Ipinapakilala ng Honkai: Star Rail v4.7 si Aeon Aha, inilabas na ang pinakabagong trailer ng Mega Man: Dual Override, at makuha ang Knightica nang libre
Honkai: Star Rail 4.7 | Tingnan ang Mega Man: Dual Override | Makuha ang Knightica nang libre
Nandito na naman tayo para sa isa pang lingguhang pagsusuri sa mga update at laro sa Epic Games Store.
Unang lalabas si Aeon Aha sa Honkai: Star Rail Version 4.7 "Now, Lay Laughter to All Stars"
Dumating na ang Honkai: Star Rail Version 4.7 nang may kasamang excitement, at ihahatid nito ang malawak na story arc ng Planarcadia sa pagtatapos nito. Nangangaso ang Starfroster crew sa Leviathan Voracity, inihahanda ang Final Phantasmoon Games para pigilan ang paglamon sa sansinukob.
Napakalaking sandali nito—ang magmamarka sa unang paglabas ni Aeon Aha bilang isang playable character. Si Aha ay isang limitadong 5-star character sa Path of Elation kung saan ang papel niya sa labanan ay palakasin ang iba na nasa parehong path, na siyang mag-a-unlock ng mga natatanging skill para sa kanila. Totoo silang team player na gumagamit ng naipong Wishpower ng team para magpakawala ng Ultimate na magdudulot ng Elation DMG sa lahat ng kalaban.
Ipinapakilala rin sa Version 4.7 ang bagong-bagong growth system: ang Affinitive Eidolons. Kapag nagkaroon na ang mga Trailblazer ng mga itinalagang character at na-unlock ang kaukulang Affinitive Eidolons ng mga ito, maaari na silang mag-unlock ng mga bagong ability at mapahusay ang kanilang kakayahan sa labanan.
Patikim pa lang 'yan sa update. Puno rin ito ng mga outfit, event, at marami pang iba. Tingnan ang mga kadarating sa ibaba!
Panoorin ang Mega Man: Dual Override in action!
Ang nagbabalik na hero ng Capcom, na huling nakita sa isang pangunahing Mega Man na laro noong 2018, ay nakatakdang dumating sa 2027.
Ano ang nagpabalik sa kaniya? Nawalan ng kontrol ang mga robot sa isang lokal na Robot Exhibition, kaya naman kumilos ang mga hero para mag-imbestiga sa sanhi nito.
Kasama ni Mega Man na tatalon sa mga platform at magpapasabog ng mga kalabang robot gamit ang kaniyang Mega Buster na si Proto Man. Dala niya ang kaniyang signature na shield, na magagamit para sa depensa at opensa at kayang mag-analyze ng mga natalong Robot Master para makakuha ng mga karagdagang effect.
Puwedeng i-customize ang dalawang character gamit ang Custom Chips, na nagbibigay-pagkakataon sa pre-stage planning para mas mapaigting pa ang iyong mga ability, movement, at weapon. Tingnan ang bagong trailer, at i-wishlist na ang laro ngayon!
Makuha ang Knightica nang libre ngayong linggo sa Epic Games Store
Libre ang Roguelike auto-battler na Knightica hanggang Nob 20 nang 12:00 AM GMT+8.
Bumuo, mag-deploy, at mag-utos sa cute mong warband para lumaban para sa mga watak-watak na kaharian. Tungkol ang lahat sa pagpaplano at paghahanda—kapag nailagay mo na ang iyong hukbo pagkatapos pag-isipan ang mga synergy ng unit at ang mga panganib sa pamumuno ng isang undead platoon, kailangan mo na lang maupo at panoorin ang pag-usad ng laban. Kusang mareresolba ng laban, kaya siguraduhing handa ka.
Sa labas ng battlefield, may mga upgrade na maaaring matuklasan, mga landas na mae-explore, at mga loot na makukuha at gagastusin, na sana'y magbunga sa susunod mong engkuwentro.
Kunin na ang Knightica at mag-enjoy!


