Tom Clancy’s Rainbow Six Tactics

Isang turn-based tactical game ang Tom Clancy's Rainbow Six Tactics sa R6 universe. Pamunuan ang mga operator squad sa mga tensiyonadong laban, magsagawa ng mga synchronized breach, samantalahin ang mga pagkawasak, at magbunyag ng conspiracy.

Mga Genre

Mga Tampok

Tom Clancy’s Rainbow Six Tactics

Isang pandaigdigang conspiracy ang magtutulak sa Rainbow Six na bumalik sa bakbakan, at bilang bagong talagang commander, kailangan mong matuklasan at buwagin ang isang shadow organization na nagpapakilos sa mga armadong grupo sa buong mundo.

PAMUNUAN ANG IYONG RAINBOW UNIT SA MGA PANDAIGDIGANG OPERASYON

Bilang bagong commander ng Rainbow unit, bumuo ng squad ng apat mula sa roster ng mga iconic na Rainbow Six Siege operator na may kanya-kanyang unique ability, gear, at mga tactical possiblity, mula sa mga eksplosibong breaching tool hanggang sa mga advanced recon gadget. Pamunuan sila sa dose-dosenang natatanging misyon sa buong mundo, mula sa mga sentro ng lungsod hanggang sa mga paliparan, liblib na mga warehouse, o mga offshore oil platform.

MAGLUNSAD NG MGA HIGH-STAKE STRATEGIC MISSION

Sumabak sa tensiyonado't turn-based na mga taktikal na laban para magligtas ng mga hostage, mag-defuse ng mga bomba, o pumatay ng mga high-value target. Tiktikan ang lugar ng laban gamit ang mga drone at samantalahin ang nasisirang environment para gumawa ng mga bagong daan, magbukas ng mga di-inaasahang line of sight, o wumasak ng panangga ng kalaban at maglantad ng mga banta.

PLANUHIN ANG PERPEKTONG PANLOLOOB

Mag-set up ng mga komplikado at squad-level na sequence at maglunsad ng mga synhcronized strike gamit ang Breach feature. Panoorin ang estratehiya mong naisasakatuparan sa explosibong paraan ng Rainbow Six. I-coordinate ang mga operator ability gamit ang nasisirang environment para maplano ang perpektong panloloob: mang-outflank, manggulat, at pumatay ng mga banta nang may precision, at gawing advantage ang matitinding engkuwentro.

I-UPGRADE ANG IYONG HQ AT PAHUSAYING ANG IYONG SQUAD

Pagandahin ang performance sa field sa pamamagitan ng pag-develop ng iyong mga HQ department. Sanayin ang iyong mga operator na i-upgrade ang kanilang skillset, pamahalaan ang kanilang health, at i-customize ang kanilang loadout. Mangalap ng intel para mapausad ang iyong imbestigasyon at magsagawa ng mahihirap at estratehikong desisyon para manguna sa lumalalang pandaigdigang banta.

Kinakailangan sa System ng Tom Clancy’s Rainbow Six Tactics

Minimum

Inirerekomenda

OS

TBA

OS

TBA

Processor

TBA

Processor

TBA

Memory

TBA

Memory

TBA

Storage

TBA

Storage

TBA

DirectX

TBA

DirectX

TBA

Mga Kinakailangang Account sa Pag-log in

Ubisoft

© 2026 Ubisoft Entertainment. All Rights Reserved. Tom Clancy’s, Rainbow Six, the Soldier Icon, Ubisoft, and the Ubisoft logo are registered or unregistered trademarks of Ubisoft Entertainment in the US and/or other countries.

* Ang pinakamababang presyong iniaalok sa Epic Games Store sa huling 30 araw bago ang diskuwento