Train Sim World® 6: Thames Valley: Windsor, Henley & Marlow Branch Lines Add-On

Mag-ipon ng token at harapin ang tatlong magkakasunod na trabaho sa Thames Valley dahil darating na ang Windsor, Marlow at Henley branch lines sa Train Sim World handog ng Incredible Trains! Magpalipat-lipat sa tatlong iconic na riles sakay ng Great Western Networker Turbo traction.

Train Sim World® 6: Thames Valley: Windsor, Henley & Marlow Branch Lines Add-On

Mag-ipon ng token at harapin ang tatlong magkakasunod na trabaho sa Thames Valley dahil hindi bababa sa 3 ruta - ang Windsor, Marlow at Henley branch lines – ang darating sa Train Sim World handog ng Incredible Trains! Palawakin ang iyong Great Western experience at magpalipat-lipat sa tatlong iconic na mga riles habang sakay ng Networker Turbo traction.

Ang Windsor Branch

Minsang pinatakbo ng Metropolitan Railway, nagbukas ang branch patungong Windsor & Eton Central para magbigay ng koneksyon sa mga pasahero patungo sa iconic na royal town. Kahit pa ito ang pinakamaikli sa 3 branch, ang mga nakaangat at nakakurbang riles nito na umaabot sa Castle Hill, ang pampublikong entrance sa Windsor Castle, ang naging dahilan ng labis nitong kasikatan at pagiging abala nitong ruta.

Ang Marlow Branch

Bunga ng pagsasanib ng dalawang makasaysayang ruta ang Marlow Branch ng Great Western, ang Great Marlow Railway, at ang nalalabi sa Wycombe Railway. Bagaman orihinal na itinayo bilang koneksyon sa pagitan ng GWR at Chiltern main line, nagtatapos na ngayon ang mga riles sa Bourne End na saktong-sakto ang pangalan, kung saan nagpapalit ng direksyon ang mga biyahe para magtungo sa Marlow, isang shuttle na kilala bilang Marlow Donkey.

Ang Henley Branch

Kilala bilang Regatta Line, ginawa ang branch patungo sa Henley dahil sa lapit nito sa Thames, kung saan pangkaraniwan nang tanawin ang mga bayan sa tabing-ilog. Dahil may mainline na sa Twyford, humiling ang mga lokal ng direktang koneksyon, at ngayon, patuloy pa ring nakatayo at buong-buo ang halos diretsong branch, at pinakaabala sa mga riverside event.

Sa unang pagkakataon sa Train Sim World, mag-explore ng 3 distrito, makasaysayan at operationally independent na mga branch na pinagsama sa iisang package. Magtrabaho sa bawat line bilang GWR driver o guwardiya sakay ng versatile na GWR Class 165; pabalik-balik na bumiyahe habang tanaw ang Windsor Castle, kumuha ng mga token habang patungo sa Marlow, o magtungo sa royal regattas ng Henley, habang ninanamnam ang magagandang tanawin at tinatawid ang makikitid na bahagi ng River Thames.

Gamitin ang Fast Travel para ma-explore ang mga branch o mag-Route Hop sa Great Western Express (available nang hiwalay) para makabiyahe sa main line sa pagitan ng Slough, Maidenhead at Twyford!

Mga pangunahing feature

Isang 3-in-1 na ruta na kinabibilangan ng mga sumusunod na line sa Thames Valley:

  • Ang 2-mile Windsor Branch mula Slough

  • Ang 7-mile Marlow Branch mula Maidenhead

  • The 4.5-mile Henley Branch mula Twyford

  • Sa kabuuan, 11 estasyon at metikolosong mga lineside detail

  • Isang functional Token system para sa Marlow Branch

  • BR Class 165 Networker Turbo DMU sa GWR green livery

  • Makatotohanang performance, suspension at handling

  • Mga anunsyo habang nakasakay at passenger ambience

  • Accessible na Tutorial sa Training Center

  • Sa kabuuan, 5 scenario

  • Isang authentic timetable sa 3 branch line, na may Guard Mode

  • Journey Mode na pinagsasama ang Training, mga Scenario at mga Timetable Service

  • Karagdagang timetable layer (available nang hiwalay ang bawat isa) kabilang na ang Class 37 railtour, Class 70 engineering works train, at GWR HST AI traffic sa bawat GWML station

  • Compatible sa Livery Designer, Formation Designer at Scenario Planner. Ibahagi ang mga likha mo sa Creators Club

  • Pinapagana ng proprietary SimuGraph® vehicle dynamics engine ng Dovetail Games at Unreal Engine 4® technology

I-follow Kami

Kinakailangan sa System ng Train Sim World® 6: Thames Valley: Windsor, Henley & Marlow Branch Lines Add-On

Minimum

Inirerekomenda

Windows OS

64-bit Windows 8.1, 10 o Windows 11

Windows OS

64-bit Windows 8.1, 10 o Windows 11

Processor ng Windows

Intel Core i5-4690 @ 3.5 GHz o AMD Ryzen 5 1500X @ 3.7 GHz

Processor ng Windows

Intel Core i5-9600K @ 3.7 GHz o AMD Ryzen 5 3600 @ 3.6 GHz

Memory ng Windows

8 GB

Memory ng Windows

16 GB

Storage ng Windows

35 GB

Storage ng Windows

80 GB

Windows Direct X

DirectX Bersyon 10

Windows Direct X

DirectX Bersyon 10

Graphics ng Windows

NVIDIA GeForce GTX 750 Ti o AMD Radeon RX 460 na may 2 GB VRAM o higit pa

Graphics ng Windows

NVIDIA GeForce RTX 2060 6 GB o AMD Radeon RX 5700 na may 8 GB VRAM o higit pa

Windows Iba pa

Nangangailangan ng mouse at keyboard o Xbox Controller

Windows Iba pa

Nangangailangan ng mouse at keyboard o Xbox Controller

Mga Kinakailangang Account sa Pag-log in

Epic Games

Mga Wikang Sinusuportahan

  • Audio: Ingles, French, German

  • Test:Ingles, French, German, Espanyol- Espanya, Italyano, Chinese - Pinasimple, Ruso, Polish, Hapon

©Dovetail Games, a trading name of RailSimulator.com Limited (DTG). Dovetail Games and Train Sim World are trademarks or registered trademarks of DTG. All other trademarks are the property of their respective owners and are used here with permission. Developed and published by DTG. Maaaring ma-access ang buong listahan ng kredito mula sa menu ng TSW Options.

Patakaran sa Pagkapribado (Magbubukas ng bagong tab)
* Ang pinakamababang presyong iniaalok sa Epic Games Store sa huling 30 araw bago ang diskuwento