Balita

Ang LEGO Batman: Legacy of the Dark Knight ay nagbibigay-pugay sa iconic na kasaysayan ng hero

G
George Yang
May 5, 2026
Mataas ang expectations ng mga tao sa LEGO Batman: Legacy of the Dark Knight, pero handa ang TT Games na ma-meet ito. Malawak ang karanasan ng developer sa paggawa ng LEGO games tulad ng maalamat na properties gaya ng Harry Potter, Star Wars, at siyempre, Batman. Habang balot pa ng lihim ang Batman: Arkham, ang susunod na project ng developer na Rocksteady, uhaw ang players para sa isang bagong adventure na nagtatampok sa caped crusader, at mukhang maibibigay ito ng LEGO Batman: Legacy of the Dark Knight sa kanila.

“Tingin ko, labis na nakakatuwang maikumpara,” ani ni Bob Scott, Cinematics Director sa TT Games. “Gusto-gusto namin ang Arkham games.” 

Halata sa laro ang pagmamahal na 'yon. Sa katunayan, nire-recreate ng LEGO Batman: Legacy of the Dark Knight ang iconic na eksena sa Batman: Arkham Asylum kung saan dinadala ni Batman si Joker sa mental institute nang nakatali sa isang gurney—at marami pang iba, na sumasaklaw sa dekada-dekadang kasaysayan ni Batman.
 

Pagbibigay-pugay sa mga nauna


Ang LEGO Batman: Legacy of the Dark Knight ay nagbibigay-pugay sa iba't ibang era ni Batman sa iba't ibang anyo ng media. “Ibinase namin ang isang buong level sa Arkham dahil ito ay isang iconic na Batman IP na kasinghusay ng mga pelikula at series," sabi ni Scott.

Maaasahan mong makita ang marami sa mga Batman IP na iyon na nire-represent sa LEGO Batman: Legacy of the Dark Knight. Bagama't ayaw ibunyag ni Scott ang lahat, binanggit niyang na-inspire ang team ng mga sandali tulad ng Tumbler chase sa Batman Begins, ng laban sa Ace Chemicals sa Batman: Arkham Knight, at ng Red Hood Year One comics.

“Ginamit namin ang Dark Knight bilang balangkas ng kuwento. Pagkatapos, sinubukan naming isama ang mga Batman IP na gusto namin. Kaya mayroon kang stuff na galing sa Arkham, sa Animated Series, Batman Forever, Batman & Robin, at sa The Dark Knight Returns,” patuloy ni Scott. “Ginusto ng mga taong nagsuslat nito na makita ang mga bagay na pinakagusto nila doon."

Dahil lumabas na si Batman sa iba't ibang medium at art style, sa totoo lang ay ginawang posible ng LEGO license na bigyan ang LEGO Batman: Legacy of the Dark Knight ng mas unified a hitsura. “Ang paggamit ng LEGO sa lahat ay talagang nakatulong para pag-isahin ang iba't ibang era at bersyon ni Batman,” paliwanag ni Scott. “Nagbibigay-daan din ito sa amin na magkuwento ng dark na paksa sa mas katuwa-tuwang paraan dahil makulay at plastic ito, at sinubukan naming panindigan ‘yon.”
Lego Batman Legacy Dark Knight Sumasayaw na Batman at Gordon
Sa dalawang oras kong hands-on na karanasan sa game, talagang masasabi kong mas light-hearted ito kumpara sa mas seryosong games tulad ng Gotham Knights. Ang unang level na nilaro ko ay naganap sa Iceberg Lounge, isang underground club na pinapatakbo ni The Penguin. Habang nakikipaglaban ako sa hukbo ng kanyang goons kasama sina Batman at Commissioner Gordon, nakatagpo ako ng mga bouncy castle na may inflatable na bola at nakisali pa ako sa isang dance-off laban sa iba pang partygoers. 

Ang pangalawang level na nilaro ko ay ang Haly’s Circus, na nagpakilala sa boy wonder na si Robin. Dito, nagpakawala siya ng maraming puns, kaya halatang napapaungol na lang si Batman. Isa itong malinaw na shift in tone sa kadalasang ine-expect mo sa isang obra tungkol kay Batman, pero maganda itong pagbabago na nakakatulong sa LEGO Batman na mamukod-tangi kumpara sa iba pang nitong incarnations.

