
 

Madudugong kuwento


Isinumpa habambuhay na magsulat tungkol sa magagandang laro… 

Uy, may nakakakita ba ng multo? Detalyado naming nakita ang Ghostbusters: Spirits Unleashed firehouse, ang gaming recreation ng kilalang GBHQ. Paanong ang nakakatakot na lugar ay parang tahanan? Alamin!  

May laro ka bang may photo mode? Ngayon ang perpektong oras para gamitin ito upang lumikha ng nakakatakot na mga gawa ng gaming art. Basahin ang “Framing fear in photo mode” para sa maikli at matalas na pagpapakilala sa sining ng mga screamshot. Pero hindi namin mapipigilan ang panginginig ng iyong mga kamay. 

Ang kailaliman ng dagat ang pinaka-hindi maipaliwanag na lugar sa Earth. Dinadala ka ng Beneath sa loob ng horror FPS na hango sa Call of Cthulhu, at nakausap namin ang magkapatid na gumawa ng laro. Naghihintay ang mga nakakabahalang insight sa lahat ng uri ng katatakutan.  

Hindi kailangang cosmic ang katatakutan. Iniimbitahan ka ng Them sa mahabang gabi ng mag-isang bata, na naglalaro ng 2D platformer sa isang tila haunted house. Pagpapalit sa pagitan ng mga genre at viewpoint, isa itong magandang halimbawa kung paano makakagawa ng malaking epekto ang maliit na laro. 

Para sa mas makalumang karanasan, ang Vlad Circus: Curse of Asmodeus ay isang point-and-click adventure game na puno ng kilabot. Nakakabaliw ang mga puzzle pixel, habang naglalaro ka sa dalawang timeline at sa iyong pagkasuklam sa mga nakakatakot na sandali nito. 

Para sa mga matapang, may hinanda kaming, um…listahan ng mga nagkukubling bagay, na hamon para sa mga mahilig sa aliterasyong gaya ko. 

May listahan din kaming babagay sa pagkasabik mo sa horror, kahit anuman iyon, dahil inayos namin ang mga laro ayon sa bawat tema ng takot. Ano ang pinakamadudugong laro, alin ang may pinakanakakagulat? Alamin o harapin ang kahihinatnan ng hindi pag-alam—mangahas na ipagsapalaran ang kinatatakutang FOMO? 

Kung natatakot kang pumunta nang mag-isa, tuklasin ang mga nakakatakot na laro ng co-op, at magsama ng kaibigan (o mga kaibigan). 

Isang beses sa isang taon, hinahayaan namin ang tagahanga ng horror movie na si Brian “Spooky Grandpa” Crecente, na puntahan ang kanyang silid na puno ng mga nakakatakot na pelikula at ipares ang mga ito sa isang perpektong laro, na nagreresulta sa kakaibang halo ng takot sa pelikula at kilabot sa laro. Ngumiti siya. Tumango siya. Sumigaw ka! 

Tiningnan ng huling listahan namin sa kaliwa ang pagsabog ng mascot horror sa nakaraang dekada, mula sa orihinal na Five Nights at Freddy’s hanggang sa lahat ng sumunod na laro. 
 

Ang Sale sa Halloween sa Epic Games


At sa wakas… 

May nakakakilabot na sale na kumukulo sa aming kaldero. Magtungo sa Sale sa Halloween sa Epic Games Store para makakuha ng mga bargain, o kumonsulta sa aming gabay ng mamimili sa library ng horror ng sale—at hindi horror, siyempre. Hindi kami mga halimaw.

Happy Halloween sa lahat!