Balita

Gusto kang bigyan ng Mixtape ng frisson

S
Sarah Thwaites
Mar 27, 2026

Ang nostalgia ay isang partikular na malakas na puwersa sa 2026, kung kaya't nakikita nating lumalayo ang kultura sa smartphone, at patungo sa simpleng buhay — kung saan ang pinakamalaking alalahanin natin ay tiyaking nakakakain nang tama mga ang Tamagotchi natin, at hindi buhol-buhol ang ating wired headphones. Madaling maunawaan ang konseptong ito, pero ibang usapan ang paglikha ng interactive na mundo kung saan nararanasan ng mga player ang ganitong pakiramdam ng pananabik. Ang Mixtape, ang pinakabagong adventure mula sa BAFTA-winning studio na Beethoven & Dinosaur, ay nagpapamalas ng makapangyarihang damdaming ito sa pamamagitan ng paglalagay sa mga player sa posisyon ng tatlong wirdong mahilig sa musika habang ginugunita nila ang kanilang huling mga araw sa high school noong 1990s, na nagreresulta sa isang adventure na nakaka-inspire, psychedelic, at punong-puno ng mga sikat na tugtugin. 

“Nagsimula ito sa musika,” paliwanag ng writer at director ng Mixtape na si Johnny Galvatron. “Ang aming mga character, ang aming pacing, ang aming mga narrative ay halos palaging nagsisimula sa musika – para makagawa ng game na nakasentro sa isang napakalaking playlist,” dagdag pa niya. “Ang mechanics nito ay parang mixtape, ang musika nito ay isang mixtape, ang mga character nito ay parang mixtape ng bahagyang magkakaibang panahon, ang artstyle ay nagbabago mula sa mga maaraw na skate run sa mga mountain canyon, hanggang sa live archival footage, hanggang sa grainy na black and white,” aniya. “Parang isa itong cohesive na collage na makikita sa lahat ng elemento ng game.”

Ss 5abf2e239e21a59fa59dd2520a166b13f358d1d2 1920x1080
Mabilis lumipas ang buhay 

Ang Mixtape ay tungkol sa tatlong character: sina Stacy Rockford, Van Slater, at Cassandra Morino, na, sa kabila ng karaniwang pagsaway ng magulang at malinaw na mga pagkakasalungat sa aesthetics, ay nakabuo ng bond na natatangi sa nakakalango at formative na panahon ng kanilang buhay. “Si Rockford ay isang dreamer na mahilig sa musika at petty vandal na naghahanda nang umalis sa kanyang bayan para pumunta sa New York para maging isang musical supervisor, na gumagawa ng mga soundtrack para sa mga pelikula,” sabi ni Galvatron. “Walang ganoong pagnanais si Van Slater at mayroon siyang parang zen na pagpapahalaga sa kanyang bayan. Si Cassandra ay isang straight-A student na na-corrupt nina Rockford at Slater, ayon sa kanyang mga magulang.”

Nagsisimula ang kuwento sa pagpunta ng tatlo sa isang panghuling party bago sila tumuntong sa kolehiyo at adulthood na panira sa kasiyahan sa buhay. Dahil marami sa development team ng Beethoven & Dinosaur ay mga bata noong '80s at '90s, ang Mixtape ay hindi lang naging isang oportunidad para bigyan ang isang henerasyon ng mga player ng matinding frisson, kundi isang paraan din para mabalikan nila ang sariling nilang mga nakaraan. “Para sa akin, habang ina-animate ito, parang naging pagkakataon itong mag-hang out pa doon nang kaunti,” dagdag ni Joe Toole, Principal Animator ng Mixtape

Gayunpaman, kapansin-pansin na bagama't nasa Melbourne, Australia ang studio, ang Mixtape ay tungkol sa suburban Americana. “Para sa akin, isa itong kuwento na nagaganap sa isang malayong lugar, sa isang kathang-isip na bayan na parang isang pagkakatawan ng isang radio station noong ‘80s at ‘90s, na puno pa rin ng kaunting excess ng panahong iyon at ng monoculture,” dagdag ni Galvatron.

Bukod pa sa paggunita, ninais din ng Beethoven & Dinosaur na i-explore ang matitinding emosyon na dumarating habang nasa bingit ka ng malaking pagbabago. “Kapag magkakasama (ang tatlong character), may tahimik na pakiramdam ng kapanatagan,” sabi ni Toole. “Malinaw na nanggugulo sila, nag-i-skate sa trapiko, at nag-o-ollie sa ibabaw ng mga police car,” patuloy niya. “Pero wala sa kanilang may masamang intensyon o kalupitan. Sa tingin ko, ang ilan sa pinakamagagandang sandali sa game ay kapag tumatambay lang sila.”

Ss 08f1c5e644a5dcd172a892e2bd41bae6e47d1fe1 1920x1080
Nilayon ng Beethoven & Dinosaur na gayahin ang atmosphere ng Hang Out Film subgenre, bunsod ng inspirasyon mula sa mga coming-of-age classic tulad ng The Breakfast Club at ng rebellious comedy ni Richard Linklater na Dazed and Confused. “Mula sa pananaw ng animation, iniwasan kong umarte nang halata ang mga character,” paliwanag ni Toole. “(Mga reaksyon) tulad ng dramatikong pag-irap, mahahabang buntong-hininga dahil sa inis, galit na pag-walk out, at iba pa. Puwedeng maging malaki ang emosyon, pero hindi ibig sabihing ganoon din ang pag-arte,” dagdag niya. “Sa tingin ko, magiging mas relatable iyon para sa atin. At bilang resulta, hindi agad na nabibigyan ang player ng impresyon na alam na niya ang lahat ng tungkol sa character na iyon,” patuloy niya. “Marami pang dapat makita at siyasatin para makatuklas at makaunawa. Sana ay magustuhan ito ng mga tao.” 

