
Balita
Gabay sa mamimili sa Sale sa Taglamig 2026 ng Epic Games: Mga nangungunang deal para sa iyo hanggang Tagsibol
E
Epic Games
Ano ba ang Sale sa Taglamig 2026 ng Epic Games Store?
Tapos na ang holiday, pero magpapatuloy ang mga nangungunang alok sa indie gems at pinakamalalaking AAA blockbuster na laro ngayong Sale sa Taglamig ng Epic Games Store.
Kailan ba ang Sale sa Taglamig 2026 ng Epic Games Store?
Magsisimula ang sale mula Pebrero 10 nang 12 AM PHT hanggang Pebrero 24 nang 12 AM PHT.
Anong malalaking laro ang naka-sale?
Para pumili ng ilan:
Football Manager 26
Nakatanggap ng malaking pagbabago ngayong taon ang matagal nang simulation series na ito, na may mas detalyadong karanasan sa Match Day, pagdaragdag ng mga ganap na lisensyadong team sa Premier League at mga liga ng football ng kababaihan, interface na binago ang disenyo, at marami pang iba. Bago ka ba sa pamamahala ng team? Humingi ng tulong sa aming residenteng eksperto sa Football Manager 26.
Marvel’s Spider-Man: Miles Morales
Nagpapatuloy ang holiday sa Marvel’s Spider-Man: Miles Morales. Maglakad sa mga kalyeng puno ng niyebe ng New York City at ingatan ang mga mamamayan nito mula sa masasamang loob habang ine-enjoy ni Peter Parker ang isang kinakailangang bakasyon.
Assassin’s Creed Shadows
Makalipas ang halos dalawang dekada, sa wakas ay nakarating na sa Japan ang matagal nang serye ng Assassin’s Creed noong nakaraang taon. Isinasalaysay ng Assassin’s Creed Shadows ang magkakaugnay na kuwento ng dalawang pinagsamang bida, sina Naoe at Yasuke. Si Naoe, ang mas palihim sa dalawa, ay naghahangad na ipaghiganti ang pagpatay sa kanyang ama sa tulong ni Yasuke, isang dating alipin na naging samurai.
Dahil sa mga perpektong replika ng mga iconic Japanese landmark tulad ng Kiyomizu-dera at Himeji Castle, maganda sa paningin ang Assassin’s Creed Shadows—lalo na habang lumilipas ang mga panahon patungo sa cherry blossoms, mga dahon ng taglagas, at kapapatak lang na niyebe. Tingnan ang aming gabay kung kailangan mo ng tulong sa pagsisimula.
God of War Ragnarök
Hindi ka gaanong mangingilig sa normal na taglamig na di gaya ng Fimbulvetr ng God of War Ragnarök, ang panahon ng tatlong magkakasunod na taglamig na nagbabadya ng pagdating ng Ragnarök. Nakatakda tatlong taon matapos ang nakaraang laro – bumalik si Kratos at ang kanyang anak na si Atreus sa nagyeyelong Midgard at naglakbay patawid sa Nine Realms. Sa kuwentong hango sa mitolohiyang Norse, makikita silang nakikipaglaban sa mga diyos at mga maalamat na hayop habang sinisikap nilang baguhin ang kapalaran ng mundo.
Black Myth: Wukong
Mayroon ka bang kakayahang lumaban sa mga diyos? Alamin sa Black Myth: Wukong.
Malayang hinango sa klasikong nobelang Chinese na Journey to the West, pinagaganap ka ng Black Myth: Wukong bilang Destined One, isang unggoy na armado ng simpleng tungkod, at ng katusuan at liksi sa paggamit nito. Hasain ang iyong mga kasanayan at talunin ang dose-dosenang mga boss sa RPG na ito na pinagsasama-sama ang marangyang labanan ng isang action game na may kahusayan ng Soulslike. Kailangan mo ba ng tulong? Tingnan ang aming gabay sa pinakamahuhusay na kasanayan para ma-unlock.
Stellar Blade
Kung pag-uusapan ang mapormang labanan, Stellar Blade ang isa sa mga pinakakilalang action game nitong mga nakaraang taon. Maglalaro ka bilang si EVE, na ipinadala sa Earth mula sa The Colony upang subukang bawiin ang mundo ng sangkatauhan mula sa halimaw na Naytibas—para matuklasan lang na medyo mas kumplikado ang katotohanan.
Kung gaano kaporma ang labanan sa Stellar Blade ganoon din ito kabrutal. Manaksak ng iba't ibang halimaw habang hinahanap mo ang nangyari noong mga nakaraang panahon at tinatangkang iligtas ang sangkatauhan sa pagkalipol. Matutulungan ka ng aming boss guide sa ilan sa mas mahihirap na seksyon.
Ano ang mga nakatagong hiyas ang naka-sale?
