Balita

Fortnite sa PC: Pinakamagagandang setting para sa competitive play sa 2026

D
Dave Tach
Abr 30, 2026

Sa competitive na Fortnite, palalakasin ng mga setting ng PC mo ang mga kasanayan mo—at lamang ka kung mao-optimize mo ang mga setting mo. 

Kadalasang nag-iiba-iba ang mga PC depende sa hardware, pero naka-built in sa Fortnite ang mahusay na pag-customize, kaya mababalanse mo ang raw performance at malinaw na visuals. Isipin mo ito nang ganito: mainam ang feature na ray tracing para mapaganda nang husto ang laro, pero gagamitin nito ng sobra-sobra ang PC at puwedeng makasama ito sa napakatataas na level ng performance gaya ng frames-per-second (FPS) at minimal na input lag. 

Sa kuwentong ito, tutulungan ka naming masulit ang hardware mo para sa mataas na FPS, minimal na input delay, at naka-optimize na graphics para sa linaw sa screen nang hindi sinasakripisyo ang performance. Ipapaliwanag din namin kung paano i-customize ang iyong mga kontrol para sa maximum na efficiency at bilis. 

Pinakamahusay na mga setting ng video sa competitive na Fortnite

Para sa pagbibigay ng priyoridad sa performance ang pag-adjust ng mga setting ng video mo para sa competitive play. Ganito 'yan gawin sa mga setting ng Fortnite

Mula sa main menu, pindutin ang Esc, i-click ang gear icon, at mag-navigate sa mga setting ng Video. Pipili kami ng mga setting na nagbibigay-priyoridad sa performance sa kada seksyon, mula sa taas hanggang sa baba.

Mga Setting ng Display sa Fortnite
Display

  • Window Mode > Fullscreen para i-minimize ang input lag. Gawing sentro ng PC mo ang Fortnite, hindi lang isa sa maraming standard window. 
  • Sa ilalim ng Resolution, piliin ang default ng monitor mo, gayunman, mahalagang tandaan na maraming player ng Fortnite ang gumagamit ng 1920x1080 resolution. 
  • Vsync > Off para i-minimize ang input lag. Ipares ito sa monitor na may Freesync (AMD) o G-Sync (NVIDIA) para maiwasan ang screen tearing gamit ang mga variable refresh rate. 
  • Rendering Mode > Performance. Gumagamit ang mga setting na ito ng DirectX 12 at nagdi-disable ng "karamihan ng mga feature sa pag-render para mabawasan ang paggamit ng memory at papagaanin ang load sa CPU at GPU." Gaya ng ipinapahiwatig ng pangalan nito, nakadisenyo ito para mag-optimize para sa performance ng Fortnite .
  • Limitasyon ng Frame Rate > Walang Limitasyon. Gawing nakakapag-deliver ang laro ng pinakamarmaing frame hangga't posible. Pero kung nakakita ka ng screen tearing, i-match ito sa default na refresh rate ng monitor mo. 

Kalidad ng Graphics (Performance Mode)
 

  • Tingnan ang Distansya > Malapit. Pagtuunan ang pag-render ng mga object sa paligid mo. Nariyan ang aksyon. Mas maganda: Malinaw at kitang-kita pa rin ang mga player, kahit naka-Malapit ito. 
  • (Minimum) 3D Resolution > 100%. Kinokontrol nito ang resolution kung saan nagre-render ng mga 3D object ang Fortnite. Kung hindi mo nakukuha ang FPS performance na gusto mo, pag-isipang ibaba ito nang 10% hanggang makamit ang performance na hinahanap mo. 
  • Mga Texture > Mababa. Performance, hindi ganda, ang hinahangad namin. At maganda pa rin ang Fortnitekahit sa mga mababang setting! 
  • Mga Mesh > Mababa. Sa setting na ito, nagre-render ng mga object ang laro nang mas kaunting detalye, na nagpapaganda ng performance. 

Advanced na Graphics
 

  • Ipakita ang FPS > Naka-enable. Nagbibigay-daan ito sa iyo para makita ang real-time na performance mo. Nakakatulong din kung pagkukumparahin mo ang performance ng laro habang binabago-bago mo ang mga setting. 
  • NVIDIA Reflex Low Latency > Naka-on +Boost. Sinadyang idinisenyo ito para bawasan ang GPU latency, basta't may NVIDIA GPU ka. 

Audio

Nakabatay ang karamihan sa mga setting ng audio ng Fortnite sa personal na preference, pero nasa-stnad out naman ang dalawa. 

