Ilagay ang petsa ng kapanganakan mo para magpatuloy
Tingnan ang aming patakaran sa pagkapribado
Alan Wake 2
Alan Wake 2: Ang Nanalo sa Laro ng Taon sa Time Magazine; Laro ng Taon sa Washington Post; Pinakamahusay na Direksyon ng Laro, Pinakamahusay na Direksyon ng Sining at Pinakamagandang Kuwento sa The Game Awards; at Critics' Choice Award ng Golden Joystick.
Sunod-sunod na ritwalistikong pagpatay ang gumugulo sa Bright Falls, isang tahimik na komunidad sa gitna ng kagubatan ng Pacific Northwest. Dumating si Saga Anderson, ang pinagpipitagang ahente ng FBI na may reputasyon sa paglutas sa mga mahihirap na kaso, para imbestigahan ang mga pagpatay. Lalong lumalala ang kaso ni Anderson nang matagpuan niya ang mga pahina ng isang nakakatakot na kuwento na unti-unting nagkakatotoo sa harap niya.
Si Alan Wake, isang nawawalang manunulat na nakakulong sa isang bangungot sa labas ng ating mundo, ay sumulat ng isang madilim na kuwento sa pag-asang mabago ang realidad sa kanyang paligid at makatakas sa kanyang bilangguan. Habang tinutugis ng isang madilim na halimaw, sinusubukan ni Wake na panatilihin ang kanyang katinuan at talunin ang demonyo sa sarili nitong laro.
Sina Anderson at Wake ay dalawang bayani sa dalawang magkaibang realidad, kapwa nasa desperadong paglalakbay, ngunit konektado sa di-maipaliwanag na paraan: salamin ng isa’t isa, kaalingawngaw ng isa’t isa, at may epekto sa mga mundong kanilang ginagalawan.
Dahil sa nakakatakot na kuwento, isang supernatural na kadiliman ang sumasalakay sa Bright Falls na tumatakot sa isipan ng mga taga-roon at inilalagay sa panganib ang mga mahal sa buhay nina Anderson at Wake. Ang ilaw ang armas nila—at ligtas na kanlungan — laban sa kinakaharap nilang kadiliman. Sa loob ng isang nakakatakot na kuwento kung saan tanging mga biktima at halimaw lang ang umiiral, kaya ba nilang kumawala at maging mga bayani na kinakailangan nilang maging?
Lutasin ang Nakamamatay na Misteryo
Ang nagsimulang imbestigasyon sa pagpatay sa maliit na komunidad ay naging kahindik-hindik na paglalakbay. Alamin ang pinagmumulan ng mahimalang kadiliman sa sikolohikal na kuwento ng katatakutang puno ng matinding kaba at hindi inaasahang mga twist.
Maglaro bilang Dalawang Karakter
Maranasan ang mga kuwento ng parehong sina Alan Wake at Saga Anderson at alamin ang mga kaganapang nangyayari mula sa iba’t ibang perspektiba. Lumipat sa pagitan ng matinding laban ni Anderson para malutas ang kaso at ng desperadong pagtatangka ni Wake na muling isulat ang kanyang realidad upang makatakas mula sa kailaliman ng Dark Place.
Tuklasin ang Dalawang Mundo
Damhin ang dalawang maganda ngunit nakakakilabot na mundo, na ang bawat isa ay may sarili nitong mayaman na hanay ng mga karakter at nakakatakot na mga banta. Tuklasin ang mga napakagandang lupain ng Cauldron Lake sa Pacific Northwest at ang magagandang bayan ng Bright Falls at Watery. Sa matinding pagkakaiba, subukang makatakas mula sa bangungot na lungsod ng Dark Place.
Manatiling Buhay Gamit ang Ilaw
Nang may mga limitadong mapagkukunan, harapin ang mga makapangyarihan at mahihimalang kalaban sa desperadong malapitang labanan. Higit pa sa baril ang kailangan para manatiling buhay: ilaw ang pangunahing armas sa pakikipaglaban sa kadiliman at magiging kanlungan mo kapag mauungusan ka ng mga kalaban.
Mga Available na Achievement
Mga Edisyon ng Alan Wake 2
DLC at Mga Add-On ng Alan Wake 2
Mga Rating ng Player sa Epic
Nakuha mula sa mga player sa ecosystem ng Epic Games.
4.8
Ang larong ito ay may
Ang larong ito ay may
Ang larong ito ay
Ang larong ito ay
Ang larong ito ay may
Ang larong ito ay may
Mga Rating at Review para sa Alan Wake 2
93 %
Inirerekomenda ng Mga Kritiko89
Pinakamataas na Average ng KritikoPambihira
Rating ng OpenCritic
Kinakailangan sa System ng Alan Wake 2
Minimum
Inirerekomenda
Windows OS
Windows 10/11 64-bit
Windows OS
Windows 10/11 64-bit
Processor ng Windows
Intel i5-7600K o AMD na katumbas
Processor ng Windows
Ryzen 7 3700X o Intel na katumbas
Memory ng Windows
16 GB
Memory ng Windows
16 GB
Storage ng Windows
SSD na may 90 GB na libreng espasyo
Storage ng Windows
SSD na may 90 GB na libreng espasyo
Graphics ng Windows
GeForce GTX 1070 / Radeon RX 5600 XT
Graphics ng Windows
GeForce RTX 3060 / Radeon RX 6600 XT
Mga Kinakailangang Account sa Pag-log in
Epic Games
Mga Wikang Sinusuportahan
AUDIO: Ingles, German, Espanyol - Espanya, Hapon, French | TEXT: Ingles, German, French, Espanyol - Espanya, Espanyol - Latin America, Hapon, Italyano, Chinese - Simplified, Chinese - Tradisyonal, Ruso, Ukrainian, Polish, Koreano, Portuguese - Brazil
Binuo ang Alan Wake 2 ng Remedy Entertainment Plc at nilathala ng Epic Games Inc. Copyright © Remedy Entertainment Plc 2023. Ang "Alan Wake" ay trademark ng Remedy Entertainment Plc, na nakarehistro sa Estados Unidos at iba pang mga bansa. Nakalaan ang lahat ng karapatan.
Patakaran sa Pagkapribado (Magbubukas ng bagong tab)
