Balita

Gabay ng mamimili sa MEGA Sale ng Epic Games: Makakuha ng mga deal sa laro, libreng goodies, at marami pang iba!

E
Epic Games
May 14, 2026
Narito na ang MEGA Sale ng Epic Games —mamili para sa malalaking diskwento sa daan-daang laro! Kunin ang malalaking AAA title at mga iconic na indie, at makatipid sa mga bagong release at classic, na may hanggang 75% off sa mga piling PC game. Dagdag pa, mag-enjoy ng mga libreng laro at Epic Extras
 

Kailan ba ang MEGA Sale ng Epic Games?


Live ang MEGA Sale ng Epic Games mula sa Mayo 14, 2026, 11:00 PM GMT+8 hanggang Hunyo 11, 2026, 11:00 PM GMT+8
 

Anong mga laro ang available sa MEGA Sale ng Epic Games?


Daan-daan ang aming laro na may magagandang deal. Narito ang isang seleksyon

Gabay ng Mamimili sa MEGA Sale ng Epic Games para sa Cyberpunk
Cyberpunk 2077

Pasukin ang Night City at gumawa ng pangalan para sa 'yong sarili sa mundo ng mga fixer at power broker. Sa Cyberpunk 2077, gagawin mong buhay na sandata ang mersenaryo mong si V. Gamit ang malalim na skill tree at high-tech weaponry, ang mga desisyon mo ang magtatakda sa kung paano ka maglalaro at kung paano tutugon ang mundo. Maaari kang mang-hack, lumaban, o kaya makipag-usap para makawala sa gulo habang bumubuo ng alamat sa isa sa mga pinaka-immersive na mundo ng gaming

Super Meat Boy 3D 

Kung inakala mong masalimuot ang Super Meat Boy, nagtatampok pa ang Super Meat Boy 3D ng mas masasalimuot na level, na puno ng mga meat-grinding na mga bitag, nakamamatay na pagbagsak, at mga platform na idinisenyo upang matiyak ang iyong katapusan. Pasensya, precision, at halos perpektong pagsasagawa ang kinakailangan sa bawat yugto.

Bilhin ang Super Meat Boy 3D sa Epic Games Store at makuha ang Super Meat Boy Sidekick sa Fortnite bilang regalo sa pagbili.**

John Carpenter’s Toxic Commando

Ang John Carpenter’s Toxic Commando ay isang co-op shooter na hango sa dekada '80 kung saan apat na manlalaro ang haharap sa di-matapos-tapos na kawan ng mga undead. Kasama rin sa biyahe ang isang armored truck, isang mobile base na magdadala sa iyo mula A hanggang Z(ombie), sa gitna ng kalunos-lunos at maputik na post-apocalypse. Kung hindi iipitin ng putik ang iyong sasakyan, libo-libong zombie naman ang gagawa nito. Bumaril

RIDE 6

Ang RIDE 6 ay isang detalyadong motorcycle racing sim na nagtatampok ng mahigit 350 motorsiklo at napakaraming klase ng event. Binuo gamit ang phenomenal physics at rider control, wala nang mas makatotohanan pa sa karerang ito. 

Puwede kang sumakay sa bisikleta at mag-skid sa track para bilang katuwaan, ngunit ang pangunahing hamon ay makipaglaban sa sampung maalamat na racer sa totoong buhay. Kailangan mo ng matinding skills, kaya paghusayin ang pagpreno at pagliko, at gumawa ng sarili mong estilo sa riding school ng laro. Wala nang mas maganda pang paraan kaysa sa paggamit ng diskarte upang makamit ang tagumpay. 

NORSE: Oath of Blood

Si Gunnar, isang batang mandirigma, ay naghahangad na ipaghiganti ang pagkamatay ng kanyang ama sa kamay sa mga palad ng walang awang si Steinarr Far-Spear. Muling itayo ang nawasak mong pamayanan, kumuha at magsanay ng mga natatanging mandirigma, at pamunuan sila sa mga taktikal at turn-based na laban kung saan mahalaga ang terrain, posisyon, at husay. Pamahalaan ang iyong Viking village, gumawa ng armas at armor, at bumuo ng mga alyansa habang umuusbong mula sa pagiging distiyero tungo sa pagiging lider na gagabay sa iyong mga tao tungo sa kaligtasan at paghihiganti.