Mga Setting ng Tunog sa Fortnite
Tunog

  • 3D Headphones > Naka-on. Gumagawa ng 3D na tunog ang binaural audio sa headphones mo, na ginagaya ang pag-upo sa gitna ng maraming surround speaker sa tunay na buhay. Gamitin ang teknolohiyang naka-built in sa Fortnite, hindi ang anumang third party na software na gumagana sa background. 
  • I-visualize ang Sound Effect > Naka-on. Sa setting na ito, makikita mo ang direksyon ng ilang partikular na tunog ng Fortnite sa isang radial indicator. Puwedeng magbigay sa iyo ng bentahe kung alam mo kung saan nagmumula ang maiingay na bagay mula sa posisyon mo. 

Mga pinaka-competitive na tweak sa kontrol

Mahusay sa mga mechanical skill ang mga competitive na Fortnite player, at karaniwang kino-customize nila ang mga kontrol para madali nilang nagagawa ang mga karaniwang aksyon. 

Karaniwang binabawasan ng mga pinakamahusay na tsansa sa kontrol parasa competitive na laro sa Fortnite ang mga paggalaw ng kamay at daliri, kaya bina-bind nila ang mga karaniwang kontrol sa mga button ng mouse at mga key sa paligid ng WASD sa keyboard mo. 

Nartito ang ilang tweak na puwede mong isaalang-alang para sa competitive na bentahe. 

  • I-bind ang mga command sa pag-build sa mouse at keyboard mo. Gawing isang pindot lang ang dingsing, sahig, hagdan, at bubong. Magagawa mo ang mga pagbabagong ito sa tab na Mga Kontrol ng Keyboard. 
  • I-enable ang Simple Build, na nagpapadali ng pag-build at nagbibigay sa iyo ng agarang access sa mga build. Timingin sa taas at baba para makapag-build ng hagdan gamit ang pangunahing input mo. Tumingin sa unahan para mag-build ng mga dingding gamit ang sekundaryang input mo, ibig sabihin, puwede kang dumepensa ng sarili mo gamit ang pagpindot ng isang button o key. Makikita mo ito sa Laro > Pag-build. 
  • I-enable ang Simpleng Edit. Kung naka-on ito, puwede kang mag-edit ng isang piraso ng building sa isang pagpindot sa button o key. Mag-hover lang sa crosshair mo sa isang piraso ng building para baguhin ang hugis ng edit mo. Kung gusto mong mag-reset ng piraso na na-edit mo na, tingnan lang ito at pindutin ang edit. Makikita mo ito sa Laro > Pag-edit. 
  • I-bind ang Edit sa F sa keyboard mo. Ang mahalaga ay madaling pag-access. 
  • Itakda ang X at Y-axis sensitivity ng mouse mo sa saklaw na 5-10%. Makikita mo ang mga setting sa Mouse at Keyboard > Mouse Sensitivity. 
  • Gawing default ang pag-sprint. I-off anf Laro > Paggalaw > I-toggle ang Sprint sa I-off, at sa gayon, mababawasan ng isang key ang kailangan mong palaging pindutin. 

Huwag mag-atubiling sumubok ng ilang pag-bind at subukan ang mga ito kung madali sa iyo sa mga isla gaya ng Fortnite Creative, o Arena Boxfights, isang close-quarters na competitive mode kung saan naglalaban nang isa-isa o tigdalawang magkakampi ang 16 na player sa lahat ng maliliit na mapa sa combat na nakatuon sa bilis at nakabatay sa bawat round at pinapanday ang kanilang mga kasanayan para sa Battle Royale. 

Ang pinakamagagandang setting para sa Fortnite at sa iyong PC 

Simple lang ang pag-optimize ng Fortnite para sa competitive play kapag alam mo na kung ano ang hahanapin at ano ang ginagawang pag-adjust ng bawat component. 

Labas pa sa Fortnite, puwede ka ring magsagawa ng mga pag-optimize ng PC. Pagdating sa software, pag-isipang mag-quit sa ibang program na nakikipag-agawan ng mga resource ng CPU at GPU ng PC mo at nagtitiyak na gumagamit ka ng mga pinakabagong driver para sa GPU mo. Pagdating sa hardware, tataas ang data read at write speed at mababawasan ang loading time kung ii-install ang Fortnite at ang operating system mo sa isang SSD, at nagbibigay-daan ang paggamit ng gaming monitor na may mga refresh rate na 120 Hz, 144 Hz, o mas mataas para masamantala mo ang mga setting ng display na isinulat namin sa itaas. 

Isagawa ang mga inirerekomendang setting ng Fortnite sa itaas, at siguradong makakamit mo ang isang competitive advantage. Huwag mag-atubiling i-tweak ang mga ito para mahanap amo ang pinakamagandang balanse ng performance at visuals na pasok sa iyong panlasa. At good luck sa pagkakaroon mo ng susunod na Victory Royale!