End of Abyss Demo
Mga Genre
Mga Tampok
Maglaro bilang Cel sa Fortnite
Bilhin ang End of Abyss sa Epic Games Store at makuha ang Cel Outfit sa Fortnite bilang regalong kasama ng biniliEnd of Abyss Demo
Sa mga kasulok-kasulukan ng misteryosong compound sa ilalim ng lupa, magiging kahindik-hindik na pagbagsak sa magulo at abandonadong mundo ang misyong mag-imbestiga sa mga kaguluhang hindi matukoy ang pinagmumulan. Maglaro bilang ang batang combat technician na si Cel habang tinutuklas niya ang katotohanan sa likod ng mga abandonadong parte ng pasilidad at hinaharap niya ang mga katakot-takot na nilalang na gumagala sa mga ito.
Pumasok sa Abyss
Bumaba sa mga bulwagan ng malawak na complex, kung saan bumubulong sa iyo ang mga sirang makina mula sa kailaliman, at wala kang makakasalubong na ganap na tao.
Lumaban para Mabuhay
Habang nadaraig ka ng mga kakila-kilabot na pangyayaring kinakaharap mo, dapat i-upgrade mo ang iyong mga gamit at umayon ka. Itutulak mo ang iyong sarili para lang manatiling buhay laban sa matinding pressure ng pasilidad kung saan ka nakulong.
Tuklasin ang Mga Nawawalang Landas
Mag-navigate sa mga sanga-sangang landas at tumuklas ng mga nakatagong lugar gamit ang iyong Scanner at mga tool na maa-unlock mo habang nagpapatuloy ka. Magbubukas ang mga landas habang lumalakas ka at bibigyang-daan ka nitong makabalik sa mga nakalimutang pasilyo at mga lihim na nakatago noon.
Binuo ng Section 9
Naghahatid angEnd of Abyss ng nakatutok at immersive na karanasang hinubog ng maliit na team sa Malmö, Sweden, na pinangungunahan ng mga bihasang developer na kilala sa pagbuo ng mga patok na laro.
Kinakailangan sa System ng End of Abyss
Minimum
Inirerekomenda
Bersyon ng OS
Windows 10
Bersyon ng OS
Windows 11
CPU
Intel Core i5-6600 / AMD Ryzen 5 2400G
CPU
Intel Core i7-11700K / AMD Ryzen 5 3600
Memory
8 GB
Memory
16 GB
GPU
NVIDIA GeForce GTX 1060 / AMD Radeon RX 6500 XT / Intel Arc A380
GPU
NVIDIA GeForce GTX 1070 Ti / AMD Radeon RX 6650 XT / Intel Arc A750
DirectX
DirectX 12
DirectX
DirectX 12
Storage
SSD - Installation Size: 5.29 GB
Storage
SSD - Installation Size: 5.29 GB
Mga Kinakailangang Account sa Pag-log in
Epic ID
Mga Wikang Sinusuportahan
Audio: N/A
Text: Ingles, Pranses, Aleman, Tsino (Pinasimple), Tsino (Tradisyonal), Italyano, Hapon, Koreano, Polako, Portuges (Brazil), Ruso, Turko, Espanyol (Latin America), Espanyol (Spain), Olandes, Indonesyo
Developed by Section 9 Interactive AB. Published by Epic Games, Inc. ©2026 Section 9 Interactive AB. All rights reserved.
Patakaran sa Pagkapribado (Magbubukas ng bagong tab)