Sa buong game, ang bidang si Stacy Rockford ay paminsan-minsang nagbe-break ng fourth wall, at direktang nakikipag-usap sa player sa mga hindi inaasahang pagkakataon. “May tatlong magkakaibang inspirasyon dito, si Mike Myers sa Wayne's World, si John Cusack sa High Fidelity, at si Matthew Broderick sa Ferris Bueller's Day Off,” sabi ni Galvatron. “Ninais kong magsama ng impormasyon tungkol sa mga kanta, kung kailan ginawa ang mga ito, impormasyon at mga kawili-wiling kuwento tungkol sa mga creator, pero baka awkward ito sa direktang dialogue,” sabi niya. ‘Minsan, bigla na lang magsasalita ang isang character sa ganoong paraan, at ang magagawa mo lang ay isulat ito.”

Ang isa pang pangunahing aspeto sa pagtatag ng reflective fantasy ay ang fashion. Sa mga trailer, nagse-skate ang grupo sa mga kulay-kahel na gubat at nagkukuwentuhan sa mga hood ng kotse, nakasuot sila ng maluluwag na plaid na kamiseta, t-shirt ng banda na angkop sa panahon, at gasgas na canvas na shoes, na may mga item, tulad ng sweater ni Rockford, na direktang kinuha sa sariling wardrobe ni Galvatron. Maaaring magtaka ang mga viewer na may matalas na mata tungkol sa tiyak na taon o panahon kung kailan ginaganap ang Mixtape. Pero sadya itong hindi ipinapaalam ng Beethoven & Dinosaur. “Walang eksaktong 'taon' kung kailan nagaganap ang game na ito,” sabi ni Toole. “Kahit ang mga character ay parang mula sa magkakaibang panahon – sa pagitan ng 1985 at 1995.” Gumagamit ng mixed-media visual style para lalong guluhin ang timeline, kung saan pinaghahalo ng Beethoven & Dinosaur ang moody live-action footage sa mga cutscene at gameplay. 

Isa itong estilong nagbago sa kurso ng produksyon, bilang labor of love sa pagitan ng mga animator, artist, at tech director. “Nagsisimula kami sa isang general tone, isang ideya ng antas ng painterliness, kung paano namin gagamitin ang aming lights, ang aming lenses, ang aming estilo ng animation - pero simula pa lang iyon,” paliwanag ni Toole. “Dinadala ka ng journey sa iba't ibang landas, naghahalo ang teknolohiya at sining sa mga di-inaasahang paraan, binibigyan ka ng mga shader ng mga bagong oportunidad, patuloy na nagbabago ang balanse ng realidad at stylisation.”

Mixtape Ps Screen2 1920x1080 Q60
Fine-tuned 

Ang mga kahanga-hangang pagpapatugtog ng kanta ay ang tumitibok na puso ng Mixtape, kasama ang mga kanta mula sa DEVO, The Smashing Pumpkins, at Joy Division na inihahabi sa mahahalagang sandali ng interactivity habang lumilipas ang gabi para sa barkada. “Marahil ay nakakita ka na ng footage ng pagse-skate pababa ng burol kasama ang mga kaibigan, paghagis ng toilet paper sa isang bahay, at sobrang detalyadong halikan,” sabi ni Toole. “Sinikap talaga naming ilarawan ang matitinding damdamin ng kabataan sa pamamagitan ng mechanics: Paano mo ilalarawan sa pamamagitan ng mechanics ang pakiramdam na hindi siputin ng kaibigan mo sa game? Anong kanta ang papatugtugin? Paano mo ilalarawan sa pamamagitan ng mechanics ang pakiramdam ng pag-rock out sa isang kanta sa iyong kotse kasama ang mga kaibigan mo?” Bagaman nang tanungin tungkol sa kahulugan sa likod ng ilan sa mga supernatural na paglalarawan ng teenagedom sa Mixtape — makikita mong lumilipad ang mga character sa pinakabagong trailer nito — tikom ang bibig ng dalawang developer. 

Ipinaliwanag pa ni Toole na nagbago ang malaking bahagi ng game sa kurso ng development. Ang isang late game sequence na tinatawag na Coastal Cruise, na kasabay ng sophisti-pop classic ng Roxy Music na More Than This, ay inilipat nang mas maaga sa runtime para maging mas maayos ang istruktura ng game. “Matagal naming pinaglaruan ang pagkakasunod-sunod ng mga track, pinagsunod-sunod, binago, pinalitan, at pinagpalit-palit namin ang mga iyon, hanggang sa bumilis at naging maganda ang kuwento nito at sumakto ang mga crescendo sa tamang lugar,” sabi ni Galvatron. 

May saysay na nilikha ng Beethoven & Dinosaur ang ikalawang game nito nang may nakakatuwang busisi ng isang vulnerable teenager na sinusubukang gawan ng soundtrack ang summer ng crush niya. Hinayaan naming gabayan kami ng soundtrack,” sabi ni Galvatron. “Naroon na ang emotional heights, lows, explosions, paghahagulgol, guitar solos, pagsigaw, poot, pag-ibig, mayroon nang lahat ng ito – dinagdagan lang namin.’ Malinaw na maraming kinailangang ayusin, pero sana, kapag lumabas na ito sa huling bahagi ng taong ito, makakagawa rin ang Mixtape ng soundtrack para sa summer mo. 

Ila-launch ang Mixtape sa May 7 sa Epic Games Store