Artikulo

Ang story-driven arcade racer ng Screamer ay nagbibigay-pugay sa retro roots nito

K
Khee Hoon Chan
Mar 16, 2026

Tingnan ang mahahabang kurba, kinang ng metal, at umiilaw na headlight ng mga kotse sa Screamer reboot, na naka-set sa aspalto sa isang lungsod na may neon na ilaw o sa maalikabok na street circuit ng isang industrial district. Ang mismong tanawing ito ay malayo sa unang Screamer na inilabas noong 1995, kung saan mas maayos na ang mga polygonal nitong kapaligiran at sasakyan sa pulidong linya ng mga kongkretong skyscraper at pinakintab na bakal. 

Pero ayon sa developer na Milestone, hindi pa nawawalan ng sigla ang Screamer sa paglipas ng mga dekada. 

SCR Screenshot GameModes Logo 08
“Ang orihinal na Screamer ay isang racing game na naka-focus sa mga karerang puno ng adrenaline, at pakiramdam namin, isa itong bagay na puwede naming gawing moderno para sa kasalukuyang gaming market,” sabi ng game director na si Federico Cardini. “Kahit na posibleng iba na ang hitsura ng bagong laro, sigurado kami na mararamdaman ulit ng mga taong nakapaglaro rin ng orihinal ang matinding saya na naramdaman nila sa orihinal na title.”

Hindi tulad ng ibang reboot, kakaiba ang bagong Screamer dahil ang Milestone din ang developer sa likod ng orihinal na Screamer, pati na rin ng dalawa nitong sequel, ang Screamer 2 at Screamer Rally. Ang tanging eksepsiyon ay ang Screamer 4x4, na isang off-road game na mas naka-focus sa paghatak ng mabibigat na sasakyan at malalaking buggy sa malulubak at mapuputik na daanan—isang bahagi ng Screamer series na parang sa pangalan lang. Ang unang Screamer ay isang arcade racer na binigyang-inspirasyon ng Ridge Racer kung saan mas pinapaboran ang adrenaline-fueled speed at madudulas na drift kaysa sa realismo, at ito ang pinagsimulan ng Screamer series na pangunahing pinagbatayan ng reboot. 

Dahil dito, kapansin-pansin at malalim ang naging pagkakaiba. Sumabak sa isa sa mga metal na ito sa rebooted na Screamer, at agad na mararamdaman ang saya at bilis ng karera. Ito ay dahil sa sistema ng pagmamaneho ng game, na pinapagana ng isang in-game device na tinatawag na Echo. 

Sa madaling salita, mamamahala ka ng dalawang resource habang rumaragasa sa mga track: Sync at Entropy. Ang Sync ay unti-unting nakukuha sa paglipas ng panahon habang mahusay kang nagmamaneho, at kapag may sapat kang Sync, puwede mong i-on ang Boost at Shield para sa kaunting, uhm, boost. Nasa pangalan mismo ang mga detalye; binibigyan ka ng Boost ng pansamantalang dagdag na bilis, habang saglit ka namang pinoprotektahan ng Shield laban sa mga hindi kanais-nais na pagtulak at pagbangga. Samantala, ang Entropy naman ay nabubuo tuwing gagamitin mo ang Sync, kung saan puwede mong i-activate ang Strike at ang sobrang lakas na Overdrive. Pinapabilis ka ng Strike at bumabangga ito sa mga sasakyan ng mga kalaban mo, hanggang sa sumabog ang mga sasakyang ito at panandaliang maalis sa karera. Ang Overdrive ay mas mahusay na bersyon ng Strike, dahil pinapabilis nito ang kotse mo habang mas malakas na binabangga ang ibang mga sasakyan. Pero, may babala; kapag nabanggan ka sa anumang mga nakaharang, mabilis ding maaalis sa karera ang sarii mong sasakyan. 

