Super Meat Boy 3D

4.8
Mahuhusay na Boss Battle
  • Super Meat Boy 3D-eupjl
Ang sikat at napakahirap na platformer – nasa 3D na ngayon!

Kunin ang Super Meat Boy Sidekick sa Fortnite

Bilhin ang Super Meat Boy 3D sa Epic Games Store at makuha ang Super Meat Boy Sidekick sa Fortnite bilang regalo sa pagbili.

Ang Super Meat Boy 3D ay isang napakahirap na platformer game kung saan gaganap ka bilang isang animated cube ng karne na sinusubukang iligtas ang kanyang kasintahan (na nagkataong gawa sa mga benda) mula sa isang masamang fetus na nasa loob ng garapon at nakasuot ng tux – SA 3D! Tatalon ang ating meaty hero mula sa mga pader, tatawid sa napakaraming umiikot na lagari, dadaan sa mga gumuguhong kuweba at mga tambak ng lumang basura upang isakripisyo ang kanyang sariling kaligtasan at mailigtas ang kanyang binibining nasa panganib – SA 3D. Ibinabalik ng Super Meat Boy 3D ang matinding hamon ng mga classic na retro title na kilala at minamahal nating lahat, at pinasimple ito hanggang sa maging walang paligoy-ligoy, diretsahan, at twitch reflex na platforming. Habang patindi nang patindi ang hamon mula sa mahirap hanggang sa nakadudurog ng kaluluwa, haharapin ni Meat Boy ang mayayabong (ngunit nagliliyab) na mga kagubatan, malalawak na tambakan ng basura na puno ng mga itinapong bagay ng sangkatauhan, at mga makabagong pandayan na gumagawa mismo ng mga patibong na tiyak na papatay kay Meat Boy nang paulit-ulit - SA 3D! At kung hindi pa sapat ang napakaraming level, mayroon ding mga epic boss fight at napakaraming lihim na maaaring ma-unlock – SA 3D!

Mga Tampok

  • Matinding precision platforming action

  • Malulupit ngunit patas na mga level na idinisenyo para mawalan ka ng pag-asa.

  • Boss. Fights.

  • Mga level sa Dark World na sa sobrang hirap, mapapasigaw ka sa ilalim ng ulan habang nakatayo sa isang bus stop.

  • Isang soundtrack na minsang inilarawan ng isang empleyado ng Guitar Center bilang “hoy, bilhin n’yo na 'yong mga gitara o umalis na kayo rito. Seryoso, tatawag na kami ng pulis."

  • 3D

Mga Available na Achievement

Acid Boy
50 XP
Bandage Girl
20 XP
Brownie
20 XP
Commute Boy
50 XP
Core Boy
50 XP

Mga Edisyon ng Super Meat Boy 3D

Mga Rating ng Player sa Epic

Nakuha mula sa mga player sa ecosystem ng Epic Games.

4.8

Ang larong ito ay may

Mahuhusay na Boss Battle

Kinakailangan sa System ng Super Meat Boy 3D

Minimum

Inirerekomenda

Bersyon ng OS

Windows 10

Bersyon ng OS

Windows 10

CPU

AMD Ryzen 3 3100 o Ryzen 5 2400G, Intel Core i3-10100 o i5-9400

CPU

IntelCore i5-13400 o Ryzen 5 7600

Memory

8 GB

Memory

16 GB

GPU

AMD Radeon RX 6400 o NVIDIA GTX 1050 Ti / 1650

GPU

NVIDIA GeForce RTX 2070 o AMD Radeon RX 5700 XT

DirectX

DirectX 12

Mga Kinakailangang Account sa Pag-log in

Epic ID

Mga Wikang Sinusuportahan

  • Audio: N/A

  • Text: Espanyol (Spain), Aleman, Ruso, Portuges, Koreano, Tsino (Pinasimple), Hapon, Pranses, Ingles

© 2025 Team Meat. Super Meat Boy™ is trademark Team Meat. All Rights Reserved. © 2025 Headup GmbH, all rights reserved. © 2025 Sluggerfly

* Ang pinakamababang presyong iniaalok sa Epic Games Store sa huling 30 araw bago ang diskuwento