Ano ang Super Meat Boy Sidekick?

Ang Super Meat Boy Sidekick ay isang in-game cosmetic na magagamit mo sa Fortnite simula Marso 31, 2026.

Paano ko makukuha ang Super Meat Boy Sidekick?

Anumang pagbili ng Super Meat Boy 3D sa Epic Games Store simula Marso 31, 2026 ay magbibigay sa iyo ng Super Meat Boy Sidekick sa Fortnite sa Marso 31, 2026.

Sa paglunsad ng laro sa Marso 31, 2026, makakatanggap din ang mga bibili ng Super Meat Boy 3D ng Super Meat Boy Sidekick sa Fortnite simula Marso 31, 2026. Siguraduhin lamang na bibilhin mo ang Super Meat Boy 3D gamit ang parehong Epic account na ginagamit mo sa paglalaro ng Fortnite.

Maaaring bilhin ang Super Meat Boy Sidekick sa Fortnite Shop sa ibang petsa.

Kung bibilhin ko ang Super Meat Boy 3D sa Epic Games Store, magpapakita din ba ang Super Meat Boy Sidekick sa Fortnite Locker ko sa iba pang platform? (PlayStation, Xbox, Nintendo, atbp.)

Oo! Kung naka-sign in ka gamit ang iyong Epic account sa PC o mobile, o kung nakakonekta ang iyong (mga) console account sa iyong Epic account, magpapakita ang Super Meat Boy Sidekick sa iyong Fortnite Locker simula sa Marso 31, 2026.

Ano ang mangyayari kung nabili ko na ang Super Meat Boy Sidekick sa Fortnite Item Shop at pagkatapos ay bumili ako ng Super Meat Boy 3D sa Epic Games Store?

Kung nabili mo na ang Super Meat Boy Sidekick, makakatanggap ka na lamang ng 1,500 V-Bucks sa Fortnite bilang kapalit ng Super Meat Boy Sidekick.

Sa akin pa rin ba mapupunta ang Super Meat Boy Sidekick kung ipa-refund ko ang binili kong Super Meat Boy 3D sa Epic Games Store?

Kung ipapa-refund mo ang iyong pagbili ng Super Meat Boy 3D sa Epic Games Store, mawawala ang iyong Super Meat Boy Sidekick sa Fortnite kung nakuha mo ito sa pagbili mo ng Super Meat Boy 3D.

Gaano katagal magiging available ang alok?

Ang Super Meat Boy Sidekick sa Fortnite ay mananatiling available hangga't ipinagbibili ang Super Meat Boy 3D sa Epic Games Store.

Paano ko malalaro ang Fortnite?

I-download at laruin ang Fortnite mula sa mga sumusunod na lugar:

  • PC - Fortnite.com/download

  • PlayStation - PlayStation Store

  • Xbox - Microsoft Store

  • Nintendo Switch - Nintendo eShop

  • Nintendo Switch 2 - Nintendo eShop

  • Android - Epic Games Store sa mobile

  • iPhone:
    Kung nakatira ka sa United States (US), available ang Fortnite mula sa App Store.
    Kung nakatira ka sa European Union (EU), available ang Fortnite sa Epic Games Store sa mobile. Bilang alternabito, maaaring maglaro ng Fortnite ang mga iPhone user sa EU sa pamamagitan ng AltStore PAL.
    Kung hindi ka nakatira sa US o sa EU, hindi available ang Fortnite para ma-download sa iPhone sa pagkakataong ito.

  • iPad:
    Kung nakatira ka sa United States (US), available ang Fortnite mula sa App Store.
    Kung nakatira ka sa European Union (EU), available ang Fortnite sa Epic Games Store sa mobile. Bilang alternatibo, maaaring maglaro ng Fortnite ang mga user ng iPad sa EU sa pamamagitan ng AltStore PAL.
    Kung hindi ka nakatira sa US o sa EU, hindi available ang Fortnite para ma-download sa iPad sa pagkakataong ito.

Maaari mo ring laruin ang Fortnite sa pamamagitan ng cloud streaming (a.k.a. cloud gaming):

  • Xbox Cloud Gaming

  • NVIDIA GeForce NOW

  • Amazon Luna