Old World - Empires of the Indus

Isang makapangyarihang empire ang nangunguna sa subcontinent, tatlong dinastiya ang nagtatagisan para pagharian ang mga hangganan nito sa timog, at isang dakilang tribo ang bumubuo ng sarili nitong empire sa hilaga – naka-set na ang stage. Pamunuan ang mga tao ng subcontinent sa loob ng 600 taon ng maligalig na kasaysayan.

Old World - Empires of the Indus

TUNGKOL SA CONTENT NA ITO

Sa Old World - Empires of the Indus, dadalhin ka sa isang makulay at maligalig na mundo kung saan naghahari ang malalakas na dinastiya at ang mga tanyag nilang kaharian. Palakihin ang makapangyarihang Mauryan Empire, pamunuan ang malalaking tribo ng Yuezhi para mabigyan ng bagong kapalaran ang Kushan Empire, o iangat ang reputasyon ng Tamilakam kasama ang tatlong dakilang kaharian ng Sangam. Palawakin pa ang sakop mo mula sa Indus at pagharian ang sinaunang mundo!

01-pic

Sa Empires of the Indus, may tatlong bagong nasyon na puwedeng laruin, at may isang pangunahing player na kumakatawan sa bawat isa sa loob ng 600 taon ng kaguluhan at oportunidad na magpapabago sa subcontinent para sa mga darating na siglo:

  • Ang mga Maurya ay mga pinuno ng isang makapangyarihang Iron Age empire na minsang naghari sa buong rehiyon sa loob ng maraming siglo sa ilalim ng pamumuno nina Chandragupta at Ashoka. Mamuno at magtatag ng mahusay na legacy para sa mga taong nasasakupan mo na magpapabago sa mundo sa darating na milenya. Pumili ng isa sa anim na makapangyarihang pamilya para maipalaganap ang empire nito, na puwedeng sa pamamagitan ng malalakas at mapapanganib nilang Assault Elephant at Armored Elephant, o sa pamamagitan ng espirituwalidad sa pagtatatag ng Buddhism bilang bagong Relihiyong Pandaigdigan, kung saan ang kahanga-hangang Mahabodhi Temple ang Banal na Lugar nito.

  • Ang mga Yuezhi , na dating mga nomad, ang nagtatag ng dakilang Kushan Empire sa ilalim ng pamumuno ni Kujula, na lumawak pa mula sa Bactria hanggang sa Gangetic Plain, dahil sa pagtatagumpay ni Kanishka sa larangang militar. Pamunuan ang malalakas na horse lord na ito habang sinisikap nilang pagkaisahin ang mga tribo gamit ang natatangi nilang Vassalize Tribe Mission, kung saan sapilitan silang nakikipag-alyansa sa kahit anong tribong nasyon na mas mahina sa kanila. At kapag hindi gumana ang pananakot, puwede namang lantarang manakop – ang mga yunit ng Kushan Cavalry at Kushan Warlord ang unang sumasalakay at nananalo sa mga digmaan gamit ang Shock Cavalry ability nila.

  • Ipinapakita ng Tamilakam ang pag-angat ng kulturang Sangam bilang isang nasyon kung saan nagkakaisa ang tatlong sinaunang kahariang Tamil sa ilalim ng isang bandila. Pamunuan ang Cholas, Cheras, o Pandyas – na inirerepresenta bilang mga pamilya – habang nag-aagawan sila sa kapangyarihan. Ilagay ang mga karakter sa mga maimpluwensiyang posisyon para mabigyan ng kapangyarihan ang mga pamilya, na posibleng magpabago sa lider at kapital ng nasyon, kung saan magagamit nila ang natatangi nilang benepisyo habang nakaupo sa trono. At kung may manghimasok mang tagalabas, gagamitin ang Javelin Elephant at Elephant Archers ng Tamilakam bilang matibay na depensa.

