Assassin's Creed Black Flag Resynced

Nagbabalik ang iconic na solo pirate adventure. Maglayag sa Caribbean bilang si Edward Kenway sa Golden Age ng Piracy sa faithfully enhanced na remake na ito kung saan tampok ang nakakabilib na visuals, upgraded na gameplay, at bagong content.

Assassin's Creed Black Flag Resynced

I-prepurchase ngayon at makakuha ng eksklusibong Blackbeard's Crimson Pack bonus. May kasamang costume para kay Edward, isang espada, at isang pistol.

MAGING KINAKATAKUTANG PIRATA

Magtanim ng takot sa iyong mga kalaban habang sinasakyan at pinalulubog ang mga barko ng kalaban bilang si Edward Kenway, ang kapitan ng Jackdaw. Humalo man sa mga tao o mamuno sa mapapangahas na pag-atake, magpalipat-lipat sa mga tahimik na pagpaslang at mabangis na pakikipaglaban habang walang kahirap-hirap na gumagamit ng mga espada, pistol, at Hidden Blade. Kasama ang hanay ng mga maalamat na pirata sa kasaysayan sa iyong panig, labanan ang mga imperyo sa gitna ng napakatagal nang pakikipaglaban sa mga Assassin at Templar.

ISANG CLASSIC NA MULING BINUO PARA SA MAS PINAGANDANG EXPERIENCE

Muling binuo ang combat para sa mga mas dynamic na labanan, na nagbibigay-diin sa mga pagsalag at pagpaslang, habang pinahusay naman ang stealth at parkour para sa mga mas swabeng pagtakas at pagpaslang. Tuloy-tuloy na i-upgrade ang Jackdaw para harapin ang mga malalakas na barko ng kalaban nang may enhanced na naval mechanics na nagtatampok ng mga bagong alternate fire mode. Nilulutas din ng mga idinagdag na quality-of-life ang mga problema. Siguradong mapapaganda nito ang experience mo.

ANG CARIBBEAN NA WALANG KATULAD

Naglalayag ka man sa malalawak na karagatan o naglalakbay sa mga masusukal na lupain, tumuklas ng seamless na open world na binuo gamit ang pinakabagong Anvil engine. Maaliw sa magagadang tanawin habang sinasagupa ang masungit na karagatan, sisirin ang mga sirang barko sa ilalim ng dagat, o makipagsapalaran sa makakapal na tropikal na kagubatan. Dahil pinahusay ng mga feature gaya ng Dolby Atmos at ray tracing, mas immersive na ang bawat eksena, na nagbibigay-buhay sa kagandahan ng mundo.

PAGPAPALAWAK SA PAKIKIPAGSAPALARAN NI EDWARD

Sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng orihinal na kuwento, magpapakilala ang Assassin's Creed Black Flag Resynced ng eksklusibo at bagong content. Nagbabalik ang mga dating character, na may mga bagong kuwentong nakalaan para sa mga character na paborito ng fans gaya nina Blackbeard at Stede Bonnet. Magkukrus din ang iyong landas at ng mga hindi inaasahang kakampi, dahil sasamahan ka ng tatlong opisyal sa iyong paglalakbay bilang bahagi ng pangunahing kuwento. Mas maraming sorpresa ang naghihintay gaya ng mga bagong sea shanty, alagang hayop, at photo mode, at marami pang iba.

Mga Edisyon ng Assassin's Creed Black Flag Resynced

Kinakailangan sa System ng Assassin's Creed Black Flag Resynced

Minimum

Inirerekomenda

OS

Windows 10 (64 bit only), Windows 11

OS

Windows 10 (64 bit only), Windows 11

Processor

Intel Core i7-8700K 3.7 GHz, AMD Ryzen 5 3600 3.6 GHz

Processor

Intel Core i5-10600K 4.1 GHz, AMD Ryzen 5 3600 3.6 GHz

Memory

16GB (Dual-channel setup)

Memory

16GB (Dual-channel setup)

Storage

65 GB (kailangan ng SSD)

Storage

65 GB (kailangan ng SSD)

Graphics

NVIDIA GeForce GTX 1660 (6GB), AMD Radeon RX5500XT (8GB), o Intel ARC A580 (8GB)

Graphics

NVIDIA GeForce RTX 3060 (12GB),AMD Radeon RX6600XT (8GB), o Intel ARC B580 (12GB)

Mga Kinakailangang Account sa Pag-log in

Ubisoft

Mga Wikang Sinusuportahan

  • AUDIO: Ingles, Italian, French, German, Espanyol, Japanese, Portuguese - Brazil, Simplified Chinese TEXT: Ingles, Italian, French, German, Espanyol, Arabic, Japanese, Portuguese - Brazil, Simplified Chinese, Traditional Chinese, Korean, Polish, Russian

© 2026 Ubisoft Entertainment. All Rights Reserved. Assassin’s Creed, Black Flag, Ubisoft, and the Ubisoft logo are registered or unregistered trademarks of Ubisoft Entertainment in the US and/or other countries.

* Ang pinakamababang presyong iniaalok sa Epic Games Store sa huling 30 araw bago ang diskuwento