Review ng Linggo ng Epic Games Store: sumabak sa update ng Frozen Trail ng ARC Raiders, maglaro ng Forever Ago, kunin ang Out of Sight at TerraScape nang libre ngayong linggo!
ARC Raiders Frozen Trail | Forever Ago inilabas na | Out of Sight at TerraScape libre ngayong linggo
Ang malalaking update, mga bagong laro, at dalawang libreng laro ngayong linggo sa Epic Games Store!
ARC Raiders: Harapin ang lamig sa update ng Frozen Trail
Malalaking bagong hamon ang inihahatid ng Frozen Trail update sa ARC Raiders, tampok ang Pendola Pass, isang nagyeyelong mapa ng bundok kung saan kakaharapin ng mga manlalaro ang biglaang pagyeyelo at matitinding depensa para magsalba ng bihirang tech mula sa natumbang ARC Emperor na may anim na paa, o sasakay sa nagpapatrolyang Frigate para sa matinding malapitang laban.
Pinagtitibay ng tatlong bagong machine-learned na banta ang mga puwersa ng ARC: ang agresibong Bully, ang palihim na Skulker, at ang multi-turret na Hydra. Para lumaban, makakakuha ang mga Raider ng dalawang bagong baril (ang long-range Stiletto at ang mabigat na Bantam revolver), mga bagong traversal at tactical gadget (Grappling Hook, Tether Launcher, at Yank Grenade), at mga Amplified Weapon: isang fifth-tier upgrade system sa pamamagitan ng Research Workstation na ginagawang bago at makapangyarihang mga ability ang 15 kasalukuyang baril.
Forever Ago: Sumakay sa isang nakakaantig na road trip ng redemption
Si Alfred, na nasa mid-seventies, ay sasabak isang road trip ng redemption sa Forever Ago. Bahagi ng kuwento ang kanyang hinahanap, ngunit malalaman mo ang kanyang naging mga pagsubok at pagsisisi, ang kanyang mga pangarap at ng ibang tao, habang ine-explore niya ang kanyang nakaraan.
Imaneho ang kanyang camper van sa mga kagubatan at tigang na lupain, galugarin ang mundo sa pamamagitan ng kanyang instant camera, at maranasan ang buhay, pag-ibig, at mga nawala kay Alfred sa isang hindi malilimutang kuwento.
Out of Sight: Isang kakaibang second-person mystery, libre hanggang Okt 15
Sa pagsisimula ng nakakatakot na season, kunin nang libre ngayong linggo ang adventure game na "kapansin-pansin ang pagiging orihinal", ang Out of Sight. Ikaw si Sophie, isang bulag na batang babae na nakakakita sa pamamagitan ng mga mata ng kanyang teddy bear. Takasan ang mga bumihag sa iyo at matuklasan ang masamang kasaysayan ng madilim na mansyon.
Puno ito ng mauutak na puzzle, kung saan bantay-sarado ka ni Teddy habang gumagala ka. Basahin ang aming eksklusibong panayam sa mga creator nito at pasukin ang isa sa iilang second-person adventure game.
TerraScape: Gumawa ng mga komportableng lumulutang na mundo, libre hanggang Okt 15
Huwag magmadali at i-enjoy ang tanawin sa TerraScape, libre na ngayon sa Epic Games Store. Bibigyan ka ng city-building puzzle game na ito ng misyon na gawing mga komportableng mundo ang mga lumulutang na isla. Gawing payak na mga nayon ang mga paikot-ikot at lumilipad na tipak ng lupa at magtayo mula roon.
Humuhugot ang bawat gusali ng impluwensya mula sa kalupaan, kaya ang paglalagay ng tamang istruktura malapit sa mga nauugnay na biome, likas na yaman, o kalapit na gusali ay magbibigay sa iyo ng positibong impluwensya at mahahalagang puntos. Ang pagpapanatili ng steady score ay mag-a-unlock ng mga bagong card draw, bagong building deck, at mga upgrade na makakatulong sa kasalukuyan mong layout. Mayroong mga sikretong kombinasyon na nagpapahintulot sa mga gusali na magsanib para sa mas pinahusay na upgrade.



