Balita

Gabay sa progreso sa Save the World: mas mabilis nang mag-level up at magtayo nang mas matalino

D
Dave Tach
Abr 29, 2026

Libre nang laruin angFortnite Save the World! Tatalakayin namin kung ano ang bago, at magbibigay kami ng mga tip para sa mas mabilis na pag-usad sa laro, lalo na kung bago ka o nagbabalik pagkatapos mong mawala nang matagal. 

Ang sentro ng iyong mga operasyon ay ang Homebase Headquarters, ang kanlungan ng mga nakaligtas na tao sa post-storm na mundo. Kapag nagsisimula ka, tiyaking i-explore ang malawak na ligtas na lugar na ito at maging pamilyar sa layout at sa iyong mga kapwa survivor. 

Unawain ang iyong mga hero

May daan-daang hero sa Save the World, at napapabilang ang bawat isa sa kanila sa isa sa apat na class.

 

  • Likas na mga builder ang mga Constructor , na isang napakahalagang papel sa Save the World, isang laro tungkol sa pagtatayo ng mga base at pagtataboy ng maraming kaaway. Gagawing mas matibay at mas nakakamatay ng mga Constructor ang iyong mga base. Kaya nilang magtayo ng mga turret sa mga base para paputukan ang mga papalapit na kalaban o sumali sa labanan. 
  • Ang mga Ninja ay mga mandirigmang nakatuon sa malapitang laban, na handang iwagayway ang kanilang mga espada at maghagis ng mga throwing star mula sa kalayuan, na nagdaragdag ng range sa up-close-and-personal na class na ito. Kayang magpalakas ng mga armas ng kanilang mga ability, na siyang tumutulong sa kanilang tumalo ng mga grupo sa kada swing. 
  • Ang mga Outlander ay mahusay sa pagkalap ng resources at pagkuha ng loot, salamat sa kanilang charge ability. Kailangan pang hatawin ng ibang mga hero, halimbawa, ang mga kotse para makuha ang resources nito. Hindi ganito sa mga Outlander, na, halimbawa, ay kayang baklasin ang mga piyesa ng sasakyan sa iisang charge lamang. Pinahihintulutan din sila ng iba pa nilang offensive ability na magpadala ng mga machine na aatake o magsa-stun sa mga kalaban. Magaling din sila sa paggalaw, mabilis na nakakalibot sa mapa gamit ang kanilang phase shift ability. 
  • Ang mga sundalo ay likas na mandirigma, komportable sa mga assault rifle (AR) at mga submachine gun (SMG). Maaari silang magdala ng mga granada at minigun, at kayang mag-buff ng kanilang warcry ability ng mga kakampi at makapagdulot ng pinsala sa mga kalaban. 

Ang mga class ay mga pinaikling katawagan sa mga specialty, at kapag natutunan mo na ang mga ito, sisimulan mong itugma ang mga deskripsyon ng misyon ng Save the World sa gusto mong class. Halimbawa, sa mga Resupply mission, trabaho mong manguha ng resources, at gagawin mo ito sa pamamagitan ng pagsira ng mga bagay tulad ng mga sasakyan, puno, at dingding at pagkuha ng loot na nakatago sa loob nito. Tamang-tama ang Outlanders para sa mga Resupply mission dahil sa kanilang charge ability. 
Fortnite Save The World 3
Gamitin ang iyong mga survivor 

Makakakuha ka ng mga survivor habang naglalaro, at igugrupo mo sila sa mga Survivor Squads. Pinapataas ng mga ito ang iyong stats sa iba't ibang paraan. 

  • Nagpapataas ng health ang Fortitude
  • Pinapataas ng Offenseang damage ng iyong sandata. 
  • Pinapataas ng Resistance ang katatagan ng iyong shield at bilis ng pag-regenerate nito. 
  • Pinapataas ng Tech ang damage ng iyong mga gadget, mga hero ability, at mga trap. 

Kung mas maganda ang survivor stats mo, mas magiging malakas ang homebase mo, at kapag mas malakas ang homebase mo, mas magiging madali ang pagkumpleto ng mga misyon. 

Lalo na sa simula ng iyong paglalakbay, siguraduhing naka-on ang Autofill. Sa parang ito, mapipili ng laro ang mga pinakamagandang desisyon habang natututo ka. Sa huli, kapag lubos ka nang pamilyar sa Save the World, malaya kang gumawa ng sarili mong mga desisyon at manually na bumuo ng sarili mong mga Survivor Squad. 

Fortnite Save The World 2
Alamin ang iyong mga quest

Magsisimula ang iyong Save the World journey sa Stonewood, isa sa apat na lugar kasama ang Plankerton, Canny Valley, at Twine Peaks. Mas titindi ang hamon habang lumalaban at ipinagtatanggol mo ang sarili mo sa bawat isa dito. 

Ang bawat mapa sa Save the World ay ginawa sa paraang procedural, na epektibong lumilikha ng walang katapusang variety ng mga opsyon para sa pag-explore at pagtuklas sa mga gusali, disyerto, kagubatan, at marami pang iba. Maraming klase ng misyon sa bawat isa dito, at ang pagkumpleto ng mga misyon ay direktang paraan tungo sa pag-usad. 

Bawat lugar ay may mga misyon, at tungkulin mong kumpletuhin ang mga ito para sa XP at loot. Napakasimple lamang nito, at nag-aalok ang panimulang lugar at mga misyon ng Save the World ng simple at direktang landas tungo sa pagiging dalubhasa. Ang Quest Log sa iyong Homebase Headquarters ay parang cork board at nag-aalok sa iyo ng mga misyon, kabilang na ang mga objective at reward nito. 

Kasabay ng mga main quest ng campaign, laging nag-aalok ang Save the World ng opsyonal na mga quest—kabilang na ang mga nagre-refresh na quest araw-araw—kaya ugaliing kumpletuhin ang mga ito kapag nasa labas ka at nagsasagawa ng mga campaign mission. 

Halimbawa, kung nasa isang main quest ka, hanapin ang mga exclamation mark sa iyong minimap, na maaaring magpahiwatig ng mga quest na dapat kumpletuhin. Mag-uuwi ka ng mas marami kaysa sa kung nakatutok ka lamang sa pangunahing objective. 

Mahalaga ring tingnan ang iyong mapa para sa mga misyong partikular na nagbibigay ng mga bonus na XP. Pagkatapos mong i-highlight ang isang quest sa iyong mapa, tingnan ang Rewards section sa ibaba ng iyong screen sa kaliwa at maaari kang makahanap dito ng mga reward na Bonus XP, People XP, at Schematic XP. 

Fortnite Save The World 1
I-activate ang mga XP bonus

Kapag nakatanggap ka ng XP bonus item (halimbawa, mula sa isang Llama), siguraduhing i-activate ito at pagkatapos ay lumabas sa battlefield. Para itong isang fast-pass tungo sa mas mabilis na pag-level up. 

Kailangan ka ng sangkatauhan! Iligtas na ang mundo sa Fortnite: Save the World.