Train Sim World® 6: Expert DB BR 145

Harapin ang susunod mong hamon at sumakay na sa ultimate level ng simulation sa Expert DB BR 145 mula sa TSG! Oras na para magkaroon ng study-level rendition ang freight sa Train Sim World 6, na may kumpletong suite ng mga feature na ngayon pa lang natin makikita!

Train Sim World® 6: Expert DB BR 145

Mula sa talento ng TSG na naghatid ng Expert DB BR 101; harapin ang susunod mong hamon at sumakay na sa ultimate level ng simulation sa Expert DB BR 145! Oras na para magkaroon ng study-level rendition ang freight sa Train Sim World 6, na may kumpletong suite ng mga feature na ngayon pa lang natin makikita!

Isang yugto ng pagbabago ang dekada '90 para sa mga riles sa Germany, kung saan pinalitan na ang classic traction ng mga bagong henerasyon ng motive power, at maraming manufacturer na may magkakasalungat na paniniwala ang pinagsasama-sama sa ilalim ng Adtranz. Habang nakuha ng mga intercity na tren ang BR 101, na orihinal na ABB design, isa sa mga bagong dating para sa freight haulage ang BR 145, na hango sa isang prototype ng AEG, ang BR 128.

Sa kabuuan, 103 BR 145 ang binuo mula 1997 hanggang 2000, ang makinis na exterior ng mga ito ay kaibang-kaiba sa kanto-kantong hugis ng nagdaang henerasyon. Samantala sa ilalim ng hood, sa mga makabagong screen sa cab at malalakas na asynchronous electric motor, sinimulan nila ang pagbabago ng cargo-hauling fleet ng Europe na siyang nagsilbing inspirasyon sa disenyo ng iconic na TRAXX family.

Sa Train Sim World 6, tampok sa Expert DB BR 145 ng TSG ang lahat ng gustong-gusto mo mula sa 101 pati na ang kumpletong internal simulation na may machine room, mga interactive fuse at fault simulation, pero hindi lang 'yon! BAGONG-BAGO sa BR 145, magpaka-busy rin sa labas ng locomotive sa Expert Coupling; umakyat sa pagitan ng loco at mga bagon, kunin ang chain at ikaw mismo ang magkalang nito - huwag kalimutang ikabit ang mga brake pipe! Nakakaapekto rin sa exterior ang simulation ng temperatura; baka kailangan mong tunawin ang yelo sa mga preno sa taglamig. Sini-simulate na rin ngayon ang mga external fuse.

Tampok sa BR 145 hindi lang ang karaniwang Deutsche Bahn livery, pero pati na rin ang RBH blue - na isang bagong brand ng freight para sa Train Sim World. Kasama rin ang “NV” variant ng DB BR 145 na kumakatawan sa limitadong paggamit sa mga ito bilang mga pampasaherong locomotive. Tampok din ang bagong-bagong T3000e container flats, kasama ng mga Expert-upgraded na mga bersiyon ng existing at karaniwang bagon; ang Zacns, Habbiins at Sggmrss 90.

**Pakitandaan: Para sa kumpletong karanasan, inirerekomenda naming magkaroon ka ng Bahnstrecke Leipzig - Dresden na hiwalay na mabibili. **

Mga Pangunahing Feature

  • BR 145 electric locomotive sa DB red at RBH blue livery

  • Parehong kasama ang freight at passenger variant, kung saan ang passenger variant ay may kasamang destination board equipment at mga kontrol sa passenger door

  • Bagong-bagong Expert features pati na ang Expert Coupling

  • Kumpletong internal at external simulation kasama ang lahat ng fuse at control, pati na ang machine room

  • Detalyadong simulation ng physics pati na simulation ng temperatura na may kasamang pag-aalis ng hamog sa bintana

  • Isang detalyadong fault system para makabuo ng mga random na fault

  • Simulation ng init at yelo sa preno na may iba't ibang pamamaraan para sa paglutas sa mga hindi magandang kondisyon

  • GSM-R simulation, hanggang sa mga indibidwal na cell tower

  • Makatotohanang data entry sa PZB kasama ang bago at automatic na Bremszettel sa cab na makakatulong sa pagkalkula ng data ng PZB

  • Opsyonal na mas madaling mode para sa mas accessible na functionality

  • Bagong-bagong T3000e container cars na may DHL curtain-sided trailers

  • In-update ang Zacns, Habbiins at Sggmrss 90 wagon gamit ang suporta para sa expert coupling operation, na may upgraded na simulation at mga tunog

  • 5 Detalyadong Tutorial sa Training Center at komprehensibong manual na makukuha online

  • 4 na Scenario at isang alternatibong Expert timetable para sa Bahnstrecke Leipzig - Dresden

  • Ginagamit din ng timetable ang Expert DB BR 101 imbes na ang standard na DB BR 101

  • Ipinapalit ang BR 145 sa multiple na German timetable sa mga naaangkop na freight service

  • I-explore ang Germany at higit pa gamit ang tren sa Free Roam

  • Compatible sa Livery Designer at Scenario Planner. I-share ang mga ginawa mo sa Creators Club

  • Pinapagana ng proprietary SimuGraph® vehicle dynamics engine ng Dovetail Games at ng teknolohiya ng Unreal Engine 4®

I-follow Kami

Kinakailangan sa System ng Train Sim World® 6: Expert DB BR 145

Minimum

Inirerekomenda

Windows OS

64-bit Windows 8.1, 10 o Windows 11

Windows OS

64-bit Windows 8.1, 10 o Windows 11

Processor ng Windows

Intel Core i5-4690 @ 3.5 GHz o AMD Ryzen 5 1500X @ 3.7 GHz

Processor ng Windows

Intel Core i5-9600K @ 3.7 GHz o AMD Ryzen 5 3600 @ 3.6 GHz

Memory ng Windows

8 GB

Memory ng Windows

16 GB

Storage ng Windows

35 GB

Storage ng Windows

80 GB

Windows Direct X

DirectX Bersyon 10

Windows Direct X

DirectX Bersyon 10

Graphics ng Windows

NVIDIA GeForce GTX 750 Ti o AMD Radeon RX 460 na may 2 GB VRAM o higit pa

Graphics ng Windows

NVIDIA GeForce RTX 2060 6 GB o AMD Radeon RX 5700 na may 8 GB VRAM o higit pa

Windows Iba pa

Nangangailangan ng mouse at keyboard o Xbox Controller

Windows Iba pa

Nangangailangan ng mouse at keyboard o Xbox Controller

Mga Kinakailangang Account sa Pag-log in

Epic Games

Mga Wikang Sinusuportahan

  • Audio: Ingles, French, German

  • Test:Ingles, French, German, Espanyol- Espanya, Italyano, Chinese - Pinasimple, Ruso, Polish, Hapon

©Dovetail Games, a trading name of RailSimulator.com Limited (DTG). Dovetail Games and Train Sim World are trademarks or registered trademarks of DTG. All other trademarks are the property of their respective owners and are used here with permission. Developed and published by DTG. Maaaring ma-access ang buong listahan ng kredito mula sa menu ng TSW Options.

Patakaran sa Pagkapribado (Magbubukas ng bagong tab)
* Ang pinakamababang presyong iniaalok sa Epic Games Store sa huling 30 araw bago ang diskuwento