Ang isa pang aspetong nakakapagpaiba sa LEGO Batman ay ang diskarte sa kanyang kilalang garalgal na boses. Ginagampanan ng voice actor na si Shai Matheson ang papel ng bida sa LEGO Batman: Legacy of the Dark Knight. Sinabi ni Scott na “matagal bago namin nahanap si Shai” dahil kadalasang inilalarawan si Batman bilang mas matanda at mas established mula pa lang sa simula, pero kailangan din ng voice actor ng LEGO Batman: Legacy of the Dark Knight ang kakayahang magpatawa para umakma sa tono ng game. 

“Kinailangan naming makahanap ng isang taong kayang gumanap sa mas batang bersyon at pagkatapos ay umusad sa mas matandang boses,” paliwanag ni Scott. “Sa simula, mas bata ang boses ni Shai, at habang tumatagal ay mas dinadagdagan niya ng pagkagaspang ang boses niya, kaya sa bandang huli ay mas parang classic Batman na siya.”
 

Ang kinang ng LEGO


Sa LEGO Batman: Legacy of the Dark Knight, i-e-explore mo ang isang open-world na Gotham na gawa sa LEGO. Noong dine-design namin ang Gotham, may ilang partikular na aspeto kung kaya't naging kawali-wili itong likhain kumpara sa isang open world na may mas realistic na art direction. 

“Maraming matatalinong pakulo na ginamit sa design. "Kung titingnan mo ang mga silhouette, hindi ka makakakita ng LEGO, kundi mga outline ng LEGO, at gumamit ang team ng mga form at hugis para buuin ang mga gusali," paliwanag ni Scott. “May LEGO na kasama sa lahat ng brick work. Kaya mas kumplikado ito dahil mayroon kang mahihigpit na patakaran at dimensyon. Kailangan mong gamitin iyan bilang template para sa lungsod, pero panatilihin pa ring mukhang Gotham ang lungsod."
Lego Batman Legacy Dark Knight Open World
Marami ring puwedeng gawing side activity sa Gotham, kabilang ang mga puzzle na iniwan ni The Riddler (isa pang pagtukoy sa Arkham series) at mga time trial kung saan makikipagkarera ka sakay ng motorsiklo ni Robin para dumaan sa mga ring at umabot sa oras. Ang LEGO aesthetic ay nakakatulong na bumagay ang mga mas “gamified” na elementong ito sa mundo ng LEGO Batman: Legacy of the Dark Knight, samantalang maaaring hindi akma ang mga ito sa isang mas realistic na superhero game. Madilim ang LEGO Gotham, pero hindi ito kasingseryoso ng mga counterpart nito sa paglipas ng mga taon—nakakagulat pa ngang nakakahalina ito. Dahil sa makulay na kapaligiran, nagiging masaya ang paglilibot at paglaban sa krimen sa lungsod.

Kahanga-hanga rin ang paggawa sa Batcave. Isa itong talagang napakalaking central hub para kay Batman, at mayroon itong nakakagulat na depth at customization na hindi ko inaasahan. Ang Batcave ay naglalaman at nagpapakita ng 100 iba't ibang suit para kay Batman at sa iba pang mga playable character, kaya parang isa itong magarbong museo. Mayroon pang store kung saan puwede mong gamitin ang in-game currency na nakolekta mo para bumili ng mga dekorasyon. Kasama rito ang mga item tulad ng telephone booth, refrigerator, at maraming marami pang iba. Parang naglalaro ka na ng Animal Crossing o The Sims!

Puwede mo ring palakihin ang Batcave para makalikha ng mga bagong area tulad ng isang science lab. Ang mga elementong ito ng dekorasyon sa bahay ay nagdaragdag ng mas cozy at playful na vibe sa LEGO Batman: Legacy of the Dark Knight, at mas bagay sa game na ito kaysa sa iba pang Batman games. “Gusto naming gamitin ang Batcave bilang metaphor para sa sariling lugar na gusto ng bawat lalaki, alam mo na, parang sarili nilang munting play area,” sabi ni Scott. 
Lego Batman Legacy Dark Knight Batcave
“Parang isa pang character ang Batcave, hindi ba?” patuloy niya. “Binubuo mo ang base mo, binubuo mo ang mga kotse mo, ginagawa mo ang mga suite mo, at lumalabas ka sa lungsod. Makukuha mo ang kumpletong karanasan ng pagiging bayani sa mga mata ni Batman.”
 

