Epic Games Store
Artikulo

Bagong Pag-verify sa Edad para sa mga R18+ na Laro sa Epic Games Store sa Australia

E
Epic Games Store Team
Set 7, 2026
Epic Games Store

Bilang pagsunod sa mga lokal na regulasyon (Magbubukas ng bagong tab), kailangang i-verify ng mga player sa Australia na sila ay 18 taong gulang o mas matanda pa para makapag-download o makabili ng mga larong may rating na R18+ (Magbubukas ng bagong tab) mula sa Epic Games Store. Magsisimula ang requirement na ito sa Setyembre 9. Hindi nito babaguhin ang paraan ng pag-access mo sa mga laro na pagmamay-ari mo na o anumang laro na may rating na mas mababa sa R18+.

Ganito gumagana ito:

Ginagamit namin ang Kids Web Services (Magbubukas ng bagong tab) (KWS) ng Epic para i-verify ang iyong edad. Nakikipagtulungan ang KWS sa mga third-party provider upang mag-alok ng maraming paraan ng pag-verify ng edad na nagpoprotekta sa privacy. Narito ang mga paraan na available sa Australia: 

- Mag-selfie. Susuriin ng Yoti (Magbubukas ng bagong tab) ang iyong selfie para tantiyahin ang iyong edad. Naka-encrypt ang larawang ito, hindi kailanman makikita ng sinumang tao at agad na binubura ng Yoti pagkatapos ang pagtantiya. Hindi natatanggap ng KWS ang iyong selfie. 

- Ilagay ang mga detalye ng iyong credit card. Mag-o-authorize ang Stripe (Magbubukas ng bagong tab) ng 5 sentimo sa iyong credit card para kumpirmahing valid ito. Hindi sisingilin ang iyong card. Hindi tumatanggap ang KWS ng mga detalye ng iyong credit card. 

- Kumuha ng litrato ng iyong ID. Ginagamit ng Veriff (Magbubukas ng bagong tab) ang iyong government-issued ID para i-verify ang iyong edad. Ang iyong impormasyon ay naka-encrypt at ligtas na pinoproseso ng Veriff at ang iyong litrato ay agad na binubura pagkatapos ng pag-verify. Hindi natatanggap ng KWS ang iyong ID.

- Gamitin ang ConnectID. Simula sa huling bahagi ng buwang ito, papayagan ka ng ConnectID (Magbubukas ng bagong tab) na kumpirmahin ang iyong edad sa pamamagitan ng iyong bangko. Walang impormasyon sa bangko ang ibabahagi sa ConnectID o KWS.

Ang impormasyong ibinibigay mo sa mga partner na ito ay ginagamit lamang para ma-verify ang iyong edad. Makikita ang higit pang impormasyon tungkol sa KWS at sa mga paraan ng pag-verify dito (Magbubukas ng bagong tab) at sa FAQ (Magbubukas ng bagong tab).