Ano ang Grace Ashcroft Outfit?
Ang Grace Ashcroft Outfit ay isang in-game cosmetic na maaari mong gamitin sa Fortnite simula sa Pebrero 27, 2026 at 1pm GMT+8.
Paano ko makukuha ang Grace Ashcroft Outfit?
Ang anumang pag-prepurchase o pagbili ng Resident Evil Requiem sa Epic Games Store simula sa Oktubre 30, 2025 6am GMT+8 ay magbibigay sa iyo ng Grace Ashcroft Outfit sa Fortnite mula Pebrero 27, 2026 ng 1pm GMT+8.
Sa pagla-launch ng laro sa Pebrero 27, 2026 ng 1pm GMT+8, ang mga user na bibili ng Resident Evil Requiem ay bibigyan din ng Grace Ashcroft Outfit sa Fortnite. Siguruhin lang na bibili ka ng Resident Evil Requiem gamit ang parehong Epic account na ginagamit mo para maglaro ng Fortnite.
Mabibili rin ang Grace Ashcroft Outfit nang hiwalay sa Fortnite Shop simula Marso 1, 2026 ng 8am GMT+8 hanggang sa Marso 8, 2026 ng 7.59am GMT+8.
Kung bibili ako ng Resident Evil Requiem sa Epic Games Store, lalabas din ba ang Grace Ashcroft Outfit sa aking Fortnite Locker sa ibang mga platform? (PlayStation, Xbox, Nintendo, PC atbp.)
Oo! Kung naka-sign in ka gamit ang iyong Epic account sa PC o mobile, o nai-connect mo ang iyong (mga) console account sa iyong Epic account, ang Grace Ashcroft Outfit ay naroon sa iyong Fortnite Locker simula sa Pebrero 27, 2026 ng 1pm GMT+8.
Ano ang mangyayari kung nabili ko na ang Grace Ashcroft Outfit sa Fortnite Item Shop, pagkatapos ay bibili ako ng Resident Evil Requiem sa Epic Games Store?
Kung nabili mo na ang Grace Ashcroft Outfit, tatanggap ka ng grant sa loob ng Fortnite na 1,500 V-Bucks sa halip na ang Grace Ashcroft Outfit.
Makukuha ko ba ang Grace Ashcroft Outfit kung ire-refund ko ang aking pagbili ng Resident Evil Requiem sa Epic Games Store?
Kung iri-refund mo iyong pagbili ng Resident Evil Requiem sa Epic Games Store, mawawala ang iyong Grace Ashcroft Outfit sa Fortnite kung nakuha mo ito sa pagbili ng Resident Evil Requiem.
Gaano katagal available ang offer na ito?
Ang Grace Ashcroft Outfit sa Fortnite ay available hangga't ibinibenta pa ang Resident Evil Requiem sa Epic Games Store.
Paano ako makakalaro ng Fortnite?
Mag-download at maglaro ng Fortnite mula sa mga sumusunod:
● PC - Fortnite.com/download
● PlayStation - PlayStation Store
● Xbox - Microsoft Store
● Nintendo Switch - Nintendo eShop
● Nintendo Switch 2 - Nintendo eShop
● Android - Epic Games Store sa mobile
● iPhone:
○ Kung nakatira ka sa United States (US), ang Fortnite ay available sa App Store.
○ Kung nakatira ka sa European Union (EU), ang Fortnite ay available sa Epic Games Store sa mobile. Ang iPhone user sa EU ay maaari ring maglaro ng Fortnite sa AltStore PAL.
○ Kung hindi ka nakatira sa US o EU, ang Fortnite ay hindi available para i-download sa iPhone sa ngayon.
● iPad:
○ Kung nakatira ka sa United States (US), ang Fortnite ay available sa App Store.
○ Kung nakatira ka sa European Union (EU), ang Fortnite ay available sa Epic Games Store sa mobile. Ang mga iPad user sa EU ay maaari ring maglaro ng Fortnite sa AltStore PAL.
○ Kung hindi ka nakatira sa US o EU, ang Fortnite ay hindi available para i-download sa iPad sa ngayon.
Maaari mo ring laruin ang Fortnite sa cloud streaming (a.k.a. cloud gaming):
● Xbox Cloud Gaming
● NVIDIA GeForce NOW
● Amazon Luna