Balita

Tinalakay ng Resident Evil Requiem Producer na si Masato Kumazawa kung paano nagbibigay-pugay ang laro sa nakaraan ng parehong horror at action ng series

S
Sam Desatoff
Peb 16, 2026
Bilang franchise, ang Resident Evil ay laging tungkol sa takot. Higit pa riyan, kahit na isa itong series tungkol sa pagdaig sa takot; ang mabagal at tuluy-tuloy na pagtaas ng suspense na sinusundan ng nakagiginhawang pasabog sa anyo ng mabilis na action sequence o napakatinding boss fight. Kahit ang pinakaunang laro ay mabibigyan ka ng reward para sa matagumpay na pag-navigate sa liku-liko at nakalilitong mga pasilyo ng Spencer Mansion gamit ang rocket launcher sa mukha ng Tyrant.

“Ang Resident Evil series ay laging nag-aalok ng takot sa survival na horror, at ang labis na tuwa at ginahawa kapag nadaig mo ang takot,” sabi sa amin ni Masato Kumazawa, na isang producer sa paparating na Resident Evil Requiem.

Karamihan sa mga major entry sa series ay tumataas at bumababa sa ganitong paraan, na ang mga player ay napipilit na harapin ang mga limitadong suplay at ang mahirap itumbang mga kalaban sa masisikip at saradong mga lugar bago makaharap ang napakalaking nilalang sa isang huling laban. Ang pagpatay sa Nemesis sa Resident Evil 3 ay talagang nakaka-satisfy dahil inilaan mo ang buong laro para matakasan siya. Sinabihan kang napakahina mo para talunin siya hanggang sa mabigyan ka ng malaking railgun bilang reward para sa marahan at maingat na pagdaan sa Raccoon City na puno ng halimaw, at desperado kang naghahanap ng mga suplay at umiiwas sa mga zombie. Sa Resident Evil 2, kailangang talunin nina Leon at Claire si William Birkin nang maraming beses bago siya bumagsak nang tuluyan, na para bang imposible siyang talunin sa susunod na hindi maiiwasang sagupaan. Dahil dito, ang pagtumba sa kanya sa wakas ay labis na nakaka-satisfy. Ang ganitong uri ng power fantasy ay laging bahagi ng series.  

Ang Resident Evil Requiem, na ila-launch sa Epic Games Store ngayong Peb. 27, ay nagpapatuloy sa legacy na ito sa tension at ginhawa; sa katanuyan, ang developer Capcom ay ginawa ang formula na ito bilang sentro ng laro. Isang showcase sa nakaraang buwan ang nagbunyag na ang Requiem ay magtatampok ng dalawang protagonist: isang bagong dating na si Grace Ashcroft at ang paborito ng mga fan na si Leon Kennedy, na ang dalawa ay magiging kasangga na kumakatawan sa iba't ibang mga aspekto ng kasaysayan ng Resident Evil

“Sa pamagat na ito, layunin naming makapaghatid ng dalawang lubos na magkaibang mga gameplay experience—horror at action—sa pamamagitan ng aming dalawang protagonist, si Grace at si Leon,” sabi ni Kumazawa. 

Para masunod nang mabuti ang ideyang 'yan, ang Resident Evil Requiem ay malalaro sa magkakahiwalay na seksiyon, na magpapalit-palit kay Grace at Leon habang umuusad ang kuwento. Taliwas ito sa mga classic na Resident Evil game, kung saan pipili ang mga player sa pagitan ng dalawang hiwalay na kuwento kapag nagsisimula ng bagong laro. Pero sa halip na mapilitang pumili sa pagitan ng mga karakter, ang Requiem ay magsasabi ng isang magkakaugnay na kuwento.
Tinalakay ng producer ng Resident Evil Requiem na si Masato Kumazawa kung paano nagbibigay-pugay ang laro sa parehong horror at aksyon ng mga nagdaang yugto ng serye - Chainsaw
Pinaparanas ng “Requiem sa mga player ang iisang pinagsama-samang kuwento kung saan magsasalitan si Grace at Leon habang umuusad ang kuwento,” paliwanag ni Kumazawa. “Ang rason para sa pamamaraang ito ay…nais naming maghatid ng experience na talagang aantig sa emosyon ng mga player sa pamamagitan ng paglilipat-lipat sa pagitan ng takot at aksiyon.”

Ang mga seksiyon ni Grace ay magbibigay-pugay sa mga survival horror na pinagmulan ng series, at sa lahat ng eksplorasyon, limitadong suplay, matinding sagupaan sa mga kalaban, at nakakatakot na sitwasyon nito. Ang sa kanya ay sadyang mabagal kahalintulad ng Resident Evil 7 at ng Resident Evil 2 remake. Isipin na ini-explore mo ang Raccoon City Police Department o ang Baker house, naghahanap ka ng mga susi, nagkakalkal ng bala, mga ganitong bagay. Ito ang classic Resident Evil formula na nabuo noong unang mga laro.

Samantala, aasa nang malaki si Leon sa aksiyon at gunplay, 'yung pinasikat ng Resident Evil 4. Lahat ng seksiyong ito ay tungkol sa pakikipaglaban, kung saan maraming kaaway ang sabay na aatake sa player. Ito ang inaasahan ng Capcom na ito dalawang magkaibang mga istilo ng gameply ay magkakasama sa isang bagay na makaaakit sa lahat ng fan ng franchise.

“Nais naming maghatid ng isang experience na talagang aantig sa emosyon ng mga player, na pinaghahalo ang dalawang magkaibangmagkaiba na gameplay experience—horror at action—sa iisang package,” sabi ni Kumazawa.

