
Balita
Aktibong makibahagi sa “pinakaambisyosong laro sa ngayon” ng Gearbox, ang Borderlands 4.
S
Sarah LeBoeuf
Marami nang nagbago sa nakaraang 16 na taon, pero hindi lumihis ang mga core na larosa Borderlands na serye sa kanilang pinanggalingan. Nakakatuwang video game ito, ngunit sa halip na walang calorie, nilagyan ng developer na Gearbox Software ang bawat installment ng napakaraming baril. Ang Borderlands 4, na paparating na sa taong ito, ay hindi nagtatangkang baguhin ito. Mananatili itong tapat sa pinagmulan ng serye, pero sinusubukan din nito ang ilang mga bagong bagay.
“Ito na ang pinakaambisyosong laro sa ngayon,” sabi ni Anthony Nicholson, na Senior Project Producer sa Gearbox. “Kinuha namin ang mga bagay na nagustuhan talaga namin, na talagang nagustuhan ng mga fan… at inayos pa ang mga ito.” Ibig sabihin nito ay may mga bagong kombinasyon ng bahagi ng sandata, bagong paraan ng pag-explore, at isang bagong game engine para dalhin ang serye sa kasalukuyang henerasyon.
The Unreal na epekto
Pagdating sa teknologiya, ang Borderlands 4 ay isang malaking pagsulong sa matagal nang tumatakbong serye. Ito ang unang binuo sa Unreal Engine 5, at ayon kay Nicholson, nagbigay ito sa mga developer ng higit pang kalayaan na lumikha ng kanilang vision. “Mas malaki ang aming mga zone, na nagbibigay-daan para makapagdagdag kami ng iba pang bagay gaya ng dinamikong mga gawain, migrasyon, at lagay ng panahon,” aniya. “Para itong mas malawak na karanasan kahit kaunti lang ang loading screens.”
Ang pag-upgrade mula Unreal 4 patungong Unreal 5 ay may kaunting learning curve, pero natutunan din agad ng development team kung paano “itulak ang mga limitasyon” nito at tuklasin ang lampas sa dating hangganan ng serye. “Isa itong mainam na karanasan sa maraming paraan,” paliwanag ni Nicholson.

Naranasan ko mismo ang tuloy-tuloy na gameplay sa session ko ng Borderlands 4, na talaga namang walang kahit anong loading screen. Ang sequel (o four-quel?) ay may ipinagmamalaking ilang bagong kakayahan sa paggalaw, kabilang na ang grappling hook, na nakita namin mismo sa aming demo. Gaya ng kamakailang release, ang Clair Obscur: Expedition 33, simple ang hook at hindi komplikado. Lumapit ka lang sa grappling point, pindutin ang tamang button, at agad ka nang lilipad pataas at pasulong.
Hindi lang iyan ang gamit ng grappling hook. Puwede mo itong gamitin para kunin ang mga item gaya ng mga pampasabog na barrel palapit sa iyo at ilunsad ang mga iyon sa kalaban. Sobrang nag-enjoy ako sa mekanikang 'yon; walang katulad ang pakiramdam ng pagyuko sa likod ng bariles habang paubos na ang buhay mo, ‘tapos bigla mong makita ang isang kapaki-pakinabang na item sa kabilang dulo ng field. Yay! Akin ito. Ayos! Pinapasabog nito ang mga masasamang tao.
Kilalanin ang bagong ninyong crew
Anim na taon pagkatapos ng mga kaganapan sa Borderlands 3 (may spoiler!), walang nakakaalam kung ano’ng nangyari kay Lilith pagkatapos ang tila pagsakripisyo niya sa sarili para iligtas si Pandora. Hindi masyadong nagbahagi ng detalye si Nicholson tungkol sa kung paano nakaugnay ang Borderlands 4 sa mas malawak na kwento ng serye, pero ang alam natin ay dadalhin ng bagong laro ang franchise sa isang bagong lokasyon: ang planetang Kairos, na binubuo ng apat na natatanging rehiyon. Nakasalalay sa bagong crew ng mga Vault Hunter na pangunahan ang pag-aalsa laban sa Timekeeper, ang mapaniil na diktador.
Inanunsyo ng Gearbox ang apat na bagong Vault Hunter para sa Borderlands 4, at dalawa sa mga iyon ang maaari nang laruin sa katatapos ko lang na session. May pagpipilian akong gamitin si Rafa, ang Exo-Soldier, o si Vex, ang Siren, at, gaya ng nakagawian, nahila na naman ako papunta sa Siren. Cynical at sarcastic na may matapang na sense ng istilo, si Vex ay isang karakter na talagang swak sa puso ko.
“Palagi kaming may Siren, pero kakaiba nang kaunti ang Siren na ito,” sabi ni Nicholson. “Mas madilim siya. May taglay siyang kakaibang mistisismo bukod pa sa mga kapangyarihang Siren niya, at kaya rin niyang magpakita ng mga kasamang nilalang. Bagamat hindi ko nagamit ang kakayahan niyang mag-summon sa demo ko, ang katotohanang kaya niyang lumikha ng tigre na awtomatikong umaatake sa mga kalaban ay lalong nagpapainam sa kanya bilang karakter na gagamitin.