Para itong pakikipagsuntukan sa isang fighting game, kung saan nagbibigay ang Sync at Entropy ng defensive at offensive capabilities na nagbibigay-daan sa iyo na puwersahang mapaalis sa mga track ang ibang mga racer. Inihahatid ang lahat ng ito sa pamamagitan ng twin stick controls ng game—isang control scheme na maaaring pamilyar sa mga player ngInertial Drift —kung saan mas eksakto ang paghawak ng mga player. 

SCR Screenshot GameModes Logo 01

Fighting spirit
Talagang sinadya ang pagkakaparehong ito sa genre ng fighting games. 

“Ang gameplay ng Screamer ay lubhang naimpluwensiyahan ng fighting games, na isa pa sa mga kinagigiliwan namin. Alam naming gusto naming magkaroon ng uri ng elemento ng labanan sa game, pero kailangan namin ng paraan para mabigyan ang mga player ng ganap na kontrol sa paghawak para gumana ito,” paliwanag ni Cardini. “Dito pumapasok ang twin stick controls; pinapayagan ang mga player na kontrolin ang pagmamaneho at pag-drift nang hiwalay gamit ang controller sticks, na nagbibigay ng level ng kontrol na hindi mo basta makukuha sa ibang paraan, habang pinapayagan ka pa ring malayang magamit ang karamihan ng daliri mo para sa iba pang mga aksiyon. Talagang binabago nito kung paano mo nakikita ang game.“ 

Nakakadagdag ng twist sa karera ang mismong mga team ng Screamers, mula sa baguhan pero may talent na Green Reapers, hanggang sa talaga namang pasaway na Anaconda Corp, may sari-sariling quirk at strength ang bawat isa sa mga track. 

Halimbawa, ang ilang Screamer ay kayang mag-generate ng Sync nang mas mabilis, may mas malalakas na Boost, o kayang bawasan ang cost ng Entropy. Gamit ang mga katangiang ito, puwedeng maging partikular na archetype ang ilang indibidwal at team, gaya ng mga close-quarters specialist o defensive tank na kayang tumanggap ng matinding pinsala. Ginawa ang calibrated na sistemang ito dahil gusto ng studio na pagsama-samahin ang pinakamahuhusay na fighting at racing game.

 “Noong dekada '90, ang mga fighting at racing game ang hari ng arcade, at pakiramdam namin, dahil ito sa pag-focus ng mga ito sa gameplay at player expression. Kinuha namin ang mechanical challenge ng racing at ang resource management ng fighting games at nalaman namin na kapag pinagsama ang dalawang bagay na ito, talagang napakahusay ng kinalalabasan,” sabi ni Cardini. 

Pero, ang isang kapansin-pansing feature na wala sa Screamer ay ang pag-customize ng kotse, na isang mahalagang tool sa Screamer 2 at Screamer Rally. Sa mga sequel na ito, puwedeng i-customize ng mga player ang mga sasakyan nila para mapaganda ang performance ng mga ito sa track. Makatotohanan ang mga modification na ito sa mga sasakyan, mula sa laki at pressure ng gulong hanggang sa front at rear suspension, na makakatulong sa mga player para makatipid ng ilang mahalagang segundo mula sa lap time nila. Dahil kailangang iba ang pagmamaneho ng mga kotse depende sa terrain, mula sa mga kalsadang nababalutan ng yelo hanggang sa mabuhanging course na nasa tigang na wilderness, mahalagang aspekto ang pag-customize sa mga Screamer sequel na ito.

Pero, pinili ng Milestone na huwag isama ang mga feature na ito sa reboot, at sa halip ay pinayagan nito ang mga player na i-modify ang mga kotse nila sa mas aesthetic na paraan—isang paraang nababagay sa mapormang anyo ng game. 

