Artikulo

Tuklasin ang pinakamagagandang alok sa mga laro sa PC sa aming gabay ng mamimili sa Black Friday Sale

E
Epic Games
Nob 17, 2026

Live na ang Epic Games Store Black Friday Sale. Mula Nob 18 nang 12:00 AM GMT+8 hanggang Dis 2 nang 12:00 AM GMT+8. I-explore ang mga digital discount sa mga nangungunang laro, at magbasa tungkol sa ilang highlight sa aming gabay ng mamimili! 

Mga Bargain sa Black Friday

Makakuha ng higit pa sa mas mababang halaga. 

EA SPORTS FC 27 Ultimate Edition

Yakapin ang pinakasikat na laro sa buong mundo gamit ang EA SPORTS FC 27 Ultimate Edition. Mula sa The Grounds, isang social playground kung saan pwede mong pagbutihin ang iyong skills, hanggang sa pinakamalalaking kumpetisyon sa laro, FC 27 muli ang pinakakumpletong soccer sim na mabibili mo. 

Kasabay ng mga nangungunang league sa mundo at 21,000 player, bibigyan ka rin ng Ultimate Edition ng mga treat gaya ng 6,000 FC Points sa loob ng 3 buwan, isang karagdagang FUT Player Evo slot, access sa tatlong Icon na magagamit mo sa labas ng FUT mode, at marami pang iba. 

Kunin na ito ngayon, at simulan ang paghahanap sa lahat ng wonderkid gamit ang aming gabay.  

Assassin's Creed Black Flag Resynced Deluxe Edition

Bumalik sa golden age of piracy gamit ang Assassin's Creed Black Flag Resynced Deluxe Edition. Ang tapat at pinagandang remake na ito ng mga pakikipagsapalaran ni Edward Kenway sa laot ay nagbibigay sa iyo ng kalayaang maglayag sa Caribbean sakay ng isang barkong puno ng mga privateer, kasagupa ang Royal Navy sa matitinding labanan sa dagat, o kaya'y dumadaong sa lupa para unti-unting tugisin ang mga target. 

Pinalalawak ng Deluxe Edition ang iyong loadout sa lupa at dagat gamit ang dalawang komprehensibong content bundle: ang Master Assassin Character Pack, na nagbibigay sa iyong kapitan ng signature costume, espada, pistol, at espesyal na trinket ni Edward, pati na rin ang Master Assassin Naval Pack, na naghahatid ng vessel overhaul na may kasamang custom sail set, pet ng barko, crew attire, manibela ng barko, figurehead, at matching hull trim.

LEGO Batman: Legacy of the Dark Knight Deluxe Edition

Ang action adventure na laro ng Traveller's Tales ay isang kumpletong pagsasalaysay muli ng buhay ni Batman, na tumatalakay sa bawat mahahalagang sandali sa kasaysayan ng Dark Knight. Labanan ang dose-dosenang classic villain—gaya nina Joker, Mr. Freeze, at iba pa—habang inililigtas muli ang Gotham. 

Bukod sa daan-daang unlock na available, kasama sa Deluxe Edition ang apat na add-on pack—ang Arkham Trilogy, Batman Beyond, Party Music, at Sinister Pack—na magkakasamang naghahatid ng mas maraming suit para sa lahat ng maaaring laruing character, apat na custom Batmobile, at 20 props na dekorasyon sa Batcave. Bukod sa mga cosmetic, binibigyan ka ng Deluxe Edition ng pagkakataon na magtungo sa madilim na panig ng isang story mission para makatakas sa Arkham Asylum bilang sina The Joker at Harley Quinn, bago magdala ng matinding kaguluhan sa Gotham City sa Mayhem Mode.

ARC Raiders - Deluxe Edition

Ang breakout na multiplayer extraction shooter ay hindi mundo ng karangyaan. Naghahalungkat ang mga raider sa mga limot nang labi ng mundo para maghanap ng mga alarm clock, mga rubber duck na maibebenta, o mga baril at piyesa na magagamit sa pag-upgrade. Dahil laging naroroon ang mga ARC machine, nagiging nakamamatay na labanan ang pangangalap ng mga gamit, habang ang ibang mga tao naman ay maaaring tumulong o humadlang sa iyong pag-usad. 

I-enjoy ang ilang goodies nang hindi isinasakripisyo ang buhay o loot sa ARC Raiders - Deluxe Edition. Makukuha mo ang kumpletong Wanderer Set na tampok ang Valente Outfit, Pathfinder Backpack, at Blanket Roll attachment, kasabay ng mga karagdagang personalization option tulad ng Lip Scar cosmetic, Finger Gun Rapid Fire emote, at ang Scrappy Body Type kasama ang natatanging outfit nito. Bukod pa rito, nagbibigay ang package ng 2,400 Raider Tokens, ang in-game currency na ginagamit para mag-unlock ng mga cosmetic bundle, deck, outfit, at accessory sa hinaharap.


Control Resonant Deluxe Edition

Binabaligtad at binabago ng kamangha-manghang action adventure game ng Remedy ang Manhattan, ginagawa ang lungsod na kaleidoscopic tableau at pinupuno ito ng mga halimaw na maaari mong labanan nang mano-mano. Labanan ang lahat mula sa ulo ng isang artist hanggang sa mga lumulutang na bus, habang sinusubukang tandaan kung aling direksiyon ang itaas. 

Hatid ng Deluxe Edition ang Digital Artbook na puno ng impormasyon mula sa behind the scenes, ang soundtrack, isang natatanging AWE Mission Outfit, isang Untapped Artifact (Wallet), at Starter Resource Bundle.


Gamitin ang Pagreregalo para maibahagi ang pagmamahal

Magpadala ng mga laro at add-ons nang direkta sa mga kaibigan mo, makakuha ng Mga Reward ng Epic sa mga eligible na pagbili, o gamitin ang balance mo para sa susunod na regalong ibibigay mo. Mas pinadali na ang pagbabahagi ng laro. May mga angkop na paghihigpit kabilang ang rehiyon ng paninirahan.

I-enjoy ang Black Friday! 

Mga Kaugnay na Link
Voice actors discuss what it takes to bring a grand adventure like Crimson Desert to life
Voice actors discuss what it takes to bring a grand adventure like Crimson Desert to life
 EA SPORTS FC 27 career mode guide: Best young players & wonderkids with high potential
EA SPORTS FC 27 career mode guide: Best young players & wonderkids with high potential