Balita

Rocket League Season 22: Ano ang bago at paano nito binabago ang laro

D
Dave Tach
Mar 11, 2026
Magsisimula ngayong araw (Marso 11, 2026) ang Season 22 ng Rocket League at puno ito ng mga quality-of-life upgrade na nagpapaganda sa core game nang hindi binabago ang vehicular arcade-style soccer experience. 

Kaya pag-usapan natin ang mga upgrade na darating sa ranked system, talakayin kung paano nagiging mas makatotohanan ang training, ipresenta ang mga flip reset indicator, at i-tour ang mga event at item na darating sa Rocket League Season 22. 
 

Visible na matchmaking rating


Sa Rocket League, may numerong tinatawag na MMR—pinaikling matchmaking rating—ang na siyang nagtatakda sa iyong rank. Layunin mong manalo sa mga match, pataasin ang iyong MMR, at umabot sa mas matataas na rank, ngunit kapag natalo ka sa mga match, posible ring bumaba ang iyong MMR. 

Mula nang simulan ito, isang invisible na numerical score ang MMR. Ngayon, sa Rocket League Season 22, maaari mo nang piliing makita ang iyong MMR. Sa pagpapakita ng iyong MMR score, matutulungan ka nitong matukoy kung gaano ka na kalayo mula sa pag-rank up o pagbagsak ng rank. 
 

Mas makatotohanang training 


Practice makes perfect, at matagal nang kasama sa Rocket League ang iba't ibang serye ng tutorial para matulungan kang makabisado ang mga mechanic at skill ng laro. Saklaw nito ang fundamentals ng laro hanggang sa mas focused na mga lesson para sa mga goal, aerial goal, at mga pag-save. 

Sa Season 22, maaari mo nang kalikutin ang tutorial settings para bahagyang magbago ang mga bagay na kagaya ng setups at bounces habang ikaw ay nagpa-practice. Kapag naka-enable ang randomized options na ito, mas hindi na paulit-ulit ang practice at nagiging mas makatotohanan ang hamon habang inaaral ang basics. 
Rocket League Reset
 

Bagong flip reset cues


Nagbibigay-daan ang mailap na flip reset sa mga player na mag-perform ng flip habang nasa ere. Sa madaling sabi, sa sandaling mahawakan ng hindi bababa sa tatlo ng iyong mga gulong ang bola, magre-reset ang kakayahan mong mag-flip at maaari kang mag-flip upang gumawa ng mga bagong pagkakataon para sa paghawak ng bola. Isa itong napakalakas na skill na dapat matutunan, ngunit palaging mahirap sabihin kung kailan eksaktong nag-reset ang iyong flip. 

Sa Season 22, ipinapaalam ng Rocket League kung kailan available ang flip reset mo—mukha itong unobtrusive flash sa ilalim ng iyong sasakyan. At huwag kang mag-alala na baka malaman ng iyong mga kalaban: Ikaw lang ang makakakita at makakarinig ng iyong mga flip reset cue, at pwede mo rin itong i-disable kung hindi mo gusto ang style nila. 
 

Charge progress ng clear boost pad


Parang biglaang bugso ng adrenaline ang mga boost pad para sa iyong sasakyan, na nagbibigay sa iyo ng mabilis na pag-arangkada sa field. Alam ng mga Rocket League player na kapag nagamit o na-activate na ang mga ito, kailangan mag-recharge ng mga boost pad, at pansamantala silang hindi sila magagamit. Gayunman, hindi talaga maaaring malaman ng mga player kung kailan eksaktong magre-reactivate ang isang boost pad—hanggang ngayon. 

Sa Rocket League Season 22, makakatanggap ang mga boost pad 'quality-of-life upgrade' na palihim na nagpapahiwatig ng kanilang status. Hindi mo makikita ang eksaktong oras kung kailan muling magiging active ang isang boost pad, ngunit makikita mo ang tila progress bars na nagre-refill sa boost pad, na nagpapahiwatig ng tinatayang oras kung kailan muling lilitaw ang isang boost pad. 
 

Bracket Rivalry at Rocket Pass


Isang kombinasyon ng walong Rocket League content creator duo ang maghaharap sa Bracket Rivalry. Mula Marso 20 – 26 sa Item Shop, maaari mong kunin ang Player Title ng paborito mong duo, at ang mga maso-score mong goal habang ginagamit ito ay makakakuha ng puntos para sa kanila. Magtatapos ang Bracket Rivalry sa isang live match sa Rocket League Championship Series Paris Major, na may mga event na tatakbo mula Mayo 20 – 24, 2026, sa Paris La Défense Arena. 

Handog ng Rocket Pass Premium ang tatlong Dominus hitbox Car Body—BMW M2 Racing, Zefira, at Maven—pati na rin ang mga accessory na kagaya ng Checkers Topper, Foosball Goal Explosion, Yard Marker Antenna, at Air Jordan 1 “Chicago” Decal. Magiging available ang mga cross-game item para sa mga subscriber ng Fortnite Crew sa Marso 19. 

Maaari mo ring ma-unlock ang bagong Player Title sa pamamagitan lamang ng pag-log in at maka-unlock ng mas marami pang item gamit ang Tournament Credits, na makukuha mo sa paglahok sa mga tournament. 

Sa lahat ng mga upgrade sa Rocket League Season 22, tamang-tama ang oras na ito para bumalik sa laro. Maaari mong i-download ang Rocket League mula sa Epic Games Store ngayong araw.