“Nagpasya kaming iwasang magdagdag ng physics-based na pag-customize sa game dahil sa ilang bagay,” sabi ni Cardini. “Gumawa kami ng mga napakagandang customization set, at gusto naming gamitin ng mga player ang mga ito ayon sa gusto nila nang hindi nangangamba sa magiging epekto nito sa performance ng mga sasakyan. Pakiramdam din namin, hindi gumana nang maayos ang physics-based na pag-customize sa iba pang sistema ng game, at nagpasya kaming mag-focus na lang sa indibidwal na pakiramdam ng bawat sasakyan at sa mga espesyal na kakayahan ng mga ito.”

SCR Screenshot GameModes Logo 03

Nagsusunog na gulong
Nagbabalik sa Screamer ang mga game mode, pero may ilang pagbabagong para lang sa reboot na ito. Nandiyan ang Race!, isang custom mode kung saan makakapili ang mga player ng mga panuntunan ng kompetisyon, mababago ang bilang ng lap at kalahok, at maisasaayos ang mga kondisyon ng karera ayon sa gusto nila. Mayroon ding Team Race, kung saan puwede kayong magmabilis sa mga track bilang duo o trio laban sa ibang mga team. Nandiyan ang Overdrive Challenge, kung saan puwede kang magsimula sa karera gamit ang isang umuugong at mabilis na sasakyan, habang sinusubukan mong maitala ang pinakamaganda mong lap time, nang umaasang hindi bumangga nang todo sa pader. 

Habang maraming game mode ang naghihintay sa matapang na racer na gustong umarangkada sa mga kurbada ng race course nang napakabilis, ang puso ng Screamer ay ang Tournament mode na nakabatay sa kuwento. Sa halip na umusok lang ang gulong sa makukulay nitong circuit, ang mode na ito, na nangyayari sa ilang episode, ay nagbabahagi rin ng backstory ng tournament at ng kasaysayan ng marami nitong Screamers, kung saan isang misteryosong Mr. A ang nag-organize ng karera. 

Binigyang-diin ni Cardini na ang Echo system ng Screamer ay higit pa sa mekanikal na paraan para makapagpatulin ang mga player papunta sa finish line. Tulad ng mga kotse at cast ng mga character nito, may kuwento rin sa device. 

“Sa simula pa lang, gusto naming magkaroon ng kakaibang diskarte para sa game na ito kumpara sa karaniwang mga racing game, kaya tumuon muna kami sa paggawa ng mga character. Gusto namin ng isang grupo ng iba-ibang character na makakapagbigay sa amin ng inspirasyon para gumawa ng mga orihinal na sasakyan, at sinimulan naming pag-aralan [kung paano made-develop] ang personality [at] motivation nila,” aniya. “Nagmula ang kuwento sa mga ideyang ito, dahil binigyan kami nito ng perpektong paraan para makaugnayan ng lahat ng ito ang mga player.” 

Pangako niya na ibubunyag ang lahat ng ito sa mga event para sa game.

SCR Screenshot GameModes Logo 05Wala nang mas maganda pang panahon kaysa ngayon
Malayo ang Screamer sa mga natatanging racing game ng Milestone. Mula nang gawin ang orihinal na Screamer, nakapag-develop ang Milestone ng iba pang racing title sa pagdaan ng mga taon, mula sa MotoGP series hanggang sa ilang World Rally Championship (WRC) game; halos lahat ng ito ay realistic simulation racer. Kahit hindi ganap na magkaiba, malayo pa rin ang mga ito sa unang arcade racer na nagpakilala sa studio, at gustong-gusto ng Milestone na bumalik sa mga pinagsimulan nito. 

Siyempre, ang malawak na repertoire ng Milestone sa mga racing game ay nakakatulong sa developer para pagandahin pa ang bagong-bagong Screamer. 

“Ang aming expertise sa racing at physical simulation, sa kotse at motor, ay talagang nakakatulong sa amin para magbigay ng kakaibang 'lasa' sa paghawak ng mga game namin,” sabi ni Cardini. “Malaki ang nakuhang benepisyo ng Screamer reboot mula rito dahil sa palagay ko, hindi namin magagawang paghaluin ang racing at fighting nang napakahusay kung wala ang 30 taon naming karanasan sa gaming medium.”