Ang superhero genre


Ang mga taong matagal nang nananabik para sa isa pang Batman: Arkham-style game ay malamang na matutuwa sa LEGO Batman: Legacy of the Dark Knight. Ang mga labanan ay kahawig ng iconic na Freeflow Combat ng Arkham. Puwede mong gulpihin ang mga kalaban at mag-counterattack sa isang pindot lang ng button. Napaka-fluid ng dating nitong lahat. 

Habang pinupuno mo ang iyong power meter, makakagawa ka rin ng mga nakakamanghang finishing move. Ginagamit ng TT Games ang artistic license ng LEGO series para maging malikhain, gamit ang mga finisher tulad ng isang mabilis na multi-hit attack na nagpapaalala sa sikat na Wing Chun Chain punch ni Donnie Yen, at maging ang paghagis ng pie sa mukha ng kalaban. Napakasaya talagang hulaan kung anong finishing move ang makukuha mo at panoorin kung paano ito magaganap.

Ang bawat palayable character ay may sariling set ng mga tool para makatulong na maging katangi-tangi sila. May Batarang at Batclaw grappling hook si Batman, habang si Commissioner Gordon naman ay may goop gun na dumidikit sa mga kalaban. Mabilis ka ring makakalipat-lipat sa pagitan nina Batman at ng kanyang kasama, na nagdaragdag ng variety sa bawat sandali ng gameplay. 

Ang mga nakapaglaro na ng iba pang modernong superhero games ay magiging pamilyar din sa paglalaro ng LEGO Batman: Legacy of the Dark Knight. Simple at madaling maintindihan ang mga menu ng pag-upgrade ng tools at skills. Naalala ko rito ang mga skill tree sa Marvel’s Spider-Man games ng Insomniac. Hinihikayat ka ring mag-explore dahil ang mga collectible tulad ng WayneTech na nakatago sa mga level (at ibinibigay bilang reward sa pagkumpleto ng mga aktibidad) ay ginagamit para mag-unlock ng mga bagong skill at pagandahin ang tools mo.
Lego Batman Legacy Dark Knight Pakikipaglaban
Sa aking preview, may apat na character na naka-unlock: sina Batman, Commissioner Gordan, Catwoman, at Robin. May pitong playable character sa kabuuan — at least sa launch—at ang tatlo pang iba ay nakumpirmang sina Nightwing, Batgirl, at Talia Al Ghul. Ang mga nakaraang LEGO game ay nagkaroon ng napakalaking listahan ng daan-daang character, pero mas maingat ang diskarte ng TT Games sa pagkakataong ito at nakatuon sila sa kung paano babagay ang sarili nilang mga character sa kuwento.

“Ang isa sa mga tema ng laro ay iniisip ni Batman na mag-isa siyang kumikilos, pero hindi naman siya nag-iisa. “Palagi siyang may tulong at isang grupo,” paliwanag ni Scott. “Kaya ang kailangan naming gawin ay tingnan kung paano umuusad ang kuwento ni Batman mula sa kanyang pinagmulan, at alamin kung sino ang pinakamagagaling na character.”

Kamakailan, mas lumabas si LEGO Batman sa mga pelikula at telebisyon kaysa sa mga game, pero tiniyak sa amin ni Scott na ang bida sa LEGO Batman: Legacy of the Dark Knight ay may sariling pagkatao, at hindi siya mula sa mga pelikula. “Ibang tao ang aming Batman, at mas likeable siya na character,” biro niya. “Kahit gaano pa kaganda ang The LEGO Batman Movie —at malaki akong fan—nagpasya kaming tahakin ang sarili naming landas.”

Ire-release ang LEGO Batman: Legacy of the Dark Knight sa Mayo 22, at available ito para sa prepurchase sa Epic Games Store.