Si Rafa naman, sa kabilang banda, ay “literal na nabubuhay na parang huling araw na niya” (ayon kay Nicholson) dahil sa suot niyang exoskeleton suit na isa ring ticking time bomb. Kaya niyang mag-“digistruct” ng malalaking charge cannon o gumamit ng Arknives para hiwain at durugin ang mga kalaban sa kanyang daraanan. Ang mga pagkakaiba nina Vex at Rafa ay nagpapakita ng isa sa pinakamagagandang aspeto ng franchise: sinusuportahan nito ang iba’t ibang playstyle—mapa-run-and-gun ka man o mas gusto mong maglaro nang mas maingat at taktikal pagdating sa looting at shooting.
Makikita mo rin ang ilang pamilyar na mga mukha sa Borderlands 4, bagama’t hindi nagbabanggit ng napakaraming pangalan ang mga developer. Ang alam namin si Amara, ang nalalarong Siren mula sa Borderlands 3, ay naroroon bilang “tagapaghatid ng misyon at tagatulong sa misyon” sa mabundok na rehiyon ng Kairos. Makakatagpo mo rin sina Zane at Moxie sa pakikipagsapalaran mo. Pero huwag kang matakot sa 16 na taong lore ng serye; sinabi ni Nicholson na tinitiyak ng team sa Gearbox na “kahit ang mga taong hindi pa kailanman nakalaro ng Borderlands ay kayang matutuhan at magustuhan ito.” Sang-ayon ako; pero maaaring may ilang mas malalim na konteksto kang makaligtaan kapag muling nakita ang mga dating karakter, para itong laro na puwede mong agad simulan at laruin nang hindi na kailangan ng mahabang kasaysayan o background muna.
Tungkol ito sa mga baril
Nakakatuwang bagay tungkol sa Borderlands: may Guinness World Record ito para sa “pinakamaraming baril sa isang video game” salamat sa 17,750,000 armas na magagamit ng mga player sa unang installment. Para sa isang seryeng palaging umiikot sa mga sandata, paano nga ba pinalalawak pa ito ng mga developer at dinadala sa mas mataas na antas? Ang nakakatawa, sinabi ni Nicholson na “para sa amin, kalidad ang mahalaga, hindi dami.”
“Umalis ka’t maghanap ng baril na akma sa estilo mo. “Kaya para sa amin, ang mahalaga ay kunin ang mga bahagi na ito at gawing tunay na mahalaga ang pakiramdam ng bawat isa.”
Pinapalakas ng Borderlands 4 ang arsenal nito sa pamamagitan ng mga bagong bahagi at manufacturers, habang binibigyan ang mga manlalaro ng maraming opsyon para i-customize ang mga sandata ayon sa kanilang gusto. Gusto mo ng machine gun na nagiging shotgun sa pindot ng button? Iyon ang napili kong sandata sa buong demo ko, at naging madali para sa akin na tirahin ang mga kalaban mula sa malayo at pasabugin ang mga lumapit nang husto. “O puwedeng may mga underbarrel micro-rocket,” binanggit ni Nicholson bilang isa pang halimbawa. Ang lahat ng ito ay nagbubunga ng “bilyon-bilyong kombinasyon” na lalo pang nagpapalawak sa kahanga-hangang koleksyon ng mga sandata ng serye.

“Ang laro ay tungkol sa mga baril, labanan, at sa pakiramdam na astig ka,” sabi ni Nicholson. Higit sa lahat, mahalagang manatiling nakatuon ang mga developer sa isiping iyon, habang iniisip nila: “Paano pa natin ito mapapalawak? Paano natin gagawing astig pa ito?” Upang masagot ang mga tanong na iyon, lumapit ang team sa mga tagahanga—gumamit sila ng mga playtester at nakinig sa feedback sa bawat yugto ng development. Gaya ng sabi ni Nicholson: “Lahat ng ganitong klase ng bagay ay tumutulong upang matiyak na nananatili kaming tapat sa kung ano talaga ang franchise, habang patuloy ding tinutulak ang mga hangganan nito.”
“...Sa tingin ko, maraming tao ang mai-excite sa direksyong tinatahak namin pagdating sa gameplay, sa kwento, at sa mas madilim at mas makatotohanang uri ng humor na mayro’n kami sa laro,” sabi ni Nicholson bilang pangwakas. “Pero sa kabuuan, sa tingin ko, ang gameplay, kung gaano kaganda ang hitsura ng laro, at kung gaano ito kasaya laruin kasama ang mga kaibigan ang talagang magpapatingkad nito para sa lahat ng fans.”
Mararanasan mo mismo ang kagandahan at kasayahan ng Borderlands 4 kapag inilabas ito sa Setyembre 12, 2025. I-pre-purchase na ang laro sa Epic Games Store!