Tumuklas: Epic Extras
Epic Extras
Walang Epic Extras na available sa ngayon, pero tiyaking tingnan ang page ng Mga Sale at Espesyal na Alok para sa magagandang deal araw-araw.

Mga Madalas Itanong sa Epic Extras
Ano ang Epic Extras?
Nag-aalok ang Epic Extras ng libreng goodies sa laro at perks na may limitadong panahon tuwing isinasagawa ang mga taunang MEGA Sale at Holiday Sale campaign ng Epic Games. Samantalahin ang mga libreng cosmetic pack, XP boost, currency sa laro, app trial, at marami pang iba. Huwag itong palampasin!
Paano ako magke-claim ng Epic Extras?
Para i-claim ang iyong Epic Extras, pumunta sa page para sa giveaway pack ng bawat laro habang isinasagawa ang mga MEGA Sale o Holiday Sale campaign.
Aling mga laro ang kasama sa Epic Extras?
Kasama sa Epic Extras ang maraming iba't ibang laro sa Epic Games Store, na may mga libreng gaming add-on para sa iba't ibang title sa buong tagal ng Holiday Sale at MEGA Sale. May maiaalok ang Epic Extras para sa lahat.
Gaano katagal magiging available ang Epic Extras?
Available ang lahat ng libreng alok ng Epic Extras sa loob ng limitadong panahon sa tuwing isinasagawa ang aming taunang Epic Games MEGA Sale na nagsisimula tuwing Mayo at ang aming Holiday Sale na nagsisimula tuwing Disyembre.
Kailan ang susunod na campaign ng Epic Extras?
Ginaganap ang mga campaign ng Epic Extras dalawang beses kada taon, sa MEGA Sale ng Epic Games Store tuwing Mayo at sa aming Holiday Sale tuwing Disyembre. Markahan ang kalendaryo mo para hindi mo mapalampas ang malulupit na libreng add-on para sa napakaraming mapagpipilian na magagandang laro.
Kailangan ko bang i-download ang mga laro para ma-claim ang Epic Extras?
Oo. Dapat kang magmay-ari at mag-download ng naaangkop na laro para makapag-claim ng mga libreng add-on ng Epic Extras. Puwede mong i-claim ang Epic Extras mo sa pamamagitan ng web browser mo o ng Epic Games Launcher. Kapag naidagdag na ito sa library mo, puwede ka nang magregalo ng mga cosmetic pack, skin, XP boost, at currency sa laro ng Epic Extras sa iba pang gamer na mayroon din ng base game at nag-enable ng 2FA.