Tingnan ang ilan sa mga paborito namin:
Herdling
Gabayan ang isang kawan ng mabalahibong Calicorn papunta sa kabundukan sa Herdling, ang pinakabago mula sa developer ng FAR: Lone Sails na Okomotive. Maraming panganib ang malaking migrasyong ito, mula sa makikipot na landas sa alpine hanggang sa mga mandaragit na hayop at marami pang iba. Gawin ang makakaya mo upang magabayan ang mga kaibig-ibig na Calicorn sa pinakaligtas na landas para sama-sama ninyong marating ang tuktok.
Gloomy Eyes
Tuklasin ang isang mundo ng walang hanggang gabi sa Gloomy Eyes, na inilarawan ng mga developer bilang isang "self-coop adventure." Kokontrolin mo pareho ang pangunahing karakter na si Gloomy (isang zombie) at ang kasama niyang si Nena (isang tao) habang sinusubukan nilang ibalik ang liwanag ng araw—at wakasan ang matagal nang hidwaan sa pagitan ng buhay at undead. Isang maganda at maliit na adventure game ang Gloomy Eyes , na may art na nakakapagpaalala kay Tim Burton at mga antas na kahawig ng maliliit na diorama sa kahon ng sapatos, na puno ng mga kakaibang detalye.
Viewfinder
Sa nakakagulat na puzzle game na ito, gagamit ka ng instant camera para kumuha ng mga litrato ng kapaligiran—ang twist ay ang mga litratong kukunan mo ay maaaring ilagay sa kapaligiran, na nagpapakita ng lahat ng level geometry sa 3D space. Mag-clone ng mga item, lumikha ng mga bagong path, at higit pa, lahat gamit ang camera.
Biped 2
Maglakbay patungo sa isang planeta na wala pa sa mapa sa Biped 2, isang makabagong laro ng adventure game kung saan kalahati ng hamon ang paggalaw.
Sa co-op, ikaw at isang kaibigan ang kokontrol kina Aku at Sila, dalawang kaibig-ibig na robot na nasa rescue mission. Dahil may tig-dalawang biyas lang kayo, kakailanganin ninyong magtulungan para makapaglipat ng mga bagay, mag-activate ng mga button, makatalon sa mga puwang, at marami pang iba. Tungkol ito sa kolaborasyon at komunikasyon, lalo na kung naglalaro ka sa isang grupo na may apat o higit pang miyembro. Puwede mo ring maranasan ang solong adventure na ito kung gusto mo.
Eriksholm: The Stolen Dream
Ang Eriksholm: The Stolen Dream ay isang treat para sa fans ng stealth, dahil sa isometric camera at napakadetalyadong lungsod na hango sa Scandinavia noong unang bahagi ng 1900s. Gagampanan mo ang papel ni Hanna, isang ulila na ang kapatid ay kamakailan lang nawala. Gaya ng dati, ang paghahanap sa kapatid ni Hanna ay magbubunyag ng mas malaking lihim na sabwatan. Gamitin ang mga anino upang gumalaw nang hindi nakikita at iwasan ang mga taong gustong pumigil sa iyo sa paghahanap ng katotohanan.
Technotopia
Natatanging mashup ng genre ang Technotopia, na pinagsasama ang city-builder, card game, at mga roguelike. Layunin mong magdisenyo ng perpektong lungsod, na tumutugon sa mga pangangailangan ng iyong mga mamamayan at sa apat na pangkat nito: ang mga kapitalista, aristokrat, pulitiko, at karaniwang tao. Ang card deck mo ay may mga gusali, parke, highway at lahat ng iba pang bagay na bumubuo sa isang lungsod. May kaakibat na mga kahihinatnan ang bawat card na ilalagay mo, kaya pumili ka nang mabuti.
Alba - A Wildlife Adventure
Dadalhin ka ng Alba: A Wildlife Adventure sa isang isla sa Spain, kung saan inaasahan ng pangunahing karakter na si Alba na gumugol ng isang linggo kasama ang kanyang mga lolo't lola, mag-explore sa isla at kunan ng litrato ang mga hayop dito.
Sa kasamaang palad, agad niyang matutuklasan na ang paraisong isla na ito ay nanganganib nang tuluyang gawing kalsada. Sa tulong ng kanyang lolo at kaibigang si Ines, sinikap ni Alba na iligtas ang maliit na bahagi ng ilang na ito sa isang kuwento tungkol sa konserbasyon at kung ano ang magagawa natin upang makatulong na mapangalagaan ang ating planeta para sa mga susunod na henerasyon.
Gamitin ang Pagreregalo para maibahagi ang pagmamahal!
Direktang magpadala ng mga laro at add-on sa iyong mga kaibigan, makakuha ng Mga Reward ng Epic sa bawat pagbili, o gamitin ang iyong balance para sa susunod na regalong ibibigay mo. Mas pinadali ang pagbabahagi ng laro. May mga paghihigpit na nalalapat kasama na ang rehiyon ng paninirahan; tingnan ang FAQ para sa karagdagang detalye; tingnan ang FAQ para sa karagdagang detalye.
Magsaya!