Kasama rin sa expansiton na ito ang yamang hatid ng iba pang bagong content, gaya ng sumusunod:

  • Ang mga Hun - bago pa makilala si Genghis Khan, lumabas na sa Steppes ang mga Hun para pagharian ang sinaunang mundo. Mas malupit ang bagong tribong ito kaysa sa iba nilang mga karibal, at mabigat silang kalaban ng sinumang magtatangkang manakop sa kanila. Tampok din dito ang mga event na may kinalaman sa pinakasikat na anak ng grupong ito na si Attila the Hun.

  • Mga Relihiyon : Dalawa ang relihiyon sa subcontinent na ito. Nagsimula sa Hinduism ang lahat ng tatlong bagong nasyon. Ipinalaganap ang pananampalatayang ito sa mga Shrine at pinagtrabaho ang mga disipulong Brahmin para magtayo ng mga gusaling panrelihiyon at magtatag ng mga Teolohiya. Samantala, puwedeng itatag ng mga Mauryan ang Buddhism bilang isang bagong Relihiyong Pandaigdigan sa pamamagitan ng isang natatanging proyekto, habang puwede rin itong gawin ng iba kapag nagkaroon na ang mundo ng apat na pandaigdigang Teolohiya at naipatupad na ang batas ng Pilosopiya.

  • Apat na bagong Wonder , isa para sa bawat level ng kultura:

    • Ang Dakilang Stupa sa Sanchi, na isang monumento mula sa panahon ng kapayapaan na nagbigay-daan sa pagtatayo sa bawat lungsod ng Pillar Edicts, na nagpapalakas sa legitimacy at sibika.

    • Ang prestihiyosong Mahavihara , na isang lugar para sa mahusay na pag-aaral na nagpapalakas sa agham at sibika.

    • Ang mga Monumental na Buddha , na isang patunay sa pagkakaisa ng relihiyon na nagpapalakas sa opinyon at kultura para sa bawat relihiyon sa loob ng isang nasyon, pati na rin sa pagpapalaganap ng Buddhism.

    • Ang makapangyarihang Chittorgarh Hill Fort, na nagbibigay ng dagdag na kalusugan sa host city nito at nagpapagaling ng mga yunit sa loob ng lahat ng teritoryo ng lungsod.

  • Ang uri ng halaman sa Gubat, na parang kakahuyan pero may mas matibay na ranged defense at movement penalty.

  • Mahigit 200 bagong event, 60 bagong ambisyon, 11 bagong Cognomen, at apat na bagong rare resource tulad ng Jade, Silk, Spices, at Ebony.

  • Tatlong bagong mapscript at limang pre-made map, na sumasaklaw sa lahat mula sa buong subcontinent hanggang sa mas maliliit na duel map na naka-set sa Indus Valley o sa Bactria na napalilibutan ng lupa.

Pag-isahin ang sinaunang mundo ng Timog Asya, at itatag ang golden age para sa mga tao sa Indus!

02-pic

I-follow Kami

Kinakailangan sa System ng Old World - Empires of the Indus

Minimum

Inirerekomenda

OS

Windows® 10 (64-bit)

OS

Windows® 10 (64-bit)

Processor

Intel® Core™ i5-4570 (quad-core) / AMD® Ryzen™ 3 2200G (quad-core)

Processor

Intel® Core™ i5-8600K (hexa-core) / AMD® Ryzen™ 7 1700X (octa-core)

Memory

8 GB RAM

Memory

16 GB RAM

Storage

10 GB

Storage

10 GB

DirectX

11

DirectX

12

Graphics

NVIDIA® GeForce® GTX 750 (2 GB) / AMD® Radeon™ HD 7950 (3 GB)

Graphics

NVIDIA® GeForce® GTX 1060 (6 GB) / AMD® Radeon™ R9 390X (8 GB)

Mga Kinakailangang Account sa Pag-log in

Epic Games

Mga Wikang Sinusuportahan

  • Ingles, Espanyol - Spain, French, German, Chinese - Simplified, Chinese - Traditional, Japanese, Portuguese - Brazil, Russian, Korean

Copyright © 2021 Mohawk Games. Old World is a trademark of Mohawk Games. All rights reserved.

Patakaran sa Pagkapribado (Magbubukas ng bagong tab)
* Ang pinakamababang presyong iniaalok sa Epic Games Store sa huling 30 araw bago ang diskuwento