Kumitantei: Old-School Slaughter
Ilagay ang petsa ng kapanganakan mo para magpatuloy
Tingnan ang aming patakaran sa pagkapribado
Kumitantei: Old-School Slaughter
Mga Genre
Mga Tampok


Posible bang mabuhay?
Isang episodic murder-mystery ADV cardbattler ang Kumitantei™: Old-School Slaughter na magiliw na pagsasamahin ang retro anime analog horror at killing game! Binubuo ang Kumitantei ng 6 na episode, magsisimulang ilabas sa early 2026.
"Ang Imperyo ng Japan, 1989... Nagising sa gitna ng gumuguho at lumang bunker, labing-anim na elite Absolute Students ang na-trap sa isang pumatay-o-mapatay na Apathy Experiment. Magtutulungan ba sila para ibunyag ang mga lihim ng anemoic alternate past na ito, o maglalaho ang kanilang pagiging tao at mga buhay sa kasalukuyan?"
Sa visual style na hango sa Urusei Yatsura ni Rumiko Takahashi at '80s anime, kasabay ng mga klasikong Japanese mystery-adventure games tulad ng Danganronpa at Ace Attorney, isasabak ka ng Kumitantei™ sa isang makapanindig-balahibong kuwento ng isang character-driven na killing game kung saan ang mga deckbuilding at detective skill mo ang tanging susi para mabuhay. Isa itong creepy-cute na love letter sa maraming dekada ng ADVs na kakikitaan ng maraming inspirasyon: tamang-tama para sa mga tagahanga ng mga visual novel, mga detective game, at mga deckbuilder na may malalalim na naratibo.

Mga Feature:
Makipag-bonding sa mga kaklase mo! Kilalanin ang Absolute Class ng '89 sa pamamagitan ng pakikinig sa kanila, pagbibigay sa kanila ng mga regalo, at pagtanggap ng malalakas na card na magagamit mo sa mga debate!
Imbestigahan ang mga karumal-dumal na pagpaslang! Gamitin ang iyong detective skills para siyasatin ang mga crime scene ng mga kaklase mong pinatay at dalhin ang iyong ebidensiya sa paglilitis!
Malampasan ang paglilitis! Basagin ang mga kasinungalingan at patunayan ang iyong kaso. Hango sa Ace Attorney at cult classic na Danganronpa series, mauuwi lamang ang mga Clinical Trial sa pagdanak ng dugo, kung hindi dugo ng salarin ay dugo ng lahat!
Buoin ang iyong deck! Gumawa ng mga absolute combo gamit ang mga card na mahahanap mo sa Bunker at sa pamamagitan ng pakikipag-bonding sa iyong mga kaklase para manaig sa mga debate at mga paglilitis!
Maglagay ng barya! Subukin ang iyong retro gaming skills sa samot-saring anemoic riffs na tapat na binuo mula sa mga tunay at old-school na arcade icon!
Mga Available na Achievement
Kinakailangan sa System ng Kumitantei: Old-School Slaughter
Minimum
Inirerekomenda
Bersyon ng OS
Windows 10 (64-bit)
Bersyon ng OS
Windows 10 / 11 (64-bit)
CPU
6th Gen i5/1st Gen Ryzen Series
CPU
8th Gen i5/3rd Gen Ryzen Series
Memory
6GB
Memory
8GB
GPU
NVIDIA GeForce GTX 1050 / AMD Radeon RX 560 (2GB VRAM)
GPU
NVIDIA GeForce GTX 1660 Super / AMD Radeon RX 5600 XT
DirectX
DirectX 12
DirectX
DirectX 12
Storage
5GB
Storage
5GB
Mga Kinakailangang Account sa Pag-log in
Epic ID
Mga Wikang Sinusuportahan
Audio: Ingles
Text: Ingles, Tsino (Pinasimple), Hapon, Espanyol (Spain)
© 2026 Mango Factory LLC. All rights reserved.
Patakaran sa Pagkapribado (Magbubukas ng bagong tab)