Dumating sa tamang panahon ang reboot. 31 taon na ang nakalipas mula nang ilabas ang unang Screamer, at 26 taon na rin mula nang ilabas ang huling Screamer title. Sa partikular, ang Screamer Rally ay naging abandonware na. Naniniwala si Cardini na wala nang ibang racing game na katulad ng Screamer mula noon, dahil sobrang sumikat ang mga racing simulation. Bukod pa rito, hindi pa rin nagkaroon ng groundbreaking arcade racer na replika ng ginintuang panahon ng ‘90s racing genre. 

“Pakiramdam namin, kulang sa arcade game na may mataas na production value ang raing scene, at bilang mga tagahanga ng mga racing game, naramdaman namin na parang tungkulin naming ibalik ang Screamer,” sabi ni Cardini. “Ang unang Screamer ay namumukod-tanging game dahil wala talagang ibang game na katulad nito sa PC. Habang gustong i-expand ng bagong game kung ano ang kayang ibigay ng racing games bilang genre: Nag-develop na ng malalim na kuwento, bagong gameplay mechanics, iba't ibang uri ng paghawak sa twin stick system, at marami pang iba para mamukod-tangi ang game na ito mula sa iba pang racing game.”

Naniniwala rin ang Milestone na kayang makaugnayan ng Screamer ang mga player na hindi tradisyonal na tagahanga ng racing. Maaari itong maging isang malaking hamon, dahil sa twin stick controls ng racing game: kaliwang stick para lumiko, kanang stick para mag-drift. Maiisip ko na matatagalan bago masanay sa hindi nakaugaliang control scheme na ito, na may Echo system na nagpapakumplikado rin sa racing. Ito ang matagal nang problema na kinakaharap din ng genre ng fighting games: ang matinding learning curve ng karamihan ng fighting game ay hadlang sa accessibility para sa mga bagong player. 

Pero, kumpiyansa ang studio na magiging mas intuitive pa ang sistemang ito sa paglipas ng panahon.

“Habang maraming pamilyar na bagay na makikita ang fans ng racing, hinihikayat namin ang mga taong hindi karaniwang mahilig sa ganitong uri ng game na subukan ang Screamer,” sabi ni Cardini. Para naman sa fans ng racing na naghahanap ng iba pa na magpapakontento sa hinahanap nilang speed, naniniwala siya na magugustuhan din nila ang tactical depth ng Screamer. “Kung naiinip ka na sa kasalukuyang mga racing game o kung naitanong mo na sa sarili mo kung ano pa ba ang magagawa ng mga racing game, subukan na ang game na ito. Sigurado kaming magugulat ka rito!”

Dahil sa nakakatuwang mix ng matutuling sasakyan, melodrama, at pambihirang style sa Screamer, nagmumukhang iba ang reboot mula sa orihinal. Pero ang isang bagay na nanatili pa rin sa Milestone mula sa mga classic na Screamer game ay ang paraan kung paano ito nagpapasabik sa mga race track sa pamamagitan ng sobrang pag-rev ng makina, nakakamanghang bilis, at mahusay na pag-drift. Mahalagang magsaya habang nakikipagkarera, pero mahalaga ring magkaroon ng sense of accomplishment mula sa paggawa nito. 

“Ito ay isang game na nagbibigay ng reward sa paulit-ulit na paglalaro nang walang anumang retention mechanics batay sa pangambang mawalan ng pagkakataon, tulad ng mga arcade game noong dekada '90s,” sabi ni Cardini. Sa madaling salita, hindi kailangang mag-log in araw-araw o halos araw-araw para lang mangolekta ng puntos o anumang uri ng currency. “Isa itong pakiramdam na nawala na sa mga nakaraang taon, at gusto namin itong ibalik.”

Darating na angScreamer sa Epic Games Store sa huling bahagi ng buwang ito.