Balita

Libre ngayong linggo ang Residual sa Epic Games Store para sa mobile

B
By Epic Games
Peb 19, 2026

Mula Pebrero 19 – 26, 2026 sa Epic Games Store mobile app, puwede mong i-download ang Residual nang libre sa Android sa buong mundo at iOS sa European Union.

* Tandaan: Posibleng hindi available sa lahat ng rehiyon

FIL EGS 3PFreeGames Mobile Spring2025 EditorialBanner 3840x632

 

Residual
Orangepixel

Isang galaxy-spanning exploration at crafting/survival game ang Residual na puno ng mga sinaunang alien secret, libo-libong planeta, at iritable't lumulutang na kasama sa iyong tabi. 

Magsisimula ang Residual sa pagbagsak mo sa isang alien na planeta at pag-explore mo sa bago mong tahanan. Nakadepende ang survival sa kakayahan mong umani ng pagkain, mag-craft ng tools, at humukay ng mga alien na teknolohiya habang ine-explore mo ang mga procedurally generated na mundo ng laro. Makakahanap ka ng platforming, mga puzzle, at walang humpay na variety sa nonviolent adventure ng developer na Orangepixel. 

I-download na nang libre ang Residual sa mobile ngayong araw, at tingnan ang Epic Games Store para ma-explore ang lumalaking catalog. At kung interesado ka sa higit pang feature, gabay, at balita tungkol sa lahat ng video game, tingnan din ang page ng balita ng Epic Games Store.