No More Room in Hell 2
Ilagay ang petsa ng kapanganakan mo para magpatuloy
Tingnan ang aming patakaran sa pagkapribado
No More Room in Hell 2
Isa itong Maagang Access na Laro
Ang mga Maagang Access na laro ay idine-develop pa at posibleng lubos na magbago sa paglipas ng panahon. Bilang resulta, posible kang makaranas ng mga hindi inaasahang isyu o bagong-bagong elemento sa paglalaro habang nilalaro mo ang game na ito.Puwede kang maglaro ngayon para maranasan ang game habang binubuo ito o maghintay hanggang mag-alok ito ng mas kompletong karanasan.TUNGKOL SA LARO
Sa No More Room in Hell 2, ikaw ay isang emergency Responder na mapapasubo sa nakakatakot na kadiliman ng iba't ibang lokasyong puno ng mga zombie. Samahan ang iba para kumpletuhin ang mahahalagang misyon para makatulong sa survival ng sangkatauhan. Pero mag-ingat: ang bawat encounter sa horde ay puwedeng humantong sa impeksyon - o kahit permadeath para sa iyong Responder. Mahirap ang bawat laban, at sa bawat tagumpay ay makakaurong ka sa bingit ng apocalypse.
UMAATIKABONG 8 PLAYER CO-OP
Kailangang gamitin ng walong player ang kanilang talino at nakamamatay na reflexes para maka-survive laban sa walang humpay na hukbo ng undead. Hanapin ang iyong teammates gamit ang proximity voice chat at sabay-sabay na maging mas malakas. Komunikasyon at estratehiya ang susi sa survival habang kinakaharap ninyo ang napakaraming banta– lalo pa't napakakaunti ng mga resource na maaari ninyong ibahagi sa isa't isa. Gamitin ang bawat estratehiya at tool na magagamit ninyo upang isahan ang horde at makaligtas. Makakaapekto ang bawat desisyon at aksiyon ninyo sa magiging reaksiyon ng horde. Maaari itong mauwi sa malulubhang pangyayari o humantong sa pagkamatay ng iyong Responder at pagkawala ng kanyang indibidwal na progress.
DALAWANG NATATANGING GAME MODE
Sa Scenario Mode, sasabak ang mga Responder sa gitna ng outbreak para mag-ipon ng mga armas, kumpletuhin ang mahahalagang objective, at mangalap ng supplies. Saksihan kung paano naapektuhan ng bagong apocalypse ang Northeast Coast ng United States sa 6 na napakadetalyadong map, kung saan nagbibigay ang bawat isa ng ibang perspective ng paggunaw ng lipunan. Mula sa mga urban center ng Lewiston, Maine at Broadway sa New York, hanggang sa industrial outskirts ng Pennsylvania at mga pasilidad tulad ng Beaulieu Hospital at isang Bunker ng gobyerno; ang bawat locale ay may ibang oras ng araw at mga themed objective na kukumpletuhin. Maghanap ng gear sa daan na tutulong sa iyong survival at magpapanumbalik sa imprastrakturang kailangan para mabuhay ang sangkatauhan.
PERMADEATH AT IMPEKSYON
Sa bawat misyon, may panganib na mamatay ang iyong character - habambuhay. Puwede kang ma-infect ng undead at puwede kang mabaliw, kaya kailangan mong magmadali para makahanap ng pills o gene therapy cure - bago bumangon ang iyong bangkay at atakihin ang iyong mga kakampi. Palaging makikinabang ang iyong crew sa pag-loot ng supplies, pero kailangang mabuhay ng iyong Responder para makuha ang lahat ng rewards. Para sa bawat matagumpay na misyong makukumpleto mo, mas malaki ang tsansa mong makaligtas dahil sa upgraded starting gear at perks na nakukuha sa mga dati mong karanasan. Itataya mo ba ang buhay ng character mo para iligtas ang isang squad member? Mas malaki ang rewards kapag mas maraming squadmates ang nakaka-extract, pero palaging may panganib ng permadeath.
ISANG DYNAMIC AT REACTIVE HORDE
Kung puwede nang maging banta ang isang zombie, baka hindi na kayang talunin ang isang crowd. May senses pa rin ang undead, at ang bawat tunog na nagagawa mo bagama't tahimik at madilim ay puwede pa ring mauwi sa bakbakan. Marami ang uri ng zombie, kaya kailangan mong maging magaling, kundi ay mamamatay ka - at mapapabilang sa undead horde ang iyong responder.
BUMUO NG ARSENAL
Bihira na lang ang bala, delikado ang zombies, at madaling mamatay ang players. Makaranas ng thrilling survival horror na may iba't ibang sandata - ang ilan ay propesyunal, ang ilan ay imbento lang - para itaboy at isahan ang undead. Magbaon ng crowbar sa bungo ng isang walker sa madugong melee combat, o iputok ang huling bala ng shotgun mo sa sumusugod na horde. Ang dynamic gore system ay nagbibigay-daan sa iyong makita at maramdaman ang bawat kadiring impact ng bawat sugat na binibigay mo sa undead. Manatiling buhay sa pamamagitan ng pagplano sa iyong combat encounters, gamit ang mga tool tulad ng proximity bombs o molotov cocktails para maisahan ang horde. Mag-equip ng weapon attachments, kasama na ang sights, scopes, at suppressors, para gawing mas mabisa ang mga baril. Palawakin ang skillset ng iyong Responder sa maraming misyon, kung saan mas lalong gumagaling ang kanyang abilities sa bawat extraction na nagbubunga ng natatanging perks na nagbibigay-daan sa crafted loadouts para sa mga deployment sa hinaharap.
Mga Available na Achievement
Mga Edisyon ng No More Room in Hell 2(2)
DLC at Mga Add-On ng No More Room in Hell 2
Mga Rating ng Player sa Epic
Nakuha mula sa mga player sa ecosystem ng Epic Games.
3.9
Ang larong ito ay
Ang larong ito ay may
Ang larong ito ay may
Ang larong ito ay may
Ang larong ito ay
Kinakailangan sa System ng No More Room in Hell 2
Minimum
Inirerekomenda
OS version
Windows 10, 64-bit
OS version
Windows 10, 64-bit
CPU
Intel Core i5-6600, Ryzen 3 1200
CPU
Intel Core i7-10700K, Ryzen 5 5500GT
Memory
12 GB
Memory
16 GB
GPU
GeForce GTX 1650 - 4 GB, Radeon RX 570 - 4 GB, Intel Arc 580
GPU
GeForce RTX 2070 - 8 GB, Radeon RX 5700 XT - 8 GB
DirectX
DirectX 12
DirectX
DirectX 12
Storage
35 GB
Storage
35 GB
Mga Kinakailangang Account sa Pag-log in
Epic ID
Mga Wikang Sinusuportahan
Audio: English
Text: English
Copyright Torn Banner Studios Inc. All Rights Reserved.
Patakaran sa Pagkapribado (Magbubukas ng bagong tab)




