Balita

Ipinakikilala ang Mga Web Shop ng Epic

E
Epic Games Store Team
Okt 2, 2025

Ngayon, iniaanunsiyo namin ang paglulunsad ng Mga Web Shop ng Epic para sa mobile at PC, na inihahatid ng Epic Games Store. Bagong paraan ito para direktang makapagbenta ang mga developer ng in-game na content sa mga player gamit ang pandaigdigang network ng pamamahagi ng Epic at pinadaling gamiting ecommerce platform. Available na ang bagong serbisyong ito para sa mga laro sa mobile at PC sa pamamagitan ng mga tool sa self-publishing ng Epic. Kapag live na, nakalista sa iyong page ng produkto ang Mga Web Shop sa pamamagitan ng bagong tab na 'Web Shop' sa PC at web. Magiging available ang Mga Shop sa mga page ng produkto sa mobile app na mismong nasa loob ng mobile app ng Epic Games Store sa huling bahagi ng taong ito. 

Available ang Mga Web Shop sa buong mundo para sa mga mobile na laro at pinangangasiwaan ito ng mga patakaran ng Apple at Google sa pag-impluwensiya sa store sa bawat teritoryo. May agarang halaga ang tampok na ito sa U.S., kung saan pinapayagan ng atas ng korte ang pag-impluwensiya at lubos itong tatangkilikin sa Android sa Oktubre 22 kapag umiral na ang atas ng korte na pumipilit sa Google Play Store na payagan ang pag-impluwensiya. 

Bilang bahagi ng paglulunsad, nakikipagtulungan kami sa Codename Entertainment, na naglunsad na ng unang live na Web Shop para sa Idle Champions of the Forgotten Realms—na nagpapakita kung ano'ng posible sa bagong serbisyong ito. Gagana ang mga pagbiling gagawin sa pamamagitan ng Web Shop na ito sa mga bersiyon ng Epic Games Store sa US sa PC, iOS, at Android at available din ang mga ito sa mga bersiyong ipinamamahagi sa pamamagitan ng Google Play Store at Apple App Store.

02 Mockup Offer And Listing Desktop And Mobile Dark Background

Binuo ang Mga Web Shop para bigyan ang mga developer ng kalayaan at kontrol sa kung paano at saan sila kikita, at bukas ang mga ito para sa lahat ng laro sa lahat ng store - hindi kinakailangang ipamahagi ang laro sa pamamagitan ng Epic Games Store. Ginagamit ng Mga Shop na ito ang sistema ng pagbabayad ng Epic at walang-patid na isinasama ang mga ito sa mga serbisyo ng account sa Epic gaya ng Mga Reward ng Epic at Epic account balance (dating "balanse sa Wallet").

Noong Hunyo, inanunsiyo ng Fortnite na mare-redeem ng mga player ang aming mga bagong gift card ng Fortnite (available sa mga piling retailer) para idagdag sa kanilang account balance. Puwedeng direktang bumili ang mga player sa pamamagitan ng Mga Web Shop gamit ang kanilang account balance.

Mga Pangunahing Benepisyo sa Isang Sulyap

Minarkahan ng paglulunsad na ito ang simula ng aming pag-aalok ng Mga Web Shop at palalawakin namin ang mga tampok at kakayahan sa mga susunod pang update. Kasama sa mga tampok ng Mga Web Shop ang: 

  • Mas magandang hatian sa kita para sa mga developer – Kunin ang 100% ng iyong unang $1 milyon sa net na kita kada laro, kada taon.
  • Gumagana sa lahat ng platform – Magbenta sa mga player kahit saan sila naglalaro, hindi kinakailangang may listing sa Epic Games Store.
  • Ecommerce na madaling gamitin ng player – Sinusuportahan ang Mga Reward ng Epic at Epic account balance para sa mga tuloy-tuloy na transaksiyon.

Magsimula

Ilulunsad mo man ang una mong Web Shop o naghahanap ng higit na kontrol sa kita, ibinibigay sa iyo ng mga self-publishing tool ng Epic ang lahat ng kailangan mo para masimulan ang direktang pagbebenta sa mga player.

Available ngayon ang Mga Web Shop sa pamamagitan ng Portal ng Developer ng Epic para sa lahat ng produkto sa mobile at PC. Para maglunsad ng mobile na laro kasabay ng iyong Web Shop, mag-sign up o mag-sign in sa Portal ng Developer ng Epic at sagutan ang aming Form ng Pagkuha ng Mga Lead para humiling ng access sa aming mga tool sa self-publishing sa Mobile sa pamamagitan ng aming programa ng Mobile Early Adoptors (Mga Maagang Gumamit ng Mobile).

Simulan ang Pagbuo →

Matuto Pa sa Aming FAQ sa Mga Web Shop →