Artikulo

Nasa mobile na ang Mark of the Deep, mananakot si Art the Clown sa Dead by Daylight, may petsa na ang bagong star system ng Warframe, at kunin ang Monika outfit ng Doki Doki Literature Club para sa Fortnite

E
Epic Games
Nob 28, 2026

Nasa mobile na ang Mark of the Deep (Magbubukas ng bagong tab) | Isang Nakakatakot na Dead by Daylight (Magbubukas ng bagong tab) addition | Petsa ng paglabas ng bagong star system ng Warframe (Magbubukas ng bagong tab) | Kunin ang Fortnite Doki Doki Literature Club  (Magbubukas ng bagong tab)outfit

Dumating na ang Mark of the Deep sa Android, iPhone

Humigit-kumulang dalawang taon na mula nang lumabas sa PC ang Mark of the Deep, isang Metroidvania-meets-Soulslike na pirate adventure game, at ngayon, darating na ito sa mga mobile phone.

Ang mobile version ay isang Epic Games Store limited-time exclusive sa Android at, sa mga suportadong rehiyon, sa iOS. 

Nakipagkuwentuhan kami sa mga developer sa Brazilian studio na Mad Mimic tungkol sa kung paano nabuo ang orihinal na PC game at ang ilan sa mga pagbabago at hamon na kinaharap nila noong dinala ang laro sa mobile.

Kasama sa orihinal na ideyang iyon ang at least isang feature na hindi nasama: isang pirate ship na lumalaki kasabay ng pagligtas mo sa iyong crew.

“Ang idea doon, habang ine-explore ni [Marcus “Rookie” Ramsey] ang isla at nakakahanap ng mas marami pang miyembro ng nawawala niyang pirate crew, unti-unting muling bubuoin at papalawakin ang kanilang barko, na sasalamin sa progress ng player hanggang sa dulo ng laro,” sabi ni Luis Gustavo Marte de Arruda Sampaio, Game Director and Lead Designer on Mark of the Deep. "Sa huli, kinailangan naming bigyan ng priyoridad 'yong scope ng project at ituon ang resources namin sa core gameplay, exploration, at narrative. Iyon ang mga elemento na, sa tingin namin, pinakamahalagang mapaganda nang husto.”

Darating ang pangalawang star system ng Warframe sa Dis. 9

Ilulunsad ang libreng Tau update ng Warframe sa Dis. 9 sa lahat ng platform. 

Ito ang unang biyahe ng laro sa labas ng Origin System, papunta sa pangalawang star system na may dalawang playable region: ang Sentient ring city na Fornax at ang desert moon na Perita.

Ipapakilala ng dalawa hanggang tatlong oras na quest si Brysko, isang noir detective Warframe na binigyang-boses ni Matthew Mercer, pati na ang Portau, ang unang Card Game ng Warframe, at ang Night Walk, isang bagong mode na walang labanan.

Ang tema ng update ay adiksyon, at binuo ang Fornax sa paligid ng isang casino, ngunit sinabi ng creative director na si Rebecca Ford na walang real-money value ang mga casino chip ng Portau at wala itong koneksiyon sa platinum. Nang tanungin kung bakit hindi na lang Warframe 2 ang Tau, sinabi ni Ford na "mapapahamak kami" sa sequel.

Sina Art the Clown, Sienna Shaw ng Terrifier, at isang Mall ang darating sa Dead by Daylight ngayong linggo

Maaaring hindi natin alam kung kailan lalabas ang susunod na Terrifier na pelikula (naiulat na tina-target ng Terrifier 4 ang 2027), pero alam natin kung kailan sumunod na nagpakita si Art the Clown: Ngayong linggo.

Parehong dumating sina Art the Clown at ang final girl na si Sienna Shaw sa Dead by Daylight ng Behaviour Interactive nitong Martes.

Dumating ang dalawa sa The Fog kasabay ng isang bago at orihinal na mapa: Hartshorne Mall, na hango sa mga childhood trauma ni Dwight Fairfield. Sa pagbili ng kabanatang ito, maa-unlock ang Art Crispies Cereal charm at Clown Cafe Banner.

May kasamang iba't ibang mapaminsalang kapangyarihan at Perk si Art na diretsong kinuha mula sa mga pelikula. Binibigyan siya ng pagkakataon ng kanyang Power, ang Bag of Toys, na bumunot ng dalawang random na armas at pumili ng isa: isang flail, flamethrower, handgun, bottle of acid, o bike horn. Lalong nakamamatay ang laruan sa kada pagtama. 

Ang mga Perk niya: magbibigay ang Funny Business kay Art ng karagdagang bilis at random na bonus kapag nagdulot siya ng pinsala sa isang Generator. Hinahayaan siya ng Kill Spree na patayin ang mga natitirang Survivor kapag nakumpleto na ang lahat ng Generator at umabot na sa dalawang Hook State ang lahat ng Survivor. Ginagawa ng Laughingstock na Exhausted at Oblivious ang mga Survivor na malapit sa mga nakumpletong Generator.

Makakakuha si Sienna Shaw ng tatlong Perk: binibigyang siya ng Best Gift Ever ng pagkakataon na maghulog ng mga item para makakuha ng malalakas na passive ability. Nagbibigay-daan ang Shared Trauma sa mga Survivor na nasa loob ng 12 metro na maka-recover mula sa Exhausted status. At magagawa naman niyang magpakawala ng malakas na Pallet stun sa pamamagitan ng Valkyrie's Rage.

Darating na sa Fortnite si Monika ng Doki Doki Literature Club

Simula sa linggong ito, kapag binili mo ang Doki Doki Literature Club Plus! sa Epic Games Store o sa Epic Games Mobile, makukuha mo ang Monika Outfit sa Fortnite.

Kalahating dating simulator, kalahating psychological horror, at puro visual novel: orihinal na inilabas noong 2017 ang Doki Doki Literature Club! Naging tila cultural phenomenon ang laro dahil sa nakakagulat na emotional impact nito sa mga manlalaro.

At noong 2021, inilabas ang Doki Doki Literature Club Plus! para sa PC, Nintendo Switch, PlayStation 4, PlayStation 5, Xbox One, at Xbox Series X/S. Hatid nito ang anim na bagong side story.

Ma-a-unlock ang outfit simula Nob. 28 nang 8 a.m. GMT+8 at nangangailangan ng naka-link na Epic account. Nasa FAQ ng Epic ang kumpletong tuntunin. (Magbubukas ng bagong tab) 

Sa kuwentong ito
Dead by Daylight: Terrifier
Dead by Daylight: Terrifier
$7.99