Artikulo

Resonance: A Plague Tale Legacy Interview at Hands-On sa isang Minoan na Obra Maestra

B
Brian Crecente
Ago 26, 2026

Resonance: A Plague Tale Legacy | Asobo Studio | Petsa ng Paglabas: Ago. 27, 2026

Nawawala sa kaloob-looban ng isang sinaunang tangke ng tubig ng Minoan, tila kasing-balisa ko si Sophia.

Mas lalo pang nagpapa-surreal ang umuugong na tunog ng lalamunan sa kakaibang tagpo habang ginagabayan ko ang dating kontrabandista na naging explorer sa maalikabok na yungib.

Mas nagiging kakaba-kaba pa ang kitang-kita niyang pagkabalisa. Sa puntong ito, ipinakita ni Sophia ang kanyang katapangan, katusuhan, at kahusayan sa espada at punyal. Pupuksa siya ng mga kalaban sa pamamagitan ng pagsalag, pagsaksak, pag-counter, at paminsan-minsang grappling hook toss na tamang-tama ang timing. Naiwasan niya ang mga nakamamatay na bitag, naghanap ng mga artifact, at nalutas ang mga kumplikadong puzzle. Lahat ng ito, nang hindi man lang sumasablay.

Ngunit ngayon, habang binabaybay ang mga gumuhong kuweba na ito sa ilalim ng isang kumplikado at matagal nang hindi nagagamit na mga hamon ng Minoan, tila hindi sigurado si Sofia kung ano ang susunod na mangyayari.

Magaganap ang Resonance: A Plague Tale Legacy humigit-kumulang 15 taon bago ang mga pangyayari sa A Plague Tale: Requiem, kung saan unang ipinakilala si Sophia.

Sa prequel na ito, naghahanap ng sagot ang batang mandarambong sa mga tanong na bumabagabag sa kanya: ang koneksyon niya sa Isla ng Minotaur, ang kanyang mga unang taon sa isang kumbento, at ang kanyang ugnayan sa Macula.

Sa pamamagitan ng Macula, isang sinaunang sumpa, masisilayan ni Sophia ang sinaunang nakaraan ng isla sa pamamagitan ng pangingin ni Theseus at, paminsan-minsa'y makapaglalakbay pabalik sa Minoan era para lumaban sa mga trial.

Habang ginagalugad nina Sophia at ng kaibigan niyang si Leni ang Isla ng Minotaur, kailangan nilang iwasan na madakip ng mga rumorondang kalaban habang binabaybay nila ang isang maze na puno ng nakamamatay na bitag at mauutak na puzzle.

May dalawang tungkulin ang Resonance tungkulin bilang prequel, pareho nitong pinupunan ang backstory ni Sophia at ang kanyang koneksyon sa Macula, at pinalalawak ang kanyang kasanayan sa pakikipaglaban bilang isang batang rogue.

Sa pag-aakma ng hinaharap ni Sophia sa nakaraan ng larong ito, gustong tiyakin ng developer na Asobo Studio na hindi nito mababago ang nangyari sa A Plague Tale: Requiem, sabi ni David Dedeine, co-founder at creative director ng studio.

"Kasabay nito, may space pa para mas maunawaan kung bakit ang isang character na kasing-angas ni Sophia, e, sobrang magmamalasakit sa dalawang batang lagalag, at kung bakit handa siyang harapin ang napakaraming panganib para tulungan sila," aniya. "Sa pag-explore namin sa nakaraan ni Sophia at pagbuo ng kuwento ng Resonance, lalong naging malinaw na ang 'yong pangako niya kay Arnaud, e, parte lang ng sagot. May mas malalim na dahilan sa likod ng mga ginagawa niya."

Sa Requiem, tutulungan ni Sophia sina Amicia at Hugo, ang magkapatid na bida ng laro, na makatakas sa panganib para mabayaran ang kanyang utang na loob kay Arnaud Malpart, na minsang nagligtas sa kanya nang utusan itong patayin siya.

"Sa buong development [ng Resonance], madalas kaming bumalik sa mga eksena ni Sophia sa Requiem para masiguro na nanatiling consistent ang lahat," sabi ni Dedeine. "At minsan, nagulat ako kung gaano kanatural na para bang bumagay 'yong Resonance . Halos parang alam na ni Sophia 'yong sarili niyang kuwento bago pa namin malaman."

Kabilang sa mga pangunahing pagbabago kay Sophia ang kanyang mahusay na combat skills, na nagbibigay-pagkakataon sa kanya na mag-parry, mang-counter at umatake, at pagkatapos, magbigay ng pangalawa at madalas na nakamamatay na atake gamit ang dagger sa kanyang di-dominanteng kamay. Kaya rin niyang maghagis ng grappling hook sa isang kalaban at hilahin sila palapit sa kanya.

Ayon kay Dedeine, ang Ghost of Tsushima at SIFU ang pinakakaraniwang batayan na ginamit internally habang muling dinidisenyo ang combat ng laro. Ngunit idinagdag niya na kinailangan ng studio na humanap ng sarili nitong landas para kay Sophia — kasama na rito ang lore, kuwento, at haba ng laro.

"Sobrang in line 'yong initial approach sa philosophy namin sa maraming feature ng Innocence at Requiem: paano tayo makakagawa ng combat system na ramdam mong grounded as much as possible, at nagbibigay ng pagkakataon sa mga player na manatiling konektado kay Sophia bilang isang tao imbes na gawin siyang killing machine, habang kapani-paniwala at talented na fighter pa din siya?" sabi ni Dedeine.

