Train Sim World® 6: Bahnstrecke Bremen - Oldenburg
Mga Genre
Mga Tampok
Train Sim World® 6: Bahnstrecke Bremen - Oldenburg
Nilabas ang TSW Compatible na content para sa naunang Train Sim World® - maaaring manatiling pareho ang mga feature mula sa orihinal na bersyon at maaaring hindi ginamitan ng lahat ng mas bagong pangunahing feature.
Bumalik sa huling bahagi ng dekada 2000 at maranasan ang madalas na biyahe ng mga pampasaherong tren at mabibigat na kargamento, ikaw ang may kontrol sa mga klasiko at modernong makina habang tinatahak ang puso ng Hilagang Germany. Electric Containers at n-Wagens ang naghihintay sa Train Sim World 3: Bahnstrecke Bremen - Oldenburg.
Hindi matatawaran ang kasikatan ng aerodinamikong DB BR 110.3 na ngayon ay unang beses na ipinakikilala sa Train Sim World 3. Isa itong klasiko mula dekada ‘50, ang DB BR 110.3 ay dating express passenger locomotive na sa mga nakalipas na taon ay nagseserbisyo sa mga lokal at rehiyonal na biyahe. Kasabay ng tinaguriang “Crease” ang retro na n-Wagen, isang single-deck na plota ng mga coach ng pasahero na may kasamang Karlsruher Kopf cab car para sa push at pull na mga pagpapatakbo sa linya.
Kasama ng makulay na klasiko ay ang modernong dating ang makintab na DB BR 425, handang-handa sa pagbibigay ng dagdag na serbisyo. Para naman sa kargamento, naroon ang kapansin-pansing BR 155 na may matitingkad na asul na kulay ng PRESS – ang kompanyang riles na kumakarga ng kinontratang kargamento sa buong Germany at sa labas nito.
Itinakda sa huling bahagi ng dekada 2000, tampok sa Bahnstrecke Bremen - Oldenburg ang linya bago pa ito maging bahagi ng Bremen S-Bahn, muling binubuhay ang mga serbisyo at tren na nawala sa paglipas ng panahon. Abangan ang nakatindig na “Rollklappbrücke” sa Oldenburg, ang Bascule Bridge na tumatawid sa ilog Hunte, na itinataas at ibinababa upang makadaan ang mga tren at gabara.
Sakyan at imaneho ang mga pampasahero at kargamentong tren sa malalawak na tanawin ng Hilagang Germany, kumpletuhin ang mga gawain sa ruta, o kaya nama’y mag-trainspotting mula sa paborito mong puwesto. I-customize ang sarili mong karanasan gamit ang Scenario Planner at Livery Designer at ibahagi ito sa Creators Club.
Mga Pangunahing Feature:
44 km na rutang nag-uugnay mula Bremen Hbf hanggang Oldenburg Hbf na nakatakda sa huling bahagi ng dekada 2000
Tampok dito ang DB BR 110.3 na electric locomotive at ang Karlsruher Kopf n-Wagens sa DB Red na disenyo
PRESS BR 155 na electric locomotive sa PRESS Blue na disenyo
Tadgs, Habbins at Laaers mga bagon ng kargamento
DB BR 425 EMU sa DB Red na disenyo
AI-Only Barge para sa trapiko ng ilog ng Hunte (tugma ang Livery Designer)
Lubos na detalyado’t mayaman sa feature na minamanehong cab
Makatotohanang performance at kontrol
Naa-access na Mga Tutorial sa Sentro sa Pagsasanay
Kabilang ang 6 na Senaryo at malawak na 24 na Oras na Timetable
Journey Mode na nag-uugnay sa Pagsasanay, Mga Senaryo at mga Na-Timetable na Serbisyo
Mga Gawain sa Ruta na maaaring tapusin
Tugma sa Livery Designer at Scenario Planner. Ibahagi ang iyong mga likha sa Creators Club.
Pinapatakbo ng natatanging dinamikong engine ng sasakyan na SimuGraph® ng Dovetail Games at ng teknolohiya ng Unreal Engine 4®
Kinakailangan sa System ng Train Sim World® 6: Bahnstrecke Bremen - Oldenburg
Minimum
Inirerekomenda
Windows OS
64-bit Windows 8.1, 10 o Windows 11
Windows OS
64-bit Windows 8.1, 10 o Windows 11
Processor ng Windows
Intel Core i5-4690 @ 3.5 GHz o AMD Ryzen 5 1500X @ 3.7 GHz
Processor ng Windows
Intel Core i5-9600K @ 3.7 GHz o AMD Ryzen 5 3600 @ 3.6 GHz
Memory ng Windows
8 GB
Memory ng Windows
16 GB
Storage ng Windows
35 GB
Storage ng Windows
80 GB
Windows Direct X
DirectX Bersyon 10
Windows Direct X
DirectX Bersyon 10
Graphics ng Windows
NVIDIA GeForce GTX 750 Ti o AMD Radeon RX 460 na may 2 GB VRAM o higit pa
Graphics ng Windows
NVIDIA GeForce RTX 2060 6 GB o AMD Radeon RX 5700 na may 8 GB VRAM o higit pa
Windows Iba pa
Nangangailangan ng mouse at keyboard o Xbox Controller
Windows Iba pa
Nangangailangan ng mouse at keyboard o Xbox Controller
Mga Kinakailangang Account sa Pag-log in
Epic Games
Mga Wikang Sinusuportahan
Audio: Ingles, French, German
Test:Ingles, French, German, Espanyol- Espanya, Italyano, Chinese - Pinasimple, Ruso, Polish, Hapon
©Dovetail Games, a trading name of RailSimulator.com Limited (DTG). Dovetail Games and Train Sim World are trademarks or registered trademarks of DTG. All other trademarks are the property of their respective owners and are used here with permission. Developed and published by DTG. Maaaring ma-access ang buong listahan ng kredito mula sa menu ng TSW Options.
Patakaran sa Pagkapribado (Magbubukas ng bagong tab)