Tennis Manager 26
Mga Genre
Mga Tampok
Sumabak sa pinaka-advanced na tennis management experience. Pamahalaan ang iyong academy at mag-recruit ng best players mula junior to pro!
OVERVIEW NG LARO
Magtayo o mamahala ng sarili mong academy. Linangin ang promising na talento, kumuha ng tamang staff, pangasiwaan ang scouting, mag-customize ng mga training plan, pamahalaan ang iyong budget, at mag-invest sa (state-of-the-art/modern) na mga pasilidad upang mangibabaw sa mga kumpetisyon.
Mag-iwan ng marka sa world stage. Akyatin ang mga ranggo, pabilibin ang board, at i-unlock ang pagkakataon na maging national team captain para mapamunuan ang iyong bansa tungo sa international success.
Mag-coach in real time. Gamitin ang fully upgraded 3D match engine para sundan ang bawat point nang live, i-adapt ang iyong strategy nang mabilisan, at tulungan ang iyong mga player na mautakan ang sinumang kalaban.
Subukan ang brand-new na MY PLAYER career mode. Maging rising star sa tour. Bumuo at mag-customize ng sarili mong avatar, hasain ang iyong skills sa isang mala-RPG na progression system, pamahalaan ang iyong imahe at mga endorsement, at abutin ang GOAT status sa loob at labas ng court.
ANO ANG BAGO SA SEASON NA ITO
Isang redesigned interface na binuo para sa mga manager
Sa Tennis Manager 26, lubos na binago ang interface upang maghatid ng pinakapulido at pinaka-intuitive na experience sa kasalukuyan. Pinasimple na ang navigation para mabawasan ang di-kinakailangang back-and-forth, habang pinapanatili naman ang lahat ng lalim at impormasyon na inaasahan ng mga matagal nang player.
Mas malinaw, mabilis, at organisado na ang lahat ngayon, na siyang magbibigay-pagkakataon sa iyo na pamahalaan ang iyong academy at mga player nang mas efficient kaysa dati. Bibigyan ka ng brand-new na Home screen ng agarang overview sa mundo ng tennis at magpapanatili sa iyong up to date sa mga pangunahing resulta, mga paparating na event, at importanteng impormasyon na makikita sa isang sulyap lang.
Kumilos nang walang kahirap-hirap sa laro salamat sa mga bagong dropdown menu, at pamahalaan ang iyong mga player sa ilan lamang na mga click sa mga men's, women's, o junior circuit.
May mga bagong lengguwahe rin na sinusuportahan ang larong ito, kabilang na dito ang Portuguese, Russian, at Simplified Chinese, na ginagawang mas accessible ang Tennis Manager 26 sa buong mundo.Idinisenyo ang Tennis Manager 26 nang may iisang layunin: unahin ang mga player at manager.
Isang Bagong Game Mode: My Player
Available na sa PC at mobile, direkta kang ilalagay ng My Player sa posisyon ng isang sumisikat na tennis star.
Buoin ang pangarap mong player, akyatin ang mga ranggo, at labanan ang world's best.
Bilang pro athlete, nasa sa iyo ang bawat desisyon: pumirma sa isang club, sumali sa national federation, o mag-train sa isang prestihiyosong academy, hawak mo ang desisyon.
Mag-training nang husto, mag-unlock ng malalakas na skill gaya sa isang RPG, at i-personalize ang iyong game plan para mautakan ang iyong mga karibal.
Sa court, i-manage ang iyong heart rate, i-adjust ang iyong mga tactic, at manatiling alerto sa mahahalagang sandali.
Manalo ng mga laban, mangibabaw sa mga tournament, at palakasin ang iyong popularidad at impluwensiya sa loob at labas ng court. Mararating mo ba ang tuktok… at magiging ultimate GOAT?
Mga Bagong Tracking Tool Para Mag-manage Na Parang Pro!
Magpapakilala ang Tennis Manager 26 ng mga bagong feature na idinisenyo upang mapaganda ang iyong management experience.
Makakatulong ang bagong Notes tab para mapanatili kang organisado sa pamamagitan ng pag-track ng mga obserbasyon, target, o mga partikular na player sa buong season, isang mahalagang tool para sa sinumang seryosong manager.
Nagbibigay-daan ang bagong Leaders & Classes system para mas epektibo mong ma-analyze at mapaghambing ang mga player. I-track ang mga top performer sa mga pangunahing area gaya ng pag-serve, return, at mga pressure point, at tingnan kung paano mag-perform ang iyong mga player laban sa mga player na pareho ng class.
Pinaganda na rin ang matchday experience: i-enjoy ang pinagandang pre-match briefings, strategic Insight Reports na may mga taktikal na suhestiyon, at mas dynamic na in-match interface.
Idinisenyo ang lahat para palalimin ang iyong strategic immersion at bigyan ka ng higit pang kontrol sa bawat sandali.
Higit Pang Customization Kaysa Dati
Piliin ang iyong player mula sa 5,000 totoo o kathang-isip na mga profile at makipaglaban sa 2,000+ na tournament sa buong mundo.
Sa Tennis Manager 26, 125+ bagong piraso ng gear ang idinagdag: mga racket, outfit, sapatos at higit pa, kaya mabibigyan mo ang iyong player ng perfect look para sa 2026 season.
Nariyan pa rin ang Editor na magbibigay sa iyo ng higit pang kontrol sa iyong universe. At ngayon, kapag sinimulan mo ang iyong karera, maaari kang gumawa ng maraming player o i-import sila mula sa ibang savefile; maaari mong piliin na ilagay sila sa iyong academy o hayaan silang mag-develop nang kusa!
Tennis Manager 26 ang ultimate tennis management experience. Sumabak sa pinakakumpletong tennis sim na nabuo at samahan ang passionate na komunidad ng mga manager at tagahanga.
Ibahagi ang iyong mga taktika, ipamalas ang tagumpay ng iyong academy, at makipagpalitan ng mga ideya sa ibang mga player mula sa iba't ibang dako ng mundo.
I-follow kami sa Discord at social media para manatiling updated sa mga paparating na feature at content!
Mga Available na Achievement
Kinakailangan sa System ng Tennis Manager 26
Minimum
Inirerekomenda
Bersyon ng OS
Windows 10 64-bit
Bersyon ng OS
Windows 10 64-bit
CPU
AMD Ryzen 3 / Intel i3 (dual-core 2.5 GHz)
CPU
AMD Ryzen 5 / Intel i5 (quad-core 2.8 GHz)
Memory
8 GB
Memory
16 GB
GPU
6GB, ATI Radeon R9 / NVIDIA GeForce GTX 960
GPU
8GB, AMD Radeon R9 Fury / NVIDIA GeForce GTX 1060
DirectX
DirectX 11
DirectX
DirectX 11
Storage
4 GB
Storage
4 GB
Mga Kinakailangang Account sa Pag-log in
Epic ID
Mga Wikang Sinusuportahan
Audio: N/A
Text: Ingles, Tsino (Pinasimple), Pranses, Aleman, Italyano, Espanyol (Latin America), Espanyol (Spain)
© Rebound Capital Games 2026. All Rights Reserved. Published by Rebound Capital Games. Developed by Rebound Capital Games. Rebound Capital Games and the Rebound Capital Games logo are either registered trademarks or trademarks of Rebound Capital Games or its affiliates. Rebound Capital Games is registered in the European Union Intellectual Property Office. Tennis Manager, the Tennis Manager logo, Rebound Capital Games and the Rebound Capital Games logo are either registered trademarks or trademarks of Rebound Capital Games. All other company names, brand names and logos are property of their respective owners.