Ang sagot ay isang karakter na madaling mapatay kung hindi ka mag-iingat, ngunit kaya ring mabuhay sa pamamagitan ng health na bumabalik kapag nakakapatay ng kalaban.

"'Yong idea na posibleng matalo si Sophia pagkatapos lang ng ilang tama, e, pangunahing principle simula pa lang, at ito 'yong naging dahilan ng mantra namin: 'Mahalaga ang bawat tira,'" sabi ni Dedeine. "Pero matalino at mapanlinlang din si Sophia, kaya nag-introduce kami ng dagger bilang signature move niya, na guided naman ng isa pang principle na madalas naming gamitin internally: 'Papanatilihin kang buhay ng espada, pero dagger ang magpapanalo sa laban.'

"Sobrang hirap ng paghahanap ng tamang balanse sa pagitan ng vulnerability at mastery. Sobra itong pinaghirapan ng team, nilampasan 'yong bawat hadlang para magawa 'to nang tama, at talagang proud na proud kami sa final result at kung gaano ka-seamless 'yong pag-blend ng combat sa buong experience."

Ang resulta ay combat na punong-puno ng panganib ngunit sa huli ay nakakapagbigay-kasiyahan kapag nalampasan mo ang isang silid gamit ang punyal, espada, grapple, mga sipa at ang paminsan-minsang astig na finisher.

Siyempre, hindi lang kailangan tiyakin ng development team na maayos na umaakma ang kuwento ni Sophia sa kanyang nakaraan na hindi pa nasusulat. Kailangan din nilang tiyakin na walang anumang mangyayari sa Resonance na babago sa mga detalye ng Requiem.

Ang layunin ay magbigay-liwanag sa susunod na timeline, sa halip na baguhin ito.

"May papel sa kuwento 'yong relasyon ni Sophia sa Macula, pero hindi never naming naging intensiyon na i-rewrite 'yong mga na-establish nang pangyayari o gumawa ng mga contradiction," sabi ni Dedeine. "Sa halip, gusto naming i-explore 'yong ilan sa mas malalalim na motibasyon sa likod ng mga ginawa niya at mag-alok ng isa pang perspective sa character na akala ng mga player, e, kilala na nila. Kasabay nito, sobrang importante para sa 'min na nanatiling approachable ang Resonance bilang standalone na experience. Hindi kailangang may alam ka na tungkol sa A Plague Tale para ma-enjoy mo 'yong kuwento ni Sophia at maunawaan nang buo 'yong journey niya."

Bilang panimula, ramdam mong mahusay ang pagkakagawa ng action-adventure na Resonance habang naglalaro. Pinaalala sa akin nito ang mga laro tulad ng Tomb Raider at Uncharted.

"Talagang gusto naming mas palakasin pa 'yong action layer ng experience, na mas marami pang iba't ibang environment, mas maliwanag na tanawin, at mas matinding sense of scale saka exploration," sabi ni Dedeine. "Sa ganitong aspekto, madaling maintindihan kung bakit maiisip ng mga player 'yong mga laro na gaya ng Tomb Raider o Uncharted.

"Pero sa tingin ko rin, may sariling identity ang Resonance . May partikular na tone ang The Plague Tale universe na nasa pagitan ng historical realism, fantasy, at pagiging dark. Iniimpluwensiyahan ng heritage na 'yon ang lahat, mula sa kuwento at pagbuo ng mundo, hanggang sa paraan ng approach namin sa mga character at mga motibasyon nila."

Ginagawang memorable at rewarding ng paglibot sa Isla ng Minotaur, na kumpleto ng matatayog na gusali, gumuguhong mga ruin, at espektakulo ng labanan sa dalawang magkaibang panahon ang bawat sandali ng paglalaro.

Sobrang nakakaengganyo ng kuwento, may panibagong pananaw sa kuwento ni Theseus at sa anyo ng Minotaur na nakakagulat ngunit talaga namang epektibo. 

Habang nagpapatuloy ang laro, nagiging matindi ito, na may napakahihirap na boss at isang gameplay mechanic na parehong nakakakaba at masaya. 

Ipinagpapatuloy rin ng pinakabagong Plague Tale ang kahanga-hangang obra ni Olivier Deriviere, na nag-compose ng orihinal na mga soundtrack para sa unang dalawang laro. Ngayon naman, nag-compose at sumulat si Deriviere ng mga orihinal na kanta na, in part, ay itinanghal sa diyalektong Greek Cypriot ng mang-aawit na si Vasiliki Anastasiou at ng Amalgamation Choir. 

Para maging mas matindi, gumamit din ang soundtrack ng Turkish yayli Mesopotanian tambur, Arabic rebab, Greek bouzouki, at carnyx, isang sinaunang Celtic war instrument. Ang resulta: paminsan-minsang nakakapanindig-balahibo, ngunit consistent na nakakaantig at epektibo.

Kapag nagsama-sama na ang lahat, ibibigay ng Resonance ang klase ng experience na babalutin ka ng sense of wonder, hihila sa 'yo sa isang 15-to-20-hour ng paglalakbay na tila nakakabitin oras na matapos mo ito.

Matagal na rin simula nang magpuyat ako at gumising nang maaga para lang matapos ang isang laro. Masaya ako na ginawa ko 'yon sa Resonance. Ito 'yong klase ng experience na ikakabitin mo. Mabuti na lang, may pahiwatig sa ending na posible nga 'yon.