
Libre ngayong linggo ang Universe for Sale sa Epic Games Store para sa mobile

Mula Nobyembre 27 – Disyembre 4, 2025 sa Epic Games Store mobile app, maaari mong i-download ang Universe for Sale nang libre sa Android sa buong mundo at iOS sa European Union.
* Tandaan: Posibleng hindi available sa lahat ng rehiyon


Universe for Sale
Tmesis Studio
Ang Universe for Sale ay isang cozy na pagsasalaysay ng pakikipagsapalaran sa isang istasyon ng kalawakang lumulutang sa mga ulap ng Jupiter, kung saan isang misteryosong babae ang gumagawa ng buong uniberso sa mga palad niya.
Kasama sa laro ang paggalugad sa kakaibang kolonya na ito, mula sa mga kakaibang tindahan nito, hanggang sa mga teahouse, at hanggang sa mga hindi gaanong kaakit-akit na bahagi ng bayan. Saan ka man magpunta, makakatagpo ka ng mga kakaibang naninirahan at unti-unti mong matutuklasan ang misteryo sa puso ng cozy na larong ito—na nagsimula bilang isang komiks.
“Hindi namin nilayong gumawa ng ‘cozy na laro,’” pahayag sa Epic Games Store ng Art Director ng Tmesis Studio na si Zeno Colangelo. “Sa katunayan, ang kuwento ay orihinal na nagsimula bilang isang komiks na binuo ko ilang taon na ang nakalilipas. Nang magsimula kaming mag-isip ng mga ideya ni Federico [Chiummento] para sa isang laro, muling lumitaw ang lumang proyektong iyon. May tono, bilis, at intimacy na itong parang perpekto para sa interaktibong anyo. Sinunod lang namin ang sa palagay nami’y tama—ang salaysay na may buhay, at sining na may damdamin ng tao. Pero marahil iyon ang ibig sabihin ng cozy: ang hindi pagmamadali, labis na pagdidisenyo, o pagiging nakakalula.”
Makikita mo ang matibay na estilo ng sining ni Colangelo sa bawat bahagi ng Universe for Sale, sa bawat lokasyon at tao, tao man sila, unggoy, kalansay, o robot.
“Palaging umiikot ang trabaho ko sa paghahanap ng estilo na, gaano man kakaiba o surreal, ay nagdadala pa rin ng kalmado at relaks na pakiramdam,” aniya. “Natural na lumago ang Universe for Sale mula sa diskarteng iyon—pagpapatuloy ng parehong pagnanais na lumikha ng tahimik, at introspektibong mga mundong parang gawa sa kamay at buhay. Palagi akong naaakit sa mga larong nagbibigay ng puwang sa maliliit na emosyon at pang-araw-araw na kagandahan, na nag-aanyaya sa player na magdahan-dahan, mag-obserba, at makakonekta sa pagiging tao sa likod ng screen.”
I-download na ang Universe for Sale nang libre sa mobile, at tingnan ang Epic Games Store para tuklasin ang lumalaking catalog. At kung interesado ka sa higit pang feature, gabay, at balita tungkol sa lahat ng video game, tingnan din ang page ng balita ng Epic Games Store.