Gayunpaman, ang setup ay hindi ang vision sa simula, sabi sa amin ni Kumazawa. Sa halip, habang sinisimulan ang development ng Requiem, si Leon lang ang tanging protagonist, ngunit naramdaman ng team na hindi ito kapani-paniwala na kalaunan hindi magiging sanay si Leon sa kanyang kapaligiran, at pinapahina nito ang impact ng mga horror element.

“Sa mga horror game, karaniwan na ang tensiyon ay kumukupas habang mas lumalakas ang mga player o masanay na sila sa takot habang umuusad,” paliwanag ni Kumazawa. “Dahil diyan, ang pamagat na ito ay nakapokus na mapanatili ang contrast at rhythm sa pamamagitan ng pagpapalakas sa iba't ibang elemento—tulad ng sa pagkakasari-sari ng takot na mararanasan sa pamamagitan ni Grace, at sa napakaraming aksiyon na available kapag kinokontrol si Leon.”   

Isinaalang-alang din ng Capcom ang napakaraming bilang ng mga kapahamakan na napagtiisan ni Leon sa kabuuang Resident Evil hanggang sa ngayon. Kalaunan umabot sila sa konklusyon na, dahil sa kanyang nakaraan, hindi bastang masisindak si Leon ng isang tamang “survival horror” na scenario. Tutal, napagtagumpayan ni Leon ang zombie apocalypse sa Raccoon City, nailigtas ang anak na babae ng presidente ng U.S. mula sa isang bayan na nagkalat ang mga miyebro ng kulto, at nalagpasan ang mga nakakayanig ng mundong mga kaganapan ng Resident Evil 6. Para sa Requiem, kinailangan ng mga developer ng bagong karakter para sindakin, isang taong mas babagay sa mas mababagal na mga horror segment na dinisenyo ng team. Eeksena na si Grace Ashcroft. 
Tinalakay ng producer ng Resident Evil Requiem na si Masato Kumazawa kung paano nagbibigay-pugay ang laro sa parehong horror at aksyon ng mga nagdaang yugto ng serye - Enemy
Ang huling dalawang mainline game sa series—Resident Evil 7 at Resident Evil Village—ay magtatampok kay Ethan Winters bilang ang protagonist, kung saan hindi natin siya makikita, ngunit, kung ano ang nakikita niya. Sinadya talaga ito, sabi ni Kumazawa; gusto ng Capcom na si Ethan ay maging repleksiyon ng player mismo, at hindi makaagaw ng atensiyon hangga't maaari. Ang resulta ay mataas na level ng immersion. Dahil si Ethan ay parang isang “camera character,” tulad ng pagkakasabi ni Kumazawa, mas mailalagay ng mga player ang kanilang mga sarili sa mga nakakatakot na scenario ng laro at ma-imagine na ma-injure ang sarili nilang mga kamay nang paulit-ulit.

Gayunpaman, si Leon at si Grace ay nag-e-exist sa kabilang dulo ng spectrum. Sila ay puno ng mga biro, pagsigaw, at komento tungkol sa mga nangyayari sa kanilang paligid, kaya mas expressive sila kaysa sa kay Ethan. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit pabaritong karakter ng fans si Leon sa Resident Evil . Mga linyang tulad ng “Sa papunta ang lahat ng tao? Ang Bingo?” ay naging paboritong inuulit na salita, at lumalabas na ang Requiem ay pumapabor sa kakaibang mga banat ni Leon. Ang kanilang madaldal na ugali ay malinaw ding nagpapakita ng mga emosyon na gusto ng Capcom na maging kuwento habang magpapalipat-lipat sa action at horror.

“Si Grace, na kumakatawan sa bahagi ng laro na nakapokus sa takot, ay sadyang ipinakita bilang isa sa pinakamadaling matakot na karakter sa series,” paliwanag ni Kumazawa. "Sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng matatakuting mga animation at reaksiyon ng boses, nais naming matakot din ang mga player kasama niya."
Tinalakay ng producer ng Resident Evil Requiem na si Masato Kumazawa kung paano nagbibigay-pugay ang laro sa parehong horror at aksyon ng mga nagdaang yugto ng serye - Leon
Samantalang si Leon, ay tungkol lahat sa tusong mga sagot at mga one-liner habang "walang kahirap-hirap na itinutumba ang mga kalaban,” patuloy na sinabi ni Kumazawa. Inaasahan na ang kanyang mas magaan at mapaglarong personalidad ay tutulong sa mga player na makadama ng "paglaya at labis na saya habang kumakawala sila sa takot."

Sa maraming paraan, ang dalawang pokus ng Requiem sa horror at action ay isang love letter para sa nakaraan ng series; ang pagtaas at paghupa ng tensiyon ay laging bahagi ng DNA ng Resident Evil. Ngunit hindi makukuwestiyon na ang Requiem ay talagang kakaiba, na mayroong mas malinaw na mga boundary sa pagitan ng dalawang istilo ng gameplay nito. Interesting na makita kung ano ang kalalabasan nito kapag ila-launch na ang Requiem sa Epic Games Store sa Pebrero 27. 

“Pinaka-excited ako para sa mga player na maranasan nila ang ilan sa pinakamadramang pagtaas-baba ng emosyon sa buong series sa ngayon, salamat at maaaring lumipat-lipat sa dalawang magkaibang gameplay style ni Grace at Leon” sabi ni Kumazawa. “Sana ma-enjoy [ng mga player] ang contrast ng tensiyon at paghupa nito.” 

Maa­ari kang mag-i-prepurchase ng Resident Evil Requiem ngayon sa Epic Games Store.