Balita

Libre ngayong linggo ang Teacup sa Epic Games Store para sa mobile

D
Dave Tach
May 7, 2026
Mula May 7 – 14, 2026 sa Epic Games Store mobile app, puwede mong i-download ang Teacup nang libre sa Android sa buong mundo at sa iOS sa European Union.

* Tandaan: Posibleng hindi available sa lahat ng rehiyon
FIL EGS 3PFreeGames Mobile Spring2025 EditorialBanner 3840x632
Teacup 2

Teacup

Smarto Club

Ang Teacup ay isang game tungkol sa isang mahiyaing munting palakang Teacup ang pangalan, na host ng isang tea party...pero wala naman siyang tsaa, kaya magsisimula siyang makipagsapalaran. 

Non-linear ang diskarte ng progress sa game na ito. Ibig sabihin, magpopokus ka sa pakikipag-usap sa mga karakter, sa paglutas ng simpleng puzzles, paglalaro ng minigames, at paglabas sa comfort zone mo. Ie-explore mo ang mga kakahuyan sa labas ng bahay ni Teacup habang namamasyal sa mga lugar tulad ng pond, meadow, at pati na sa mataong palengke. Sa paglalakbay mo, may makikilala kang isang makulay na grupo ng mga karakter na parang tao, at ang ilan sa kanila ay magugulat na makita ka sa labas ng bahay mo. 

Higit pa sa simpleng pagiging mahiyain ang pagiging introvert ni Teacup, at ang paglalakbay niya ay hindi lang tungkol sa paghahanap ng tsaa at paglalagay ng laman sa backpack at pantry niya. Kahit na mahalaga din naman iyon, tungkol pa rin ito sa pakikipag-ugnayan sa iba at sa pagtuklas ng magagandang bagay na puwedeng mangyari kapag naging matulungin ka. 

I-download na ang Teacup nang libre ngayong araw sa mobile, at tingnan ang Epic Games Store para i-explore ang lumalaki nitong catalog. At kung interesado ka sa iba pang mga feature, gabay, at balita tungkol sa lahat ng bagay na may kinalaman sa video games, tingnan din ang page ng balita ng Epic Games Store.