Age of Wonders 4: Starter Edition
Mga Genre
Age of Wonders 4: Starter Edition
Sakupin ang mga kaharian at buoin ang kuwento ng iyong tagumpay habang ginagawa mo ang mga una mong hakbang sa Age of Wonders 4, ang kilalang fantasy strategy game na maglalagay sa iyo sa isang mundong may arcane power, naglalaban-labang mga imperyo, at walang hanggang posibilidad. Buoin ang perpekto mong pangkat mula sa umpisa, pagkatapos ay palawakin ang saklaw mo sa pamamagitan ng pagsakop, diplomasya, o pagiging tuso — na siyang huhubog sa katangian ng iyong mga tao sa bawat desisyong gagawin mo sa di-mabilang na mga mahiwagang kaharian.
Ang Starter Edition ay nagbibigay sa iyo ng access sa base game, isang Expansion, isang Content Pack, at ilang opsyon sa pag-customize sa leader para maging masagana at kapaki-pakinabang na karanasan ang mga unang pagsabak mo sa Age of Wonders 4.
Kasama sa Age of Wonders 4: Starter Edition ang mga sumusunod:
Age of Wonders 4:
Pamahalaan ang isang kaharian ng pantasya na sarili mong disenyo sa Age of Wonders 4! Tumuklas ng mga bagong mahiwagang kaharian sa signature blend ng 4X strategy at turn-based tactical combat ng Age of Wonders. Kontrolin ang isang lumalaki at nagbabagong pangkat habang pinapalawak mo ang iyong imperyo sa bawat turn. I-claim at pag-aralan ang Mga Tome of Magic para mag-evolve ang mga tao mo, at maghanda para sa isang epic na labanan na magtatakda sa mangyayari sa mga darating na panahon!
Age of Wonders 4: Dragon Dawn:
Tanggapin ang kapangyarihan ng Mga Ancient Dragon Lord sa Age of Wonders 4: Dragon Dawn Content Pack. May mga bagong feature tungkol sa mga dragon, para sa mga dragon, na posibleng gawa ng mga dragon, na magdadala sa iyong mga mahiwagang ambisyon tungo sa mas matinding antas! Mula sa iyong Dragon Throne, bumuo ng mga imperyong tinitirhan ng mga reptilian minion, gumamit ng draconic magic na tumutuon sa pagbabago ng iyong mga tao, at sa unang pagkakataon, maglaro bilang Dragon Ruler at pagliyabin mo ang mga kaharian!
Age of Wonders 4: Empires & Ashes:
I-fuse ang mahika at bakal para gumawa ng malalakas na weapon para sa digmaan sa Age of Wonders 4: Empires & Ashes Expansion. Wasakin ang mga kaharian ng Godir gamit ang brutal na kulturang Reaver, at palibutan ng mga kanyon at war machine ang mga lungsod. Maghanap ng bagong uri ng tagumpay sa pamamagitan ng pag-unlock ng mga sikreto ng Seals of Power para masakop ang Astral Sea!
Age of Wonders 4: Pre-Order Content Pack:
Sakupin ang iyong mga kaaway at pamunuan ang mga lupain kasama ang Tigran hero na si Aric Rex at isang eksklusibong set ng lion plate armor, Athlan crown, at Imperial Cape.
Age of Wonders 4: Archmage Attire:
Ang pananamit ng Wizards of Magehaven ay sinadya para mapahanga ka, na kumakatawan sa malalaki nilang personalidad at ambisyon. Ang outfit pack na ito ay nag-a-unlock ng bagong set ng mga damit na maisusuot mo nang buo o maaari mong iterno sa iba pang item.
Mga Edisyon ng Age Of Wonders 4
Mga Rating ng Player sa Epic
Nakuha mula sa mga player sa ecosystem ng Epic Games.
4.7
Ang larong ito ay may
Ang larong ito ay
Ang larong ito ay
Ang larong ito ay may
Ang larong ito ay
Ang larong ito ay may
Mga Rating at Review para sa Age Of Wonders 4
93%
Inirerekomenda ng Mga Kritiko82
Pinakamataas na Average ng KritikoMalakas
Rating ng OpenCritic
Kinakailangan sa System ng Age of Wonders 4: Starter Edition
Minimum
Inirerekomenda
OS
Windows® 10 Home 64 Bit
OS
Windows® 10 Home 64 Bit o Windows® 11
Processor
Intel® Core™ i5-2500K o AMD® Ryzen™ 5 1600X
Processor
Intel® Core™ i7-9700K o AMD® Ryzen™ 5 5600X
Memory
8 GB
Memory
16 GB
Storage
20 GB
Storage
>20 GB
Graphics
Nvidia® GeForce™ GTX 670 (2GB) o AMD® Radeon™ HD 7870 (2GB) o Intel® Arc™ A380 (6GB) o Intel® Iris™ Xe G7 (Tiger Lake)
Graphics
Nvidia® GeForce™ GTX 1070 Ti (8GB) o AMD® Radeon™ RX 5700 XT (8GB)
Iba Pa
1080p (30FPS)
Iba Pa
1080p (60FPS)
Mga Kinakailangang Account sa Pag-log in
Epic Games
Mga Wikang Sinusuportahan
AUDIO: English, TEXT: Ingles, Espanyol - Spain, French, German, Japanese, Korean, Polish, Chinese - Simplified, Russian
©2023 binuo ng Triumph Studios at inilathala ng Paradox Interactive AB. Ang AGE OF WONDERS 4, TRIUMPH STUDIOS at PARADOX INTERACTIVE ay mga trademark at/o mga nakarehistrong trademark ng Paradox Interactive AB sa Europe, sa U.S. at sa iba pang bansa
Patakaran sa Pagkapribado (Magbubukas ng bagong tab)