Gabay ng Mamimili sa Mega Sale ng Epic Games para sa Gtav
Grand Theft Auto V Enhanced

Ang criminal caper ng Rockstar ay patuloy pa ring nagsasagawa ng mga nakawan mahigit isang dekada matapos itong ilabas. Ang single-player campaign ay isang napakalaking kuwento na nagpapapalit-palit sa tatlong kriminal habang sinusubukan nilang makakuha ng kapangyarihan sa Los Santos. Samantala, napakalaki na ng ipinagbago ng multiplayer sa paglipas ng mga taon kaya't talagang madadala ka rito. Puno ito ng mga kahanga-hangang misyon at mga nakakaantig na kuwento, at nagbibigay-pugay ito sa legasiya ng Los Santos

Ghost of Tsushima DIRECTOR'S CUT

Matapos makaligtas sa matinding pag-atake ng sumasalakay na hukbo, kailangang pumili ni Jin Sakai sa pagitan ng paglaban tulad ng isang samurai o paggamit ng mga taktika ng kanyang mga kaaway. Ang Ghost of Tsushima ay isang brutal ngunit eleganteng open-world adventure na tumatalakay sa paghihiganti at hustisya sa isa sa mga pinakanakamamanghang game setting na nabuo. Maaari (at dapat) kang huminto, huminga, at pahalagahan nang lubos ang pinaglalaban mo.

The Witcher 3: Wild Hunt – Complete Edition 

Ang open-world na RPG ng CD Projekt ay ang isa sa mga pinakamahusay sa kategoryang ito. Galugarin ang mapanganib na kanayunan habang nakikipagbuno sa mga halimaw, nagtitimpla ng mga potion, tumutuklas ng mga lihim, at nanunubos ng kabayaran. Nandito ang ilan sa mga pinakamahusay na misyon at mga pinakatumatak na karakter sa gaming para subukin ang husay at talino ni Geralt. 

Stellar Blade

Kahanga-hanga ang blistering action ng Stellar Blade. Daigin ang mga minion at boss gamit ang umiikot na mga espada, nang may tindig at kariktan, bago magkaroon ng nararapat na pahinga sa kakaiba—ngunit ultimately rewarding—nafishing minigame ng laro. Oo, nagagawa nito ang lahat. 

Hell Is Us 

Ang wasak na puso ng sangkatauhan ay inilantad sa Hell Is Us, kung saan ang mga halimaw ay sumasalamin sa pinakamasasamang ugali ng sangkatauhan. Isa ito sa mga pinakamahihirap na laro na iyong malalaro. Halos walang anumang gabay at mga marka. Dapat mong galugarin ang mundo, sundin ang nararamdaman mo, at unti-unting tuklasin ang mga lihim ng isang nawasak na lupain.
 

May mga libreng laro ba sa MEGA Sale ng Epic Games?


Oo! May mga libreng laro ang MEGA SALE ng Epic Games na iaalok hangga't nagpapatuloy ang sale. 
 

May magse-sale ba na mga mobile game?


Available din ang MEGA Sale ng Epic Games sa Epic Games Store para sa mobile mula Mayo 14, 2026 sa oras na  11:00 PM GMT+8 hanggang Hunyo 11, 2026 sa oras na 11:00 PM GMT+8. Makakuha ng malalaking diskuwento at mga libreng laro hangga't nagpapatuloy ang sale.

FIL EGS 3PFreeGames Mobile Spring2025 EditorialBanner 3840x632

I-enjoy ang Epic Extras! 


Ang Epic Extras ay mga kahanga-hangang giveaway mula sa iba't ibang magagandang laro, kabilang ang mga cosmetic pack, currency sa loob ng laro, XP boost, app trial, at marami pang iba. Pumunta sa aming ulat para sa karagdagang impormasyon. 
 

Gamitin ang Pagreregalo para maibahagi ang pagmamahal


Magpadala ng mga laro at add-on nang direkta sa iyong mga kaibigan, kumita ng Mga Reward ng Epic sa bawat pagbili, o gamitin ang iyong balance para sa susunod na regalong ibibigay mo. Mas pinadali ang pag-share ng paglalaro. May mga umiiral na paghihigpit, tingnan ang FAQ para sa higit pang detalye.


*Kapag bumili ka ng Super Meat Boy 3D sa Epic Games Store simula Abril 1, 2026 nang 8:00 AM GMT+8, bibigyan ka ng Super Meat Boy Sidekick sa Fortnite mula Abril 1, 2026 nang 8:00 AM GMT+8. Ang promosyong ito ay nangangailangan ng mga naka-link na Epic account at magtatapos ito kung mawawala na sa Epic Games Store ang laro. Tingnan ang Mga Madalas Itanong para sa mga kumpletong tuntunin.