
Paano malalaman kung ano ang iyong graphics card

Ang isang graphics card ang tumitibok na puso ng hardware ng iyong gaming PC.
Ang iyong graphics card ang tagapamagitan ng iyong karanasan sa visual na paglalaro, pagtukoy ng graphical na resolution at rate ng pag-refresh ng screen pati na rin ang pagpapatupad ng mga modernong visual na teknolohiya. Ang pagtukoy kung anong uri ng graphics card ang mayroon ka at kung ano ang kaya ng iyong graphics card ang magsasabi sa iyo kung anong mga laro ang kayang paganahin ng iyong system. Kaya mahalagang malaman ang uri ng graphics card ang mayroon ka.
Sa kabutihang-palad, may ilang madaling paraan para masuri ang mga kakayahan ng iyong graphics card. Ituturo namin sa iyo ang lahat ng kailangan mong malaman sa aming detalyadong gabay sa paghahanap ng iyong graphics card at pag-aaral kung ano ang magagawa nito.
Paano suriin ang iyong graphics card sa isang Windows PC
Medyo madaling proseso ang pag-alam ng uri ng graphics card ang mayroon ka sa isang Windows PC. Sa katunayan, may ilang paraan para gawin ito. Sa seksyong ito, ipapakita namin sa iyo kung paano makakuha ng impormasyon sa graphics card na na-install mo sa iyong PC.
Device Manager
- Gamitin ang Windows Start menu o search bar para hanapin at buksan ang Device Manager.
- Hanapin ang seksyon na Display adapters sa kaliwa.
- I-double click ang graphics card na nais mong malaman ang higit pang impormasyon.
DirectX Diagnostic Tool
- Pumunta sa Windows search bar, i-type ang dxdiag, at i-run ang command na ito.
- Sa bubukas na window ng DirectX Diagnostic Tool, i-click ang Display tab.
System Information
- Gamitin ang Windows Start menu o search bar para hanapin at buksan ang System Information.
- Sa bubukas na window, mag-double-click sa Components.
- I-click ang Display.
Graphics software
Maraming graphics cards ang may sariling software. Magagamit mo ang software na ito para matukoy ang gawa at modelo ng iyong graphics card. Natatangi ang software ng bawat manufacturer, at isang simpleng paghahanap sa internet ang magsasabi sa iyo kung paano ito gamitin.
Mga setting ng Windows
- Gamitin ang Windows Start menu o search bar para mahanap ang Settings.
- Sa bubukas na window, i-click ang System.
- I-click ang Display.
- I-click ang Advanced display settings.
- May impormasyon ang naglo-load na screen tungkol sa iyong display/monitor pati na rin sa iyong graphics card.
Command prompt
- Gamitin ang Windows Start menu o search bar para hanapin at buksan ang Command Prompt.
- I-type ang wmic path win32_VideoController get name sa Command Prompt window, at pindutin ang Enter key.
Third-party software
May ilang pagpipilian sa software ng third-party para sa paghahanap ng impormasyon ng iyong graphics card. Maaaring naka-bundle ang ilan sa iyong PC o graphics card hardware. Available ang iba para i-download mo mula sa internet. Bago mag-download ng software ng third-party, magsaliksik tungkol sa reputasyon ng software at sa site na nagho-host ng nada-download na software para matiyak na ligtas ang mga ito at walang malware.
Paano suriin ang iyong graphics card sa isang Mac
Madaling alamin ang uri ng graphics card na naka-install sa iyong Mac computer. Narito ang lahat ng kailangan mong malaman para mahanap ang impormasyon ng graphics card ng iyong Mac.
About This Mac
- Mag-click sa Apple icon sa kaliwang sulok sa itaas ng iyong screen.
- I-click ang About This Mac.
- I-click ang More info… button.
- Sa bubukas na window, i-click ang System Report… button.
- Sa bubukas na window ng System Information, piliin ang Graphics/Displays para makita ang impormasyon tungkol sa graphics card ng iyong Mac.
System Report
- Mula sa iyong menu bar sa kanang sulok sa itaas ng iyong screen, i-click ang icon ng Spotlight , na mukhang magnifying glass. Puwede mo ring i-type ang Command + spacebar para buksan ang Spotlight.
- I-type ang System information sa search bar ng Spotlight.
- Sa bubukas na window ng System Information, piliin ang Graphics/Displays para makita ang impormasyon tungkol sa graphics card ng iyong Mac.
Saglit na paalala: Ano ba ang graphics card?
Ang graphics card ay isang bahagi ng hardware sa iyong PC. Tinutukoy ng mga kakayahan nito ang mga visual na bagay tulad ng resolution ng screen, kalidad ng pag-render ng graphics, at rate ng pag-refresh ng screen. Karaniwang may sariling VRAM ang mga graphics card para sa mas mabilis na pagproseso at pag-access ng impormasyon. Mahalagang bahagi ng hardware ito para sa mga manlalaro sa PC.
Graphics cards vs. GPU
Bagama't madalas na nagpapalitan ang paggamit sa mga terminong graphics card at GPU, hindi sila magkapareho.
Isipin ang iyong graphics card hardware bilang isang bahagi ng lupa na may ilang kaugnay na gusali. Kabilang dito ang GPU at mga bahagi tulad ng VRAM, mga port, at mga cooling system tulad ng mga heat sink.
Ang GPU ang isa sa mga gusali sa isang graphics card. Gaya ng ipinababatid ng pangalan, responsable ito sa pangangasiwa sa kumplikadong matematika na kinakailangan para ma-render kung ano ang lumalabas sa iyong screen.
Maghanap ng mga laro na nakakatugon sa mga kinakailangan ng system
Ngayong alam mo na kung paano malaman ang uri ng graphics card na mayroon ka, oras na para maghanap ng ilang laro na gumagana sa iyong system. Buti na lang, may malawak na catalog ng mga available na laro ang Epic Games Store, marami sa mga ito ang gagana sa iyong mga graphics card at iba pang mga kinakailangan sa system. Tiyaking mag-browse sa aming online store para sa mga laro na susulit sa iyong